Maayos naman ang naging pakikitungo ng mga kabarkada ko kay Marco sa company after nung inuman namin na yun. Ayun nga lang hanggang ngayon eh umiiwas pa din ako sa mga tanong nila kung ano ba ang lagay namin ni Marco. Umiiwas ako kasi baka masabi ko ang totoo. Masabi ko ang totoong nararamdaman ko. Yung bagay na hindi ko sinasabi ko kay Marco baka sa kanila ko masabi. Kaya tamang iwas muna ako."Balita ko wala na daw si Marco at Girlfriend niya"
Narinig ko sa tapat ng cubicle ko sa office. Wala na kami? Hindi nga pala kami. May nangyayari sa amin at gusto niya lang akong pakasalan pero hindi kami. Kaya hindi kami maghihiwalay kasi hindi naman kami.
"Sayang naman. Ayun ata ang pinakamatagal na gf niya. Bagay pa naman sila"
Gusto ko sanang lumayo sa mga naririnig ko kasi medyo masakit. Kaso hindi naman kami kaya anong karapatan ko na masaktan?
"Monica sabay na tayong maglunch"
Hindi ko din namalayan na nasa paligid ko na si Marco. Ano na lang iisipin nila? Hiwalay na siya sa gf niya tas biglang makikita na magkasama kami? Hindi naman sila sanay na makita na magkasama kami. Magkaiba kami ng tropa.
"Busy ako Marco.. maya na lang ako kakain"
Hindi ko din siya tiningnan. At alam ko na masasaktan ko siya pero hindi pa ako handang harapin ang kumplikasyon dahil lang sa pumayag ako na pagbigyan ang nararamdaman ko.
"Hindi pwede" Seryosong sabi niya. Kaya hindi ko napigilan na tingnan siya na dapat hindi ko ginawa kasi hindi ko pala kakayanin na makita ang napakaseryosong mukha niya. Yung paraan ng pagtingin niya. "Sabay tayong kakain Elise Monica"
"Hindi pa nga ako kakain. Kung nagugutom ka na andyan naman ang mga tropa mo sa kanila ka sumabay"
"Mahirap bang intindihin na ikaw ang gusto kong kasabay? Na ikaw ang gusto kong kasama?"
Wala na akong nagawa ng hilahin niya ako palabas ng office at yung itsura ng mga nagkwekwentuhan kanina hindi ko maipaliwanag kung ano yung reaction ng mukha nila. Hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya ay hindi niya ako tinitingnan pero yung galit ay ramdam na ramdam ko sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Sobrang higpit. Yung tipong wala siyang planong pakawalan ako. Pero wala naman akong planong kumawala. Kailangan ko lang ng panahon para matanggap ang sitwasyon namin. Masyadong mabilis ang lahat para sa amin. Hindi sana ako maguguluhan kaso naging kumplikado na kasi mahal niya ako. At hindi ko yun agad mapaniwalaan. Mahirap tanggapin agad yun, na yung matagal ko ng pinapangarap eh abot kamay ko na agad.
"Wala ka namang planong baliin ang kamay ko ng lagay na yan Ethan Marco?"
Seryosong tanong ko ng makasakay na din siya. Ang adik lang talaga niya.
"At wala ka namang planong iwasan ako maghapon dahil lang sa nahihiya ka na makita na magkasama tayo?"
Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Halata pala?
"Ganun ba ko kahiya hiyang kasama sayo? Hindi ba ako pwedeng ipagmalaki? Hindi ba ako karapat dapat na ipakita sa lahat na akin ka na?"
BINABASA MO ANG
Love Drunk (Completed)
General Fiction"Nakakatawa lang na ikaw ang nalasing pero ako ang may hangover" Cover: officialwhosthatgirl