Chapter 35

8.7K 227 9
                                    

MONICA

"Lipat ka na dito."

Mahinang sabi ni Marco nang masigurado niya na tulog na si Lucas. Napagod siguro sa maghapong paglalaro nilang mag ama kaya ang dali lang niyang makatulog. Napapagitnaan namin siyang dalawa ni Marco, andito kami sa silid niya.



"Sinasabi ko sa'yo Marco kung may balak kang ibang activities ngayong gabi hindi pwede."


Posible naman kasi nga na yun ang gusto niya. Kahit ako gusto ko din naman. Hindi sapat yung kagabi para sa ilang taong pananabik namin sa isa't isa.

"Dito ka sa tabi ko. May space pa din naman. Kahit nga mga tatlong anak pa itabi natin dito."

Hinawakan niya yung kamay ko para ibangon ako. Mukhang wala ngang makakapigil dito. Inayos ko ang unan sa tabi ni Lucas. Kasi kahit pa sabihin na malaki ang kama ni Marco gusto ko pa din makasigurado na hindi mahuhulog ang anak ko. Pagkahiga ko sa tabi niya ay hinila niya ako palapit sa kanya. Yumakap ako sa kanya.

"Para katabi ko kayong dalawa. Kahit gusto ko naman na  angkinin ngayon ulit ng paulit ulit hindi pwede kasi may bantay. Ang hirap para sa akin. Humanda ka talaga pag nawala na yung nasa paa ko."


Isang buwan pa bago matanggal yung nasa paa niya. Kaya isang buwan pa yung sinasabi niya na paghahandaan ko. At alam ko na hindi siya nagbibiro. Ramdam na ramdam ko ang kasabikan niya kagabi.


"Ngayon tayo mag usap, Marco."

Siguro sobrang nadala lang siya ng kasiyahan kanina. Pero kailangan pa din naming mag usap talaga.


"Monica, kung ano mang nangyari noon alam ko na may kasalanan din ako. Sabi ni Mommy sa akin dati, huwag hahayaan na makatulugan ang hindi pagkakaintindihan ng magpartner. At ano ba ang ginawa ko noon? Iniwan kita matapos ng ating pag uusap."  Bumangon muna ako para makita siya. Mas gusto ko na nakikita ang mata niya pag nag uusap kami. Siya naman ay nagpaalalay na umupo din. Ngayon magkaharap na kami na nakaupo sa kama. "Inisip ko kasi na baka magkasakitan pa tayo lalo pag pinilit ko na mag usap tayo. Masyado din akong nasaktan na sinauli mo sa akin ang singsing. Sabi ko susunduin na lang kita kinabukasan. Saka tayo mag uusap. Pero hindi ko nagawa. Nagkaproblema sa kumpanya. Inuna ko yun. Binalewala ko ang sitwasyon natin kasi ang nasa isip ko andyan ka lang naman sa company. Pwede kitang puntahan sa bahay mo. Naging kampante ako sa ating dalawa hanggang sa namalayan ko na lang na wala ka na. Oo, nasaktan ako nung umalis ka. Pero kung sasabihin mo na galit ako sa'yo? Hindi kailanman. Yung nakita ko kayo ni Neon, mas lamang na natakot ako. Natakot na mawawala ka na sa akin nang tuluyan."


Nakatingin lang siya sa akin habang nagsasalita siya.

"Hindi ko din kasi alam. Ang gulo lang noong time na yun. Yung muntik na akong marape. Yung sa pagitan niyo ng tropa ko. Masyado akong pinamper ng mga tropa ko na hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon. Nasaktan ako na nagalit ka sa akin. Nasanay ako na sinusuyo mo, na mahinahon ka. Yung gabing yun bago lahat sa akin. Sabi ko sa'yo dati ayaw ko na masaktan. Hindi ko kakayanin na masaktan kaya para maiwasan yun hindi ko nagawang makipagrelasyon bago ikaw. Kaya pasensya na kung sa sa hindi nating pagkakaunawan ang naging solusyon ko ay ang lumayo. Iniisip ko kasi kahit hindi ako maging masaya basta hindi ako masasaktan. Duwag na kung duwag pero hindi ko talaga kaya. O sinubok lang talaga ako ni Lord. Kasi noong pinanganak ko si Lucas bawal akong maging duwag. Gagawin ko lahat para sa anak ko. May pagkakataon na pwede naman akong bumalik sa'yo pero kasi parang noon pa lang ako natututo na maging matapang. Noon pa lang ako tatayo na mag isa. Noon pa lang hindi aasa sa kahit sino. Kaya hindi ako bumalik. Gusto ko sana pag nagkaharap tayo wala na yung takot. Pero iba pa din kasi yung dating mo sa akin. Akala ko sa ilang taon na nagdaan nakaipon na ako ng tapang. Pero sa tuwing naiisip ko na nasaktan kita bumabalik yung takot na baka galit ka."

Hinawakan niya ang kamay ko. Posible pala talaga yun. Na kung sino ang lakas mo, siya din ang kahinaan mo. Akala ko kaya ko na lahat. Pero sa presensya pa lang niya talo na agad ako sa una naming paghaharap.



"Noong nakaraang buwan na magkasama tayo. Hindi ko alam kung saan ba mas masakit? Yung injury ko o ang pakikitungo mo sa akin. Andito ka pero ang layo layo mo. Yung pakiramdam ko napipilitan ka lang sa sitwasyon. Na kung magiging ok na ako iiwan mo ulit ako. Kaya kagabi sinugarado na magbubunga yung ginawa natin. Bago mo ako iwan malalaman mo na buntis ka. At iniisip ko kung hindi mo na ako mahal gagamitin ko ang baby para hindi ka makalayo sa akin. Ang desperado man ng dating pero ayun talaga ang plano ko. Hindi ko na hahayaan na umalis ka Monica." Tiningnan nito si Lucas tapos hinaplos ang mukha nito. "Kaya paano ako magagalit sa'yo na tinago mo ang anak ko? Eh binalak ko naman talagang mabuntis ka kagabi. Ang advance lang talaga kasi kanina may anak ka ng pinakilala sa akin. Kaya wala ka na talagang kawala."


Lumapit ako sa kanya para mayakap siya. Kaya pala ganoon siya kagigil kagabi. May balak pala talaga na magbunga kung ano man ang pinagsaluhan namin.


"Mahal kita Marco. Hindi naman nabago yun. Lalo kitang minahal kasi binigyan mo ako ng Lucas."

"Ilan pa ba ang gusto mong ibigay ko? Para sobrang mahal na mahal mo na talaga ako?"

Kinurot ko siya sa may bandang tiyan niya. Pero ano naman kasi makukurot ko doon? Eh ang tigas lang noon.

"Nagresign na pala ako sa Green Chemicals. Alam ko kasi na matagal akong mawawala dahil sa pag aalaga sa'yo. Kaya maniningil ako ng sustento sa ilang taon na malayo sa'yo si Lucas. Ikaw na bahala sa kanya muna."


Meron naman akong ipon. Way ko lang yun para ibigay kay Marco ang kalayaan na magdesisyin para kay Lucas. Alam ko naman na babawi siya sa anak ko. Ayaw ko lang na mangapa siya sa akin kung ano ang ayaw o gusto ko pagdating kay Lucas.


"Kahit hindi sa kanya. Hindi ka talaga babalik sa trabaho kasi mabubuntis ka na. Kaya ako ang bahala sa inyo ni Lucas. Pag ayos na ako. Hahanap tayo ng bahay na magiging komportable ang anak ko. Gusto ko yung pwede ko lagyan ng half court para maturuan ko siyang magbasketball."


"At sigurado ka talaga na mabubuntis ako?"

Ngumisi lang ito. Mabilis niya akong hinalikan sa labi.


"Sayang nga lang dahil mabubuntis ka na. Hindi na kita mahihila sa inuman. Ipagmamalaki ko sana na hindi mo na ako mapapatumba pagdating sa alak."



Alam ko naman yun. Minsan nagkwenkwento si Neon. Na laging naglalasing si Marco. Hindi naman niya alam na may nakaraan kaming dalawa. Kung ano ano lang talaga yung napapag usapan namin.


"Saka matagal na din yung huling inom ko ng alak. Pero malay mo naman hindi mo ako kayang patumbahin pa din."


Hindi naman kasi mawawala yung taas ng alcohol tolerance. Mabibigla ka lang sa una. Maninibago. Pero hindi yun maiaalis sa'yo na malakas ka pa ding mag inom. Parang pagmamahal lang. Kahit hindi kayo magkasama. Hindi basta basta mawawala yung nararamdaman mo sa taong yun.



"So kama na lang pala talaga kita kayang patumbahin?"


Pinaglandas nito ang kanyang kamay sa may dibdib ko. Pababa sa laylayan ng damit ko. Unti unti nitong itinaas ang blouse ko hanggang sa tuluyan na niya itong mahubad.


"Hindi ka sure dyan."

Nakakalokong ngiti ko sa kanya. At tinawid na niya ang pagitan ng aming mga labi. Kung paano namin gagawin ngayong gabi ang pagpaparamdam ng pagmamahal at pananabik sa isa't isa. Bahala na si Marco. Strong siya eh.


_casper_

Love Drunk (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon