MARCO
Halos mag iisang buwan na din na inaalagaan ako ni Monica. Naalis na ang benda sa kamay ko kaya kahit papaano hindi na katulad nung una na sobrang kailangang kailangan ko siya. Pero kailangan ko pa din naman siya. Kaso parang sa isang kwarto nga kami natutulog pero ang layo layo niya naman sa akin. Kahit isang buwan na kaming magkasama sa tuwing binabanggit ko kung anong meron kami bigla na lang siyang iiwas. Bigla na lang siyang aalis sa silid ko. Anong magagawa ko? Ni hindi ko siya mahabol.
"Pag naalis na itong nasa binti ko iiwan mo na ako?"
Hindi ko mapigilan na hindi siya tanungin habang inaalalayan niya ako na tumayo. Nagtatry din naman ako na maglakad lakad na gamit yung saklay na ngayon. Simula nung matanggal yung benda sa kamay nakakagamit na ako ng saklay.
"Monica.."
Para kasing hindi niya narinig yung sinabi ko. Nag iwas pa nga siya ng tingin sa akin. Lagi na lang ganito. Ang lapit lapit niya na pero pakiramdam ko katulad nung mga nakaraang taon ang layo niya sa akin.
"Ano bang gusto mo Marco?" Lumayo siya sa akin ng konti. Ok na naman yung pagkakahawak ko sa saklay kaya ayos na pagtayo ko. "Hindi ko din naman alam kung saan ako lulugar. Iniwan kita dati. Galit ka noong nakaraan dahil sa pinsan mo. Sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit ka naaksidente. Habang andito ako wala ka namang pinakita sa akin na hindi maganda. Nahihiya ako. Pakiramdam ko hindi ko deserved yung pakikitungo mo. Na hindi ako sapat sa'yo. Kaya pasensya na kung hindi ko din alam ang isasagot ko. Iiwan ba kita? Hindi ko alam. Parang ang hirap na din kasi. Parang gusto ko pero dapa pa ba?"
"Si Neon ba?"
Wala naman kasing kaso na yung nakaraan. Iniwan niya ako. Nasayang ang ilang taon. Pero ayaw ko na masayang pa yung ilang taon pa dahil lang sa hahayaan ko siyang umalis. Kung may iba na siyang mahal. Kung masaya siya doon baka sakaling pumayag ako. Kasi wala na akong magagawa doon. Pero kung wala namang iba? Kahit anong galit lulunukin ko magkasama lang ulit kami.
"Magkaibigan lang kami ni Neon. Alam ko naman na magpinsan kayo. Kung hindi na kita mahal hindi pa din ako papatol sa kanya."
"Mahal mo pa ako?"
Inilang hakbang ko ang pagitan namin. Hinawakan ko siya sa mukha. Sobrang miss ko siya. Kahit ngayon na kaharap ko siya pakiramdam ko sobra akong nangungulila sa kanya.
"Hindi naman kasi yun nawala." Ngayon ay tumutulo na ang luha nito. Maingat ko yung pinunasan. "Umalis ako dati na hindi ko din alam ang dahilan. Hindi ko lang talaga kayang maghandle ng away. Yung may gusto akong patunayan pero sa huli alam ko na mali na umalis ako. Alam ko na sa ngayon matatanggap mo ako at magiging ayos tayo pero pag nalaman mo yung isang sikreto ko pa sa'yo hindi ko alam kung matatanggap mo pa ako. Kaya hindi muna ako aasa. Sa huli alam na masasaktan pa din kita. Masasaktan pa din ako. Magkakasakitan pa din tayo. Sa huli wala pa ding mangyayari. Magkakalayo pa din tayo."
"Really Monica? Nahusgahan mo na agad ang pagpapatawad ko. Naisip mo na agad ang hinaharap natin. Bakit hindi mo subukan sabihin? Hindi naman ganoon kababaw ang pagmamahal ko sa'yo. Bakit kailangang saktan mo ako lagi dahil takot kang sumugal sa pagmamahal ko?!"
Hinawakan ko siya sa dalawang balikat. Hindi ko mapigilan ang inis ko kaya halos napadiin din ang paghawak ko doon. Nakalimutan ko na hindi pala ako ok kaya nawala sa isip ko na dumedepende pa din ako sa saklay. Paghawak ko sa kanya ay parehas kaming natumba. Buti naagapan ko ang kamay ko na maituon sa sahig kaya hindi ko siya nadaganan talaga. Halos ilang pulgada lang ang layo ng aming mukha.
BINABASA MO ANG
Love Drunk (Completed)
General Fiction"Nakakatawa lang na ikaw ang nalasing pero ako ang may hangover" Cover: officialwhosthatgirl