Chapter 39

8.6K 203 27
                                    




Marco

Halos dalawang buwan na din ang nakaraan noong nag Tagaytay kami. Araw araw pinaparamdam  ni Monica sa akin ang pagmamahal niya. Araw araw sinisiguro niya na kahit anong mangyari hindi niya ako iiwan. Kaya naging madali para sa akin lahat na tanggapin kung hindi na kami magkakaanak ulit. Sabi niya pag isang taon at hindi pa siya mabuntis pwede naman daw kaming mag ampon. Hindi kailanman niya pinilit na magpacheck up ako. Subukan lang daw namin lagi ng subukan. At alam ko na ginagawa niya yun kasi ayaw niya akong masaktan. At sa ngayon nga hindi ko pa din kayang mag pa check up. Maniniwala muna ako kay Monica. Subukan muna namin. Kaya every weekend si Lukas dinadala namin sa bahay nina Mommy para masolo ko siya. Halos hindi na kami lumalabas ng kwarto minsan. Hindi ko na siya tinitigilan o mas tamang hindi ko din naman nga kayang tigilan.

Susunduin ko sila ni Lukas ngayon. Mag didinner kami kasi birthday ng anak namin. Ayaw ni Monica na maghanda kami kasi hindi pa naman daw yun ma eenjoy ni Lukas. Pwede naman daw na i donate namin yung ipanghahanda namin sa mga batang mas nangangailangan. O kaya ipunin namin para sa kinabukasan ni Lukas. Kaya sinunod ko siya. Kahit anong pilit nina Mom na maghanda kasi unang apo nila. Parang ipapakilala nga din si Lukas. Iginalang na lang nila desisyon ni Monica. Banda banda diyan makikilala din naman daw si Lukas. Kasi Ethan Valero siya. Lukas Ethan Valero. Sa ilang buwan naming magkasama ni Monica nagawa na din niyang magtapat sa mga magulang niya. Na meron na siyang anak at nagsasama na kaming dalawa. Naging magaan naman pagtanggap ng parents niya sa amin. Gwapo naman daw kasi ang apo nila.


"Daddy, Miss you!"

Pagkasakay ng anak ko ayan ang ang bungad sa akin. Sweet din nga ang anak ko.


"Happy Birthday Lukas."

"Gift ko Daddy? Gusto ko little brother."

Napatingi ako kay Monica. Nginitian niya lang ako. Halos ang dami na kasi niyang toy. lagi siyang binibilhan ni Daddy. Kaya kalaro ata talaga nga ang gusto niya.


"Hindi pa ako sigurado baby if mabibigyan kita ng Little brother. wala ka bang ibang gusto?"

"Little sister?"

Napailing na lang ako sa sagot niya at tahimik na nagdrive. Ngayon lang siya humiling ng kapatid. Ayaw ko naman saktan siya kasi birthday niya ngayon. Paano ko sasabihin na imposible yung hinihiniling niya?


"Kamusta?"

Ginagap ni Monica ang kamay ko. Andito na kami sa restaurant. Naghihintay ng order namin. Si Lukas hindi pa din tumitigil sa kakasabi ng gusto niya. Nasasaktan ako.


"Ok lang naman sa office. Bakit biglang nanghingi ng kapatid yang anak mo? Maka hiling akala mo inoorder siya shopee tas pwedeng COD."

"Baka nakikita yung classmate niya na may mga kapatid. Hayaan mo na."

Ganyan siya lagi. Ayaw niya na mag iisip ako. Dapat magpropose ako ngayon pero parang sinampal ako ng katotohanan na hindi ko mabibigyan ng kapatid si Lukas.

"Lukas, di ba ang daming toys doon kanina. Wala ka bang nagustuhan? Bilhin lahat ng Daddy."

"Dami na bigay ni Lolo Daddy. I want little brother. Sabi ni Mommy kanina ok lang daw yung gusto ko."

Hindi ko magawang tingnan si Monica. Bakit pinaasa niya ang bata? Gusto kong umalis baka kung ano lang masabi ko."

"Lukas anak, pero anong gusto mo? sister or brother? o two brother o two sister?" Masiglang tanong ni Monica.

"Monica, huwag mong paasahin ang bata. Mas masasaktan ako. Tanggap ko na ang kakulangan ko. Pero hindi ko matatanggap na masasaktan ang bata. Kaya tama na please."


"Brother and Sister Mommy."

Bakas sa mukha niya na masaya sila sa pinag uusapan nila. Masaya sa inaabangan niyang kapatid.

"Ayan din ang gusto ni Mommy. Pag dalawang sister kasi solo ka na lalaki. Pag dalawang brother naman wala kang sister, Ikaw Daddy? anong gusto mo? May Ethan ba din ang name niya pag lalaki? paano pag babae?"


Akmang tatayo siya ng pigilan siya ni Monica. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. Sanay na naman siya sa ugali ko kaya hindi niya ako sinasabayan.

"Sabi ni Doktora, mga 5 months pa daw malalaman ang gender ng twins. Kaya ano bang gusto
mo?"


"Tw..ins?"


Inilabas nito ang 3D na ultrasound. Pagtingin ko sa mukha niya may namumuo ng luha sa mga yun.

"Nagpacheck up ako kanina. 6 weeks na. At malinaw sabi ni Doc na kambal ang dinadala ko. Kaya sinabi ko kay Lukas na pwede na siyang humiling ng kapatid sa'yo. Kasi nagawa mo na. Idedeliver na lang."


Nanghihina akong napaupo. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Sa sobrang saya ko naiiyak ako.

"Congrats! Daddy ka na ulit."

Yumakap sa akin si Monica. Buti na lang nasa VIP room kami kaya ok lang na umiyak. Walang makakakita. Ang tagal kong nakayakap sa kanya habang hindi ko mapigilan ang pagluha. Si Lukas nakiyakap na din. Group hug daw kami.

"Sa sunod na birthday ni Lukas may kapatid na siya. Kaya gawin nating special ang araw na ito na kasama siya. Pasensya ka na if ayaw kong maghanda. Bawal daw akong mapagod at mastress sabi ni Doc."

Kumalas ako ng yakap sa kanya. Wala na akong papangarapin pa. Lahat naibigay ni Monica sa akin.

"Kahit alam ko na matatagalan pang mangyari dahil sa kundisyon mo. Pero ito naman talaga ang plano ko. Naunahan mo lang ako isurprise." Dahan dahan akong lumuhod sa harap niya. Inilabas ang singsing na kanina pang nasa aking bulsa. "Will you marry me?"


Pero hindi man lang kinabakasan ng gulat ang mukha ni Monica. Parang expected na niya. Wala yung inaasahan ko na maluha luha siya.

"Medyo epic fail ang plano mo kasi nakita ko kagabi yung singsing. Pero siyempre papakasalan pa din naman kita."

Parehas kaming natawa habang sinusuot ko ang singsing sa kanya.  Epic fail nga.

"Babae at lalakin din ang gusto ko sa kambal. Mahal na mahal kita Monica. Kayo ng mga anak ko."

Mga anak ko. Akala ko hindi ko na yun mababanggit. Lord, Salamat. Salamat sa pagbibigay sa akin ng katuwang sa buhay na hindi ako hahayaang masaktan. Epic fail man ang proposal ko alam ko, hindi ko hahayaan na masira ang aming pagsasama. Gagawin ko lahat para sa pamilya ko. Hindi naman proposal ang pinaghahandaan. Ang buhay mag asawa mismo. At alam ko na pagtatagumpayan ko yun kasi si Monica ang kasama ko.


_casper_

Love Drunk (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon