MarcoNung talikuran ko si Monica akala ko kaya ko na talaga na iwan siya ng tuluyan. Kaya bumalik ako. Mahal ko siya. Gusto ko siyang ipaglaban. Kahit pa sabihin na pinsan ko siya. Akin si Monica. Hindi kami kasal pero akin lang siya. Pero ang nadatnan ko sa labas ng gate ay ang pagbuhat ni Neon sa kanya. Sinakay siya sa sasakyan at umalis na. Ganoon nga siguro kaimportante si Monica para kay Neon na pipiliin nitong umalis kesa ang magcelebrate ng anniversary ng magulang nito.
Kakayanin ko naman lahat ng makakaribal ko sa kanya pero bakit pinsan ko pa?
Nagpaalam ako sa magulang ko para umalis na din. Buti na lang hindi nila nakita si Monica. Tamang ako na lang ang nasasaktan at naguguluhan sa sitwasyon. Mahirap na napamahal na din sa kanila si Monica. At alam nila ang pinagdaanan ko na hirap para mahanap lang siya. Magiging masakit para sa mga ito na makita siya kasama ni Neon.
Pero alam ko na wala pang sasakit sa nararamdaman ko ngayon. Sobrang gulat ko kanina na makita siya. Sobrang saya ko hanggang sa gumuho ang kasiyahan na yun nung makita ko na kasama siya ni Neon. Na siya yung sinasabi ni Tita na ipinakilala sa kanya ni Neon. Na sa wakas daw seryoso na ang anak nila. Hindi ko nga sana siya lalapitan pero nangibabaw pa din na gusto ko siyang makaharap kahit masaktan pa ako lalo. Gusto kong masigurado na siya yun.
"One bottle of whisky please."
Tiyak na mapapagalitan ako ni Mommy pag nalaman niya na andito ako ngayon sa isang bar. Pwede daw akong maglasing na parang wala ng bukas pero dapat sa bahay lang. Para iwas aksidente. Pero hindi ko na naisip yun. Yung unang bar na nahagip ng mata ko ay tinigilan ko.
Nung unang mga tagay ko gumagamit pa ako ng shot glass. Pero makailang tagay lang diretso sa bote na ang ginawa kong pag inom.
Ilang bote ng alak ba ang kailangan ko para mawala ang sakit?
Halos wala pang isang oras nung maubos ko ang isang bote. Hindi na ako yung katulad nung dati na ang hina hinang uminom. Kaya humingi ulit ako ng isa pang bote. Kaya ko pa naman talaga. Wala din akong pakialam sa mga babaeng lumalapit sa akin. Hindi ko sila kailangan. Kailangan kong mawala itong sakit na nararamdaman ko.
Halos paubos ko na ang pangalawang bote. Pero andoon pa din. Hindi naman nabawasan yung sakit. Naramdaman ko ang pag iinit ng aking mata.
Lagi mo na lang akong pinapaiyak Monica.
Inubos ko ang laman ng bote at humingi pa ulit ako ng isa pa. Binayaran ko na din lahat ng nakuha ko at lumabas na sa lugar na iyo. Sa ibang lugar na lang ako iinom. Doon sa pwede akong umiyak ng malaya.
Maingat kong tinahak ang lugar kung saan lagi din ako. Doon sa kung saan walang nadaan masyadong sasakyan kaya pwede akong tumigil at bumaba. Pagmasdan ang ilaw ng buong lungsod. Doon ako pumwesto sa ilalim ng puno na naging kasama sa mga panahon na nangungulila ako kay Monica. Andito lang ako dati para mag isip. Walang alak. Ngayon dala dala ko yung isang bote na hindi pa nababawasan. Binuksan ko yun at mabilis na tinungga.
"Monica.."
Garalgal na ang boses ko. Yung luha ko halos nag uunahan din na pumatak. Sinong mag aakala na nagpapatakbo ako ng isang company sa itsura ko ngayon? Lasing, umiiyak at nasasaktan.
"Tatlong taon.."
Akala ko talaga kahit papaano ok na ako. Pero isang pagtatagpo lang namin yung sakit na naramdaman ni nung iwan niya ako ay mas dumoble pa. At hindi ko alam kung paano ko makakaya pa.
Ang sakit sakit na.
Inisang tungga ko na yung laman ng bote. Pero parang sasabog pa din ang puso ko. Hindi pwedeng nasasaktan ako ng ganito tapos masaya sa piling ng iba. Hindi yun pwede.
"Kailangan ko ng paliwanag Monica!"
Pinagsusuntok ko ang puno. Yung punong naging kadamay ko sa loob ng tatlong taon siya pa din ang naging buntunan ko ng galit. Hindi ko yun tinigilan hanggang sa manhid na ang pakiramdam niya. At halos mabalot ng dugo na ang dalawang kamao ko. Pero dumagdag lang din ito sa sakit na nararamdaman ko.
Hindi pwedeng ganito. Kahit sobrang sakit ng kamay ko pinilit kong magneho. Lagot ako kay Mommy nito. Pero napakalaking pagkakamali nga siguro ng ginawa kong pagdadrive. Hindi ko masyadong maigalawa ang aking kamay. Sana pala nagpasundo na lang ako. Oo nasasaktan ako pero hindi ko naman gustong mamatay. Pero huli na siguro kasabay ng liwanag na sumalubong sa akin ay ang nakakakilabot na tunog ng gulong kasunod ng pagdidilim ng aking kamalayan.
_casper_
BINABASA MO ANG
Love Drunk (Completed)
General Fiction"Nakakatawa lang na ikaw ang nalasing pero ako ang may hangover" Cover: officialwhosthatgirl