MarcoPitong taon na kaming kasal ni Monica. Simple lang ang kasal noon kasi nasaktuhan na may pandemia. Bawal ang mass gathering. Kaya ang kasal ay dinaluhan lang ng aming pamilya. Pabor din naman sa amin kasi bago manganak si Monica pinilit ko na makasal kami kaya hindi siya masyadong na stress sa preparation ng kasal namin. Saka wala din naman yun sa garbo o simple ng kasal nga. Ang mahalaga yung pagmamahal namin sa isa't isa. Mas pinatibay pa lalo noong pinanganak ang kambal. Kagulo ang pamilya namin sa dalawa. Babae at lalaki. Halos kamukha ni Lukas ang baby brother niya. Kamukha naman ni Monica ang aming prinsesa.
"Dad, sabi ni Teacher masyado na daw advance ako sa Math para sa Grade Six. Hindi daw normal yung nasa Calculus na yung alam ko. Masama ba yun Dad?"
Paano ba naman hindi siya magiging advance, bonding nila ni Daddy yun. Nagpapaturo siya kay Daddy. akala ko gang basic Algebra pa lang sila. Umabot na pala sila sa Calculus. Ano pa ituturo sa kanya sa Junior at Senior High? Pero nag eenjoy naman siya kaya hinahayaan ko na lang.
"Wala naman masama doon anak. Hindi mo naman niyayabang ang alam mo. Pero huwag mo muna pag aralan masyado ang mga yun."
"Pero gusto ko Dad maging katulad ni Daddy Lolo. Top 1 sa Board Exam."
Idol niya talaga si Daddy. Hindi ko naman siya masisisi kasi ganoon din naman ako dati. Sobrang idol ko si Dad.
"Dad!"
Halos magkapanabay na tawag sa kanya ng kambal. Humahangos ang mga yun sa pagtakbo palapit sa sasakyan. Siguro naglaro na naman ang mga ito kaya nauna pa ang Kuya nila. Ako kasi ang sumusundo sa kanila. Ayaw kong masyadong mag focus sa pagtatrabaho tapos halos hindi ko sila madadatnan na gising sa bahay. Kaya nagdesisyon ako na hatid sundo ko sila para parang bonding namin. Anim na taon na ang kambal. Sa kakulitan hinakot ata nila lahat. Kaya pagod na pagod lagi si Monica pag siya lang ang mag aasikaso sa mga ito.
"Athena, Lawrence, late na naman kayo? At ang dumi dumi ng suot niyo."
Pero ano nga ba ang aasahan ko sa ganyang edad. Hindi lang talaga makulit si Lukas dati kaya naninibago talaga ako sa kambal. Athena Laurence at Ethan Lawrence ang pangalan nila. Hindi pwedeng mawala ang Ethan sa mga Valero kaya.
"Sorry Daddy."
Matapos akong halikan ni Athena ay niyakap niya ako. Buti na lang din may babae akong anak. Mas malambing kasi talaga siya kesa sa mga Kuya niya.
"May gusto ba kayong bilhin bago tayo umuwi?"
"Wala po Dad. Ok naman po toys namin ni Athena. Saka sabi ni Mommy pwede daw namin ibigay yung ibang toys doon sa mga bata sa foundation."
Halos nagkukulitan lang sila habang bumabiyahe kami pauwi. Minsan lang naman talaga sila humiling sa akin na pupunta ng Mall o magtatake out. Sinanay sila ni Monica na sa bahay ang kain para sigurado daw na healthy ang kinakain nila. Hindi din sila humihingi ng laruan kasi every week naman din may bigay si Dad. Sinanay sila ni Monica na kahit kaya ko naman ibigay ang magugustuhan nila if hindi naman masyadong kailangan ok lang na hindi nila ipabili. Ilang taon na kaming kasal ni Monica pero hindi pa ata nagsisink in sa kanya na bilyonaryo ang napangasawa niya. Pero ok na din kasi maganda ang pagpapalaki niya sa anak namin. Hindi niya binusog ng material na bagay ang mga anak ko kundi sa pagmamahal na nag uumapaw. Sinong mag aakala na yung babaeng halos pataubin ako sa inuman heto ngayon at maayos ang pagpapalaki sa aming mga anak.
Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan sa tapat ng bahay ay halos kanya kanya na silang unahan ng pagbaba. Excited lagi sila na makita ang Mommy nila. Hindi ko naman sila masisisi kasi ganoon din naman ako. Araw araw mas minamahal ko siya. Mas namimiss ko siya kahit kakaalis ko lang sa bahay. Sa tuwing iniisip ko na ginive up niya career niya bilang Engineer para sa amin mas lalo ko siyang minamahal. Sa pamilya na lang siya namin nag focus kaya ang mga anak napaka clingy talaga sa kanya.
"Kamusta?"
Nakangiting salubong niya sa akin. Mabilis akong hinalikan sa labi na para bang kasalanan pag may makakakita na humalik siya sa akin. Pero ayaw niya lang din talaga niya na makita ng mga anak namin yun. Kaya pag nasosolo ko talaga siya bumabawi ako sa kanya, sobrang bawi na halos hindi siya makalakad kinabukasan. Hindi ko nga alam kung bakit hindi siya nabubuntis ulit. Gusto ko pa sana dagdagan ang aming anak.
"Ayos na. Nakita na kita Mahal."
" Valero, Bolero."
Inakbayan ko siya papasok sa dining. Rinig na kasi ang kulitan ng tatlo. Medyo nagdadalawang isip din talaga ako if gusto ko pa ng anak. If madagdagan ang kakulitan parang nakakakaba na magdagdag.
"I Love You."
Halos hindi agad ako nakahinga sa narinig ko. Ganyan yan si Monica lagi. Gulatan lang kung magsabi ng nararamdaman niya. Kaya sa tuwina tumitigil ang pagtibok ng puso ko.
"Mahal na mahal kita Monica at yang tatlong makulit na yan."
Ang dami naming pinagdaanan bago namin marating yung ganito. Yung sobrang sayang pakiramdam dahil napapaligiran ako ng mga mahal ko. Si Monica ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Naalala ko noong unang beses ko siyang nakainuman. Unang beses din na may mangyari sa amin. Oo nalasing ako. Pero parang nawala ang tama ko noong mahalikan ko siya. Nawala ang pagkalasing ko kasi sa ibang paraan niya ako nilasing noong gabing yun. At aaminin ko na yung epekto ng pagkalasing na yun hanggang ngayon ramdam ko pa di ang hang over. Hanggang sa dulong hang over na siguro ito.
The End
BINABASA MO ANG
Love Drunk (Completed)
General Fiction"Nakakatawa lang na ikaw ang nalasing pero ako ang may hangover" Cover: officialwhosthatgirl