"Pag isipan mo kasi"Andito na kami sa harap ng bahay ko. Bago niya ako ihatid kumain muna kami. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari sa amin o dahil matagal ko din naman siyang nakasama kaya medyo yung ilang at kaba na kasama ko siya ay medyo nabawasan na.
"Hindi na kailangang pagisipan Marco"
"Talaga pumapayag ka na?!"
Yung itsura niya mababakas mo talaga sa mukha niya na masayang masaya siya. Yung hindi pilit lang na saya. Yung hindi sayang para lang kumbinsihin na masaya siya. Kaya medyo nag alangan akong sabihin kung ano ba talagang desisyon ko. Parang ayaw kong mawala yung saya na yun sa gwapo niyang mukha.
"Hindi pa din po"
Mahina kong sabi. Ni hindi ko nga alam kung paano yun lumabas sa bibig ko. Gusto ng puso ko na pumayag pero yung isip ko ang nanalo. May mali kasi kung papayag ako.
"Nakikita mo ba ang sitwasyon natin Monica? Ang gwapo ko pero nagmamakaawa ako na pakasalan mo ako."
"Baliw." Yan na naman yang kagwapuhan na yan. "Bakit kasi hindi yung girlfriend mo ang pakasalan mo kung atat na atat kang magpakasal? O kaya yung mga nakapila sayo. Ang dami dami dyan Marco huwag ako yung guluhin mo"
Medyo sumeryoso siya ng konti. Pero sa tingin ko lalo lang siyang gumwapo pag ganyan siya.
"Kaya nga ikaw ang papakasalan ko kasi ikaw ang girlfriend ko"
"Talaga? Kelan pa?"
Yung hindi ko pwedeng ipahalata na nagulat ako at kinilig din sa sinabi niya. Ang adik lang din talaga ng lalaking ito.
"Kasi po Engr. Monica ang babaeng matino na katulad mo ay hindi ibibigay ang sarili niya sa hindi niya boyfriend o asawa. Kaya nung gabing ibinigay mo ang sarili mo sa akin boyfriend mo na ako. Kaya tama lang din naman na girlfriend kita di ba?"
"Hindi kasi ganun yun kadali Marco. Hindi naman kasi simpleng bagay lang ang hinihingi mo. Oo gwapo ka alam naman ng lahat yun. Pero ang alam ko hindi itsura ang requirements sa pagpapakasal. Umuwi ka na. Baka gabihin ka lang."
"Sabi nila mana daw ako sa tatay ko. Yung kahit ibigay na namin lahat hindi pa din malinaw kung ano ba yung gusto naming iparating. O kung anong nararamdaman namin."
Hinawakan niya ng kamay ko.
"Marco.."
"Alam ko naman na kahit may mangyari pa sa atin ulit o kahit ilang beses kitang kulitin na pakasalan ako may mga bagay pa din na kailangang sabihin. Pero kahit ubusin ko ata ang alak sa buong mundo para magkalakas ng loob na sabihin yun sayo hindi ko pa din yun masasabi." Dinala niya yung kamay ko na hawak hawak niya sa tapat ng puso niya. Ang bilis ng tibok nun. "Alam mo yun pagsobra sobra yung nararamdaman? Yung nag uumapaw na nga sabi ng ilan parang ang hirap lalo sabihin. Naiintindihan mo ba yun Monica? Yung nararamdaman ko para sayo ay hindi matutumbasan ng tatlong salita lang. Hindi yun tipikal na pakiramdam na pagsinabi ko sayo maghihintay ako ng sagot. "
"Ang drama mo."
Parang gusto ko siyang hilahin sa simabahan ngayon para pakasalan na siya dahil sa nga sinabi niya. Yung puso ko parang sasabog.
"Ganyan ka naman. Hindi ko alam kung bakit ayaw mong maniwala sa akin"
"Naniniwala naman ako Marco. Pero alam mo yun? Ang bilis bilis lang." Akala ko aalis na siya at iiwan ako. Yung itsura niya kasi. Yung alam mo na nasasaktan siya. Hindi ko naman yun ginusto yun. Parang simula nung aminin ko sa sarili ko na mahal ko siya parang hindi ko naisip na dadating sa puntong masasaktan ko siya.
"Naniniwala ka na Mahal kita?"
Akala ko ba hindi niya kayang sabihin?
"Iba yung sinabi sa tanong di ba?"
Tapos yung ngiti niya nakakaloko. Ang adik lang. Ngali ngali ko na siyang hampasin o batukan kaso naalala ko isang batok nga pala katumbas ng isang halik. Eh ayaw ko naman ng ganun yung hahalikan niya ako dahil binatukan ko siya.
"Gusto ko mang maniwala na Mahal mo ako. Mas lamang pa din na ayaw kong umasa talaga. "
"Pero bakit ako? Naniniwala ako na Mahal mo ako. Dapat ganun ka din. Ang daya mo naman Elise Monica."
"Kaya nga malakas ang loob mo na gawin lahat lahat sa akin kasi alam mo kung anong nararamdaman ko sayo. Ang totoo Ethan Marco papakasalan mo ba ako dahil Mahal mo ako o dahil alam mo na Mahal kita?"
"Papakasalan kita dahil gwapo ako"
Itinuloy ko na yung pagbatok ko sa kanya. Ang kulit lang. Yung akala mo seryoso na yung usapan tapos biglang iisingit yung kagwapuhan niya. Yung nagsisimula na akong masaktan dahil parang sinasamantala niya na patay na patay ako sa kanya tapos biglang gwapo daw siya?
"Ikaw sinasaktan mo na ako sa pagtanggi mo sa kasal na inaalok ko tapos babatukan mo pa ako? Tapos ni hindi mo ako maalok na pumasok sa bahay mo. Ilang beses ba akong masasaktan dahil sa pagsundo ko sayo?"
"Hayaan mo na gwapo ka naman"
Tinalikuran ko na siya at alam ko na susunod din siya sa pagpasok sa bahay. Kahit medyo nakakakaba na ganito. Na solo na naman kaming dalawa. Baka ipagkanulo na naman ako ng nararamdaman ko.
"Pero papakasalan kita kasi yun na lang ang hindi natutupad sa mga pangarap ko" Pagkasara ng pinto ay iniharap niya ako sa kanya. "Hindi naman mahalaga kong mahal mo ako. Bonus na lang yun kung tutuusin. Mas lamang na sigurado ako na wala na akong pag aalayan pa ng ganitong pagmamahal kundi ikaw lang"
At hindi ko na napigilan na hilahin siya papalapit sa akin para halikan. Kung saan man kami dadalhin ng halik na to wala na akong pakialam. Ngayon pa ba ako hindi magpapaubaya? Mahal daw niya ako? At hindi siya lasing.
_casper_
___________________________________
Kung ano man ang gagawin nilang dalawa na medyo nakakainggit kanila na lang muna.hahaha Joke lang. Next chapter siguro? Salamat sa pagsuporta. SiLi guys!
BINABASA MO ANG
Love Drunk (Completed)
General Fiction"Nakakatawa lang na ikaw ang nalasing pero ako ang may hangover" Cover: officialwhosthatgirl