Chapter 28

6.9K 173 17
                                    




Monica

Akala ko simpleng dinner lang pupuntahan namin ni Neon. Buti naayos ko agad na hindi ako maagang uuwi kaya ok lang na magtagal kasama si Neon. Akala ko sa isa na namang mamahaling restaurant niya ako dadalhin katulad ng lagi niyang ginagawa. Mahilig kasi sa pagkain si Neon. Mahilig siyang magluto. Itatry niya yung mga pagkain ng mga mamahaling restaurant tapos pag aaralan na niya yun kung paano gagawin. Kaya lagi niya akong sinasama. Saka sabi niya kahit daw binasted ko siya pwede pa naman daw na sumama ako sa kanya. Bayad ko daw yun sa pambabasted  ko. Kakaiba din talaga siyang mag isip. Kaya every week lalabas kami para sa kabayaran ko daw. Pero hindi ko inaasahan na dito niya ako dadalhin.






"Mom, Dad, Si Monica po."


Pakilala sa akin ni Neon sa magulang niya. Kilala ko si Miss Nyah sa mukha kasi may picture na pinakita sa akin si Marco. Kapatid ni Sir Mark Ethan si Miss Nyah. At hindi ko akalain na makakaharap ko siya ngayon.





"Good Evening Sir, Ma'am. Pasenya na po, hindi ko alam na dito ako dadalhin ni Neon. Meron po ata kayong Family event."




Gusto niyang batukan si Neon. Kaso nasa harap ako ng magulang nito. Kung alam ko lang na sa bahay nila ako dadalhin hindi ako sasama.




"Wala yun Monica. Mukhang seryoso ang binata ko. Ngayon lang siya nagdala ng babae dito. Mas mahalaga ka na ba kesa sa mga pagkaing niluluto niya?"

"Magkaibigan lang po kami ni Neon Sir."


Pilit lang akong ngumiti. Hindi pwede. Ayaw kong isipin nila na ganoon. Hindi pwede. Kung iba lang ang sitwasyon baka pwede. Pero hindi. Hindi kailanman magiging kami ni Neon.



"Magkaibigan din lang kami ni Nyah dati. Ngayon nga ay Anniversary namin. Tatlong dekada na kaming kasal. Kaya huwag mong maliitin yang pagkakaibigan na yan."



Napailing na lang ako. Gusto ko nang umalis kaya hinila ko si Neon.



"Kailangan ko nang umalis Neon."

"Pero hindi pa nagsisimula. Ni hindi mo pa natitikman ang aking mga niluto. Bakit ka ba nagmamadali? Ayos lang naman na gabihin ka di ba?"




"Hindi ayos."


"Bakit hindi?"

Pero hindi ko pa man naaayos sa utak ko ang isasagot nahagip na ng mata ko ang isang tao na matagal kong iniwasan. At yung galit na nagbabadya sa mata niya ay hindi ko matagalan. Pakiramdam ko tumigil ang pagtibok ng puso ko. Hindi sa ganitong paraan ko pinangarap na magkita kami.

Umalis ako sa pagkakahawak ni Neon at mabilis siyang tinalikuran. Hindi pa ako handa sa lahat nang may kinalaman kay Marco. Buti na lang maayos ang sapatos kong suot kaya pwede akong tumakbo ng medyo mabilis. Tumakbo sa lahat ng pwede kong takbuhan.
Pero halos kakalabas ko lang sa bakuran nina Neon ay may humawak na sa kamay ko.




"Bitawan mo ako Neon!"


"Bakit kay Neon pa?"


Natigilan ako sa boses sa narinig ko. Mahigit tatlong taon nung huling narinig ko yung boses niya.


"Marco.."

Iniharap niya ako sa kanya. Yung galit sa mata niya hindi ko matagalang tingnan. Yung pangungulila ko sa kanya natabunan ng takot.

"Bakit si Neon pa Monica?!" Halos dumiin mga kamay niya sa braso ko sa higpit ng pagkakahawak niya. "Sa daming pwede mong ipalit sa akin?! Bakit pinsan ko pa?!"


Ganoon naman talaga iisipin niya. Pero hindi ko magawang magsalita. Yung takot lumukob na sa aking pagkatao. Tanging mga luha na nag uunahang lumabas sa mata ko ang tanging naging pagsagot ko. Binatawan niya ako. Buti kahit papaano may sapat pa ng lakas aking mga paa para tumayo pa.



"Sabagay mas mayaman siya." Umupo na ito sa gilid. Umiiyak na din ito. "Sino ba ako kung ikukumpara sa kanya? Halos apat na taon kitang hinanap. Umaasa sa kung anong meron tayo. Pero sa nakikita ko tama nga ata yung lagi kong naririning. Walang tayo."


Tumayo na ito at tinalikuran ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko bibigay na din katawan ko. Hindi aki makahinga. Yung sakit hindi ko kaya. Akala ko magiging ok na pag nagkita kami. Hindi ko naisip na sobrang nasaktan ko siya. Lalo na ngayon.



"Ihahatid na kita."



Malungkot ang boses niya. Siguro narinig din niya ang mga sinabi ni Marco.


"Neon.."


Hindi ko na nagawang maituloy pa lahat ng sasabihin ko. Bigla kong naramdaman ang pagdidilim ng paligid ko.





_casper_

Love Drunk (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon