"Pasensya ka na kung medyo napahaba ang tulog ko"Nagisingan ko siya na ang aayos na ng hapunan namin. At oo nakatulog din ako na yakap yakap niya. Dapat magkukunwari lang akong tulog para pag tulog na siya aalis na ako sa tabi niya pero hindi ko din namalayan na nakatulog din ako. Na parang komportableng komportable ako na siya ang katabi. Malala na talaga to. Ako lang ang talo nito pag natapos ang apat na araw na bakasyon namin. Kasi unang araw pa lang wala na.. hulog na hulog na lalo ako sa kanya.
"Ok lang yun Monica, Nagpadeliver na lang ako ng hapunan natin para mukhang naghahoneymoon talaga ang dating natin yung tipong walang labasan ng kwarto.hahaha"
"Adik."
Hindi niyo naman ako masisisi na nahulog ako sa lalaking to. Yang side niya na yan ang cute cute lang tingnan. Yung parang bata lang. Yung parang hindi siya sobrang gwapo,yung hindi sobrang talino ang dating, yung side niya na yan yung parang ang dali daling abutin. Yung pwede akong mangarap anytime na pwede ako sa kanya. Na pantay lang kami. Na pwede niya akong mahalin din.
"Anong gusto mong gawin natin pagkakain? Swimming? o bar? O swimming muna tas mayang hating gabi saka tayo pumunta ng bar?"
"Swimming na lang"
Parang delikado ata yung iniisip niya na mag iinum kami. Ngayon pa nga lang na walang alak na involved pakiramdam ko anytime bibigay ako.
"Ok. Swimming tas bar later"
"Dapat hindi mo na lang ako tinanong if yung gusto mo din pala ang masusunod"
"Dapat hindi ka na kasi sumagot,alam mo naman na ako din ang masusunod"
"Bahala ka nga dyan"
Pumasok na lang ako sa bathroom para asikasuhin ang sarili ko. Nakakainis talaga ang lalaking yun. Nakakainis na sa lahat na lang ng bagay talo ako. Na parang sa lahat ng bagay susuko ako sa kanya. Buti nga hindi kami masyadong nagkakabanggaan sa company kasi pakiramdam ko yung pagtataray ko sa ibang Process Engineer hindi uubra sa kanya. At baka mailampaso lang niya ako sa harap ng mga managers. Bakit nga ba ako pumayag na sumama siya? Kasi Monica 69% ang puso mo ang nagdesisyon kaya siya andito ngayon.
"Misis kain na tayo"
Sinadya ko talaga na tagalan ang paglilinis ng sarili ko para umuna na siyang kumain pero ilang beses na niya akong kinatok kaya no choice kundi ang bilisan ko din ang kilos ko. Saan kaya pinaglihi ang lalaking to? Ang kulit ng lahi. At pinangatawanan niya talaga yung "Misis" na tawag niya sa akin. Nakakainis. Nakakakilig.
"Para sayo"
Sabay abot ng isang pirasong rosas. Tas yung ngiti niya. Ang gwapo lang. Parang kailangan ko atang lagyan ng bakal ang tapat ng puso ko dahil sa kilig na pwede ko pang maramdaman habang magkasama kami.
"Free daw yan eh. Kaya tinanggap ko na. Saka para kunwari sweet ako"
Kung pwede nga lang ihampas aa kanya tong bulaklak na kakakuha ko lang sa kanya ginawa ko na. Yung tipong naguumapaw na kilig kanina biglang sadsad. Paasa. Kinuha ko na lang yung baso ng wine at inisang tungga ko yun para hindi niya mahalata na naiinis ako. Para hindi niya mahalata na malapit ng tumulo ang luha ko. Para hindi niya mahalata na nasasaktan ako ng sobra sobra.
BINABASA MO ANG
Love Drunk (Completed)
General Fiction"Nakakatawa lang na ikaw ang nalasing pero ako ang may hangover" Cover: officialwhosthatgirl