casper: Pasensya na kung hindi ko naitawid ng ayos.
-----------------------------------
Hindi naman kami tumagal sa dagat. Kasi medyo gabi na nga din at malamig at hindi ko din matagalan ang madalas na pagkakadikit ng mga katawan namin. At ang paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang ginagawa niyang paghalik. Nakakabaliw.
Saglit lang din ang ginawa naming pag aayos sa sarili namin para hindi naman masyado kaming gabihin sa bar. Kung ako lang sana ang masusunod ayaw ko na sana na ituloy na mag inum kami. Parang delikado. Pero si Ethan Marco yan, hindi yan papayag kaya kahit ayaw ko sumama na lang ako.
"Tamang inum lang ba tayo?"
"Bahala ka"
Sanay naman kasi akong mag inum. Halos linggo linggo may session kami ng mga tropa ko. At sa kanila walang babae o lalaking tagay. Pantay pantay lang. Dun kami nakapwesto sa isang lamesa na pangdalawahan lang. Yung medyo malayo sa karamihan. Yung makakapag usap pa din kami kahit papaano. Saka hindi naman ganung kaingay sa bar na to. O baka mamayang 12 am onwards pa talaga yung totoong kasiyahan. Isang beer tower ang inorder niya. Balak atang magpakalasing ng lalaking to. Pwede naman na bucket lang. Pero sabagay sabi ko bahala siya.
"Bakit isang baso lang?"
Wala namang kaso sa akin na isang baso lang kasi pag kami ng tropa ko isang baso lang talaga ang umiikot. Yun eh pag nasa boarding house o pag swimming. Pag sa bar tig iisa kaming baso.
"Share na lang tayo. Saka baka matagal nating maubos to pag tig isa tayong baso kasi baka mandaya ka."
"At ako pa ang mandadaya?"
Ngumiti lang siya. Wala na. Ngiti pa lang niya lasing na agad ako. Sino pa ang may kailangan ng beer tower na yan? Nilagyan niya ng laman yung baso, mas maganda sana na dalawa para pwedeng bottoms up kaming dalawa pero yan ang trip niya sa buhay.
"Ikaw muna Miss este Engineer pala."
Kinuha ko na lang yung baso. Inisang inum ko lang yun. Sabi ko nga kanina lasing na ako sa ngiti niya kaya balewala na ang epekto ng alak kung sakali.
"Parang lagi kang uhaw sa alak Monica.. dahan dahan lang."
Iiling siya habang inaabot ko yung baso sa kanya. Anong magagawa niya?Lasinggera ang kasama niya.
"Ikaw naman. Kung dalawang baso yan madali tayong matatapos"
"Dito ka uminum di ba? sa part na to?"
Yung ngiti na naman niya. Tama nga naman siya dun ako uminum. At ang adik lang dun niya din tinapat ang bibig niya nung uminum siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak na ininum ko kung bakit parang ang init ng pakiramdam ko o dahil sa ginawa niya.
"Namiss ko agad ang labi mo Misis"
Tapos ang lakas ng tawa niya. Alam mo yun? Yung nang aasar lang talaga siya. Yung todo kilig na yung nararamdaman ko sa kanya biro lang ang lahat. Pagbigay niya ulit ng baso sa akin eh inisang inum ko ulit yun. Hindi na ako umimik pa. Siya medyo tumahimik na din. Pero parang napapataas yung tagay niya sa sarili niya. At ilang ikot pa ng baso medyo namumula na siya. At medyo lasing na.
BINABASA MO ANG
Love Drunk (Completed)
General Fiction"Nakakatawa lang na ikaw ang nalasing pero ako ang may hangover" Cover: officialwhosthatgirl