Dahil sa paglaki ng responsibilidad ni Marco sa kumpanya medyo nabawas din ang panahon niya sa akin. Sobrang toxic ng training niya na pagkahatid niya sa akin nagpapaalam na din siyang umuwi dahil sa sobrang pagod nito. Ayos lang naman kasi yun sa akin kasi kailangan talaga niya yun ayun nga lang medyo nakakamiss lang. Sinanay niya kasi ako na laging nasa akin ang oras nito."Hindi daw pwede si Marco ngayon?"
Si Russel yun. Nasa isang resort na naman kami para sa buwanang pag iinom namin. Yung inom na parang wala ng bukas. Sinabi ko kay Marco kaso hindi naman siya sumagot sa akin. Siguro nga sobrang busy niya.
"Busy siya pre. Akala ko tayo tayo lang? Tropa lang? Bakit may kasama ata na hindi ko kaclose?"
"Narinig kasi niya yung about dito. Nakakahiya na hindi imbitahan. Saka hindi ka naman namin pababayaan Monica."
"Sanay lang talaga ako sa inyo lang. Kahit magpakalasing ako ayos lang. Pero yang sinama niyo halos isang linggo pa lang sa company. Ni hindi ko pa nga siya nakakausap. Sana hindi na lang ako sumama pala"
Ako lang kasi ang babae ngayon. Tapos may iba pa na kasama. Hindi naman kasi maiiwasan na baka mamaya malasing silang lahat tas hindi din naman nila ako mapagtatanggol. Tas ang nakakainis kasi ang lagkit makatingin sa akin yung isinama nila. Nakakailang lang.
"Huwag ka ng magalit pre. Kaming bahala sayo."
Ipinakilala nila sa akin yung bago. May itsura din naman ito. Gwapo naman nga si Joseph kaso nakakailang lang talag siyang tumingin. Tapos nung makipagkamay siya sa akin nung ipakilala kami sa isa't isa bahagya niyang pinisil pa ang kamay ko. Para tuloy ayaw kong magpakalasing ngayon. Si Marco hindi pa nagrereply sa akin. Sinabi ko lang na kung susunod siya andito kami sa resort na ito.
Nag umpisa na kaming mag inuman ng tumabi sa akin si Joseph. Hinayaan ko lang. Tutal naman puro tropa ko ang kasama ko. At ayaw ko na magkagulo dahil lang iniisip ko na parang gusto nito na mapalapit sa akin.
"Ang astig mo. Puro lalaki talaga tropa mo?"
Nakangiting tanong sa akin ni Joseph. May pagkakataon na halos dikit na dikit na talaga siya sa akin kahit nga ang luwag naman sa kabilang side nito.
"May mga babae naman din. Kaso hindi ko alam na hindi sila makakasama."
Biglaan kasi na yung ibang tropa ko nga na babae ay may kanya kanyang biglang pupuntahan. Nalaman ko na lang andito na ako sa resort. Kaya walang choice kundi ang ituloy na lang.
Nagpatuloy lang kami sa pag iinom. Medyo alalay lang talaga ako kasi ayaw kong malasing. Lalo na at mukhang nakalimutan ni Russel yung sinabi niya na siya ang bahala sa akin. Sobrang lasing na ito. Ayun nga at halos nakasubsob na sa table ito. At parang sinasadya nila na halos lasing na nga halos sila. Kami na lang ni Joseph yung iwan na ayos pa.
" Joseph mukhang wala na tayong kainuman. Itigil na lang natin"
Siguro mga pagod angvmga tropa ko kaya ang bilis malasing. At medyo kinakabahan din ako.
"Eh di ba inuman to na parang wala ng bukas. Ituloy na lang natin"
Hindi ko gusto ang paraan ng pagtitig niya sa akin. At nakakatakot na medyo nahihilo na din ako.
" Natatakot ka ba sa akin Monica?"
At hinawakan pa nito ang kamay ko. Agad ko naman itong binawi. Pinilit kong tumayo para makalayo dito. Magkukulong na lang ako kung saan. Ngunit pagtayo ko ay lalo lang naging madali dito ang hilahin ako.
"Teka lang Joseph.."
"Bakit ka ba natatakot Monica? Siguro naman natikman ka na nga mga tropa mo. Baka mas masarap ako sa kanila"
Sinampal ko siya. Sabi na nga ba mali na ang kutob ko kanina. Dapat umalis na lang ako. Maaasahan ko ang tropa ko pero yung alak na nainom nila yun talaga ang hindi ko dapat pagkatiwalaan.
"Pagkakita ko pa lang sayo sa company crush na kita. Medyo tahimik ka lang. Tapos malalaman ko na puro lalaki ang tropa mo? May landi ka palang tinatago"
"Hayop ka! Tao kang tinanggap ng mga kaibigan ko tapos gaganituhin mo ako?! Gago ka!"
"Hindi pa nga kita ginaganito. Bobo din kasi mga tropa mo. Hindi nila nakita na hindi naman talaga ako umiinom. Tas ikaw tagay ka ng tagay."
Sinampal ko ulit siya. Pero sinuntok lang siya ako sa sikmura. Sobrang lakas noon na halos mawalan ako ng malay. Binuhat niya ako sa isang kwarto. At naramdaman ko na lang siya sa ibabaw ko. Hindi ko na magawang kumilos. Naiiyak lang ako na wala akong magawa. Marco tulungan mo ako.
_casper_
BINABASA MO ANG
Love Drunk (Completed)
General Fiction"Nakakatawa lang na ikaw ang nalasing pero ako ang may hangover" Cover: officialwhosthatgirl