Chapter 38

7.6K 164 16
                                    






Monica

Hinintay ko ng matapos si Marco sa ginagawa niya. Ayaw ko namang umuwi kasi mamimiss ko agad ang  anak ko. Sa sobrang pagod ko kanina nakaidlip ako sa sofa. Hinayaan lang naman ako ni Marco. Ginising lang niya ako noong kakain na kami ng tanghalian. Hindi naman naulit yung pagtesting namin sa lamesa. Siguro sapat na yung ginawa namin kanina. Nakakahiya pa din kasi. Ayaw ko na masanay kami sa ganoon. Pwede namang pigilan ang init ng katawan. Ayaw ko na dumating sa puntong naging pabaya kami at makita kami ng iba.


"Marco, ayaw ko na maulit yung kanina. Pinagbigyan lang kita dahil sa fantasies mo pero hangga't maaari ayaw ko sa lugar na posibleng may makakita sa atin."

Kailangan kong sabihin sa kanya. Para pag dumating sa puntong posibleng maulit dalawa kami na pwedeng pumigil. Mas maganda na yung alam niya yung mga ayaw at gusto ko. Nakakasabay pa naman ako sa kanya pagdating sa sekswal na pagpapaligaya kaya sa tingin ko hindi na namin kailangan pang mag eksperimento sa iba't ibang lugar pa na hindi namin kontrolado.


"Walang problema Mahal. Pasensya na kanina. Alam mo naman na pagdating sa'yo hindi ako makapagpigil. Ok lang ba sa'yo na sundan na natin si Lukas?"


"Bale kukunin na natin siya sa parents mo?"


Pinigilan ko na huwag matawa sa reaksyon niya. Alam ko naman ang tinutukoy niya. Matagal na niyang balak na buntisin ulit ako kaso hindi naman ito nagtatagumpay. Wala naman akong iniinom na kahit ano para hindi ako magbuntis. Nakapag pacheck up naman ako nitong nakaraan at wala naman daw problema.



"Kung gusto mo ng magkaroon ng kapatid si Lukas. Gusto kong maranasan yung andyan habang nagbubuntis ka. Gusto kong bumawi noong panahon na wala ako nung pinagbubuntis mo si Lukas. Gusto kong gisingin mo ako sa madaling araw para pabilhin lang ako ng Manok na pula, ay itlog na pula pala."




"Ok lang naman sa akin. Nakapagpacheck up na ako. Hindi ko din alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa ako nabubuntis. Hindi kaya nung naaksidente ka nagkaroon ng problema?"

Hindi ko alam pero sana hindi ko na lang sana iyon isinantinig. Kita ko ang takot na bumalatay sa mukha ni Marco. Ang unti unti niyang pagbaba ng kutsara at tinidor na hawak niya. Hindi din siya nakapagsalita agad. Hinawakan ko ang kamay niya. Medyo malamig ito.


"Pero baka nagkataon lang talaga. Puro panakaw na sandali lang naman tayo nung nakaraan dahil ni Lukas. Huwag mo masyadong isipin yun." Pero hindi pa din ito nagsasalita. "Marco.."


"Paano kung yun nga ang problema?" Medyo basag yung boses niya. Alam ko na natatakot siya ngayon. Hindi naman kasi basta basta yung aksidente niya noong nakaraan. Lower body niya ang nagkapinsala. Pero sana mali ang iniisip ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang nasasaktan siya. If totoo man, tanggap ko naman siya. Pero alam ko na malaking bagay yun para sa kanya at alam ko na sobra siyang masasaktan. "Paano pa ako gagawa ng mga Engineer, ng mga abogado, ng mga doctor o kahit mga nag sasana all lang baka hindi ako makabuo. Hindi pwede Monica. Paano mo pa ako papakasalan?"


Yung pamumuo ng luha niya ay unti unting nagpaguho sa katiting na natitirang lakas para hindi din mapaiyak sa harap niya. Lumapit ako sa kanya para yakapin siya.

"Magpapakasal pa din naman ako sa'yo kahit hindi ko alam kung kailan ka magpopropose. Ikaw naman ang mahal ko hindi ako sperm count mo."

"Sana nga walang problema. Mahal na mahal kita Monica. Kung wala tayong anak hahayaan kitang iwan ako kung hindi kita mabibigyan ng anak. Pero andyan na si Lukas. Akin ka na. Hinding hindi kita papakawalan."

Wala naman akong planong iwan siya. Ang tagal kong nagtiis na malayo sa kanya.

"Malay mo buntis na pala ako ngayon hindi ko lang alam. Kaya huwag na natin masyadong isipin. Mahal na mahal kita Marco. Ayaw ko na makita ka na nasasaktan. Huwag kang masyadong mag isip. Andito lang ako. Hindi kita iiwan."


Hindi na bumalik sa pagtatrabaho si Marco. Nag half day na lang siya. Mamasyal na lang daw muna kami. Matagal na daw kaming hindi nagdadate dalawa. Alam ko na nag iisip pa din siya. Yung pilit na ngiti na binibigay niya sa akin. Sana talaga walang problema. Hindi ko talaga kakayanin na makita siya na malungkot.


Marco

Hindi pwedeng nagkaproblema ako.  Gusto ko ng madaming anak. Gusto kong bigyan si Lukas ng madaming kapatid. Pero paano nga kung meron? Pilit ko mang iwaksi pero kusang bumabalik sa isipin ko ang posibilidad na baka nga may problema.

"Hindi ba tayo uuwi sa bahay?"

Kanina pa kasi ako nagdadrive. Planado ang araw na ito. Sa resthouse sa Tagaytay kami titigil  g isang linggo. Sa nalaman ko kanina ayaw ko na sanang ituloy pa pero iniisip ko si Monica. Mahal na mahal ko siya. Alam ko na higit na masasaktan siya pag nakikita niya ako na namomroblema.


"Sa Tagaytay tayo Mahal. Binilin ko din muna kay Dad ang bahay. Papupuntahin nila sina Manang every other day para maglinis. Siya din bahala sa company. Ang totoo hiniling ko yun sa kanila para masolo ka. Para mabuntis ko na ikaw. Pero paano nga kung may problema. Ayaw ko na sana ituloy ito pero gusto kong mapasaya ka. Kaya pilit kong kakalimutan muna yun."


"Kahit ilang rounds ang gawin natin o kahit hindi mo ako pagpahingahin hindi ako magrereklamo. Gawin mo
lahat. Gusto ko din mapasaya ka."


Paanong hindi ko siya mamahalin ng sobra sobra? Binigyan niya ako ng gwapong anak. Lagi niya akong iniisip. Kaya sa mga bawat desisyon ko lagi kong pinag iisipang mabuti. Sa bawat salitang binibitawan ko nagiging maingat ako. Ayaw ko na masaktan ko si Monica sa kahit anong paraan. Kaya kung halimbawa man na hindi ko na siya mabibigyan nga ng anak. Ayaw kong maging problema namin yun. Papakasalan ko pa siya. Wala na akong planong pakawalan siya.




_casper_

——————————————————-

Tatapusin ko na siya. nakakahiya na hahaha Pasensya na. Itong story na ito ay ang pinagkuhanan ko ng character ay yung dati kong kawork. Kung gaano ako natigil dati ganoon din katagal bago ako mag move on sa kanya. Nahulog ako sa kanya ng hindi ko nammalayan. Malandi siya pag nakakainom kami. Mas mataas ang position ko sa kanya dati sa company. Pero never na tinawag niya akong "Ma'am". Kung gaano siya kalandi tuwing inuman, sa company binabati pa din niya ako at kinakausap. So sino ako para hindi mahulog? Tao lang ako.. marupok. Pero sa lahat ng paglalandi niya tuwing lasing siya at matino ako hindi ako nag take advantage. Ayaw kong maging tampulan ng tsismis sa company. Siguro isa yun sa nanghihinayang ako. Itlog na ang lumapit. Isusubo ko na lang. hehehe

Sa mga hindi pala nakabili ng self pubs ko, nagbebenta ako ng soft copies ng mga story ko. 200 php per story. Pwede niyo na mabasa ng buo ang POV ni Mark Ethan hehehe

SiLi guys

_casper_

Love Drunk (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon