Paglabas ko ng kwarto namin andun siya sa labas ng pinto. Nakalahad ang kamay niya. Tas yung ngiti na naman na nakakapanghina ng tuhod."Ano yan?"
Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Pag ganito ang kasama mo na masyadong pafall. Ewan ko na lang talaga ang panama ng HULUGAN FALLS sa sitwasyon ko. Yung tipong sobrang hulog na hulog na ako eh pafall pa siya di ba?
"Kamay. Akala ko ba Engineer ka? Bakit simpleng kamay lang itatanong mo pa?"
"Kung batukan kaya kita ng simpleng kamay ko din Ethan Marco?"
"Ok lang. Madali naman makaintindi ang simpleng labi ko para halikan ka agad"
Medyo lumapit siya sa akin kaya napaatras ako ng kaunti. Napasandal tuloy ako sa pinto ng kwarto namin. Ang cliche na kaganapan. Sabagay pag nagmahal naman kasi cliche talaga. Masasaktan ka sa huli.
"Namimiss ko pa man din ang mga labi mo."
Medyo inilapit niya ng kaunti ang mukha niya sa mukha ko. Yung labi niya sa labi ko.
"Hindi porket namimiss mo may karapatan ka na"
Itinulak ko siya ng kaunti para makaalis ako sa harap niya. Ako din naman namimiss ko yun. Kaso wala naman akong karapatan na mamiss yun. Bunga lang yun ng palabas na ginawa niya kahapon. At iba pang namimiss ko na ginawa niya ay bunga naman ng alak na lumasing sa kanya.
"Ang dami dami mo na agad nasabi eh gusto ko lang naman na hawakan ang kamay mo habang palabas ng hotel na to."
"Bakit? Kaya ko naman mag isa"
Hindi na siya umimik. Basta na lang niya ginagap ang kamay ko. Pinaghugpong ang mga daliri namin. Tas seryoso siyang tumingin sa akin.
"Sabihin na natin na kaya mo ngang mag isa. Pero andito ako. Sa tingin mo ba papayag ako?"
Hindi ko na lang siya sinagot. Baka ang tinutukoy niya yung alam ng mga tao dito na mag asawa kami. Na naghohoneymoon. Ang pangit nga namang tingnan na hindi kami sweet. Oo parang naghoneymoon na din kami sa unang gabi namin dito. Pero ako lang ang may alam noon.
"Bakit ka ba naiilang pa sa akin? Eh sa nangyari kagabi dapat hindi ka na mailang"
Napabaling ako ng tingin sa kanya. So gising siya? Tanda niya lahat?
"Anong pangyayari kagabi?"
"Kagabi nung nalasing ako sa harap mo."
Medyo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat ireact ko kung sakaling nasa tamang katinuan nga siya? Pero kung nasa katinuan nga siya? Baka naman init ng katawan yun. Wala ni kagatiting na pagmamahal siyang nararamdaman. At masakit ang isipn na yun. Kaya ok na ako na alam ko na lasing siya.
Nagulat ako nung tumigil siya sa paglalakad. Kaya wala akong choice kundi ang humarap sa kanya.
"Pero masaya ka ba? Na kasama ako Elise Monica? Alam ko na lagi kitang binabara pero gusto ko pa din malaman kung masaya ka ba na kasama ako."
Ayaw ko sanang sagutin yun kaso yung pagkaseryoso ng mukha niya at ng tinig niya ang nagtulak sa akin para lumapit sa kanya at haplusin ang mukha niya.
"Masaya ako Marco. Wala naman akong ineexpect kasi na kahit ano. Kaya yung andito ka. Na may kasama ako ay masaya na ako. Salamat ulit na pinagpilitan mo na sumama sa akin"
"Pinagpilitan talaga yung term? Pero sana huwag ka ng mailang sa akin. Gawin nating masaya ang dalawang araw pa natin dito."
"Susubukan ko"
"Good"
At mabilis niya akong hinalikan sa labi tas nginitian lang ako pagkatapos. Kasama talaga yung halik niya sa dapat kong kasanayan? Yung panggugulat niyang halik.
Naging maayos naman ang araw namin. Lagi siyang nakaalalay. Hindi niya din binibitawan ang kamay ko. At madaming pagkakataon na ninanakawan niya ako ng halik. Hindi na dapat nakaw pala ang tawag dun. Kasi pag nakaw dapat hindi na mauulit. Eh yung kanya parang hobby na niya. Pero hinayaan ko lang kasi. Wala na din naman kasing mawawala na sa akin. Nawala na kagabi. Kaya hahayaan ko muna na maging masaya kahit paano sa ilang araw na magkasama kami. Yung kaming dalawa lang. Yung wala ang mga barkada ko na iniiwasan ni Marco at wala yung girlfriend niya na nagmamay ari sa kanya. Sa ngayon pangatawanan ko muna na mag asawa nga kami.
"Kung wala ba akong girlfriend? May posibilidad kaya na maging tayo?"
Medyo nagulat ako sa tanong niya. Kasalukuyan kaming naghahapunan na. Nagpaset up siya ng romantic dinner para sa aming dalawa.
"Kung wala ka mang girlfriend. Siguro isang araw ka lang mababakante kasi ang daming babaeng nag aabang para maging girlfriend mo."
"Hindi ka ba kasama sa nakapila na nag aabang?"
Iisipin ko sana na nagbibiro lang siya o nagyayabang pero seryoso siya ngayon na nakatitig sa akin.
"Hindi."
Mas sumeryoso ang itsura niya. O parang nasaktan siya sa sinabi ko? Hindi naman kasi ako nag aabang. Kasi alam ko na wala akong chance. Maliit lang yung probability na mapansin niya ako.
"Sayang. Bibigyan sana kita ng express card para ikaw ang mauna sa kanilang lahat"
At nagpatuloy na ito sa pagkain. Hindi pa din nawawala ang pagkaseryoso niya. Adik ba siya? Siya ang nagsabi at nagpamukha sa akin dati na hindi pwedeng maging kami tas nag iinarte siya?
"Marco.."
"Ang hirap kasi nga kasi sayo ang liit liit ng tingin mo sa sarili mo. Na nilimitahan mo sa ganito lang. Na tinago mo ang sarili mo sa mga barkada mo."
"Ano bang pinagsasabi mo Ethan Marco? Hindi ka pa naman lasing di ba? Ano bang problema mo?!"
"Matalino ka. Maganda." Seryoso pa din siya. Yung saya at ngiti maghapon na kasama ko siya ay hindi mababakas ngayon.
"Kahit ano pang gusto mong sabihin. Hindi pa din mababago na may girlfriend ka na. Hayaan na lang natin ng ganun. Kasi hindi mo pa naman kasi alam ang pakiramdam ng umaasa at aasa ulit"
Tumayo na ako at iniwan siya. Akala ko matatapos ang araw na to na magiging maayos ang lahat. Huling araw na namin bukas. Konting oras na lang yung natitira para makasama ko siya pero kung ano ano pang sinasabi niya. Ayaw kong sumugal sa kung ano man ang gusto niyang iparating kanina. Hindi pwedeng sa ikli ng panahon eh mamahalin niya ako. Tama na yung nangyari sa amin. Pero yung masasaktan lang ako dahil sa hindi niya siguradong nararamdaman eh sobra sobra na ata yun. Sabi nga niya matalino ako. Hayaan niya ako na gamitin yun sa kanya.
_casper_
BINABASA MO ANG
Love Drunk (Completed)
General Fiction"Nakakatawa lang na ikaw ang nalasing pero ako ang may hangover" Cover: officialwhosthatgirl