Chapter 25

7.1K 213 18
                                    



Marco


Naging abala ako sa pamamahala ng kumpanya at ang ibang oras ko ay ginugugol ko pagbisita sa itinayong shelter for kids ng pinsan kong si Michael. Private institution siya na nangangalaga sa mga batang inabandona ng mga magulang nila. Nakacordinate naman sila sa kalakaran ng DSWD patungkol sa ganitong klaseng institution. Noong mamatay ang unang anak nina Michael ay naisipan nilang itayo ito. Suportado naman siya ng pamilya namin kaya napabilis lalo ang pagbuo ng mga plano. Layunin nila na kung walang mag aampon sa mga bata, pag aaralin nila ang mga bata hanggang matapos sa kolehiyo. Malaki laking budget ang kailangan para mapanatili ng matagal talaga. At nangako na din ako kay Michael na handa akong tumulong sa kahit anong paraan mapanatili lang namin ang kasiyahan ng mga  bata.

Nasa palaruan ako ngayon ng mga batang nasa dalawang taon pababa. Dito lagi ako tumutigil. Oo malilikot sila pero nakakagaan lang sa pakiramdam na sila ay pagmasdan. Minsan nakikipaglaro pa ako sa kanila. Nakaagaw pansin sa akin ang batang lalaki. Mukhang may bago na namang iniwan ng kanyang ina. Wala ito noong nakaraan.



"Hello, baby, anong name mo?"


Ang gwapong bata. Bakit nagagawa nilang abandunihan sila? Kung nagkaanak siguro kami ni Monica ganito na din kalaki. At baka ganito din kagwapo.




"Ukas."


Sagot nito sa akin. Ukas? Lucas? Inabot ko yung toy na binigay niya sa akin. Napangiti na lang ako. Mukhang mapapalaban ulit ako ng laro. Hindi masyadong iyakin si Lucas. Sa panahon na kasama  ko siya hindi talaga siya umiyak. Hindi katulad ng ibang mga bata. Nakaupo lang siya habang naglalaro. Kaya ganoon din ako. Hindi mawala ang ngiti ko habang kalaro ko siya. Parang matagal ko na siyang kilala. Sabi ni Mommy dati ok lang naman na mag ampon ako kung gusto ko talaga, siya daw bahalang mag alaga.


"Miss, matagal na ba siya dito?"


Tanong ko sa taga bantay dito. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Lucas.



"Ay Sir hindi po siya kasama sa pinapaampon. Naisip po kasi nila na tumanggap ng mga batang aalagan. Dagdag kita ng foundation din. Since maganda naman po ng facilities natin at kita naman nila na malinis ang mga bata dito madami po ang nag iiwan ng mga anak nila dito."



"Hindi pala siya kasama?"

Medyi nalungkot ako sa narinig ko. Parang kanina lang malayo na ang narating ng isip ko if ampunin ko si Lucas. Kaso wala pa lang pag asa.



"Hindi po Sir, busy kasi ang Mommy niya. Ayaw niya ipagkatiwala sa yaya kasi wala din kasama sa bahay. Maya po siguro susunduin na din siya ng Mommy niya."

"Ahh ok. Ang gwapo pa naman niya. Salamat."


Gusto ko sanang hintayin yung Mommy ni Lucas. Kaso may kailangan akong gawin. Parang may kung anong kakulangan sa akin na lumalayo kay Lucas. Siguro kailangan ko na magtanong ng iba't ibang technology para magkaanak. Pwede naman yung hahanap ng surrogate mother para magkaanak ako. Baka yun lang ang paraan. Anak lang talaga. Kasi kung babaeng mamahalin o makakasama? Mukhang wala akong balak palitan pa din siya. Siya pa din talaga. Siya lang.




_casper_

Love Drunk (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon