Chapter 11

13.6K 333 10
                                    









"Ayaw mo talagang magpakasal?"








Akala ko nakalimutan na niya. Kasi dahil sa pagod na ginawa namin maaalis na yun sa isip niya. Pero yun pa din ang tanong niya.







Hinaplos ko ang mukha niya. Wala ng hiya hiya. Sa pinagawa niya sa akin kagabi may hiya pa ba akong nararamdaman?






"Marco ang kulit mo"







Niyakap lang niya ako. Hindi ko alam kung tama ba tong desisyon ko. Kasi hindi na ako makakaalis sa sitwasyon na pinasok ko. Nakakatakot lang talagang sumugal. Baka kasi ngayon lang ako magiging masaya. Hindi ako bagay sa kanya. Walang wala ako sa mga naging girlfriend niya.






"Mag iinum nga pala kami mamaya, hindi ko lang alam kung sa bar o sa isang private resort na lang."







Hindi ko alam kung bakit kailangang sabihin ko yun sa kanya. Hindi pa naman kami talaga. Hindi kami kasi ayaw ko.







"Sama ako"








"Bakit?"








"Magpapakilala ako sa mga tropa mo. Na girlfriend na kita. Yung hindi nila kailangang bakuran ka sa akin kasi akin ka na"







Grabe sigurado talaga siya? Naaksidente ba siya nung nasa Palawan kami? Bakit ganito siya sa akin?






"Paano pag ayaw nila?"







"Ayun lang. Mapipilitan akong gumamit ng kagwapuhan"







"Adik"





Akala ko aalis siya kinaumagahan pero hanggang hapon lang din siyang nag stay sa bahay. Meron din siyang baon na damit kaya nung umalis kami nung hapon ay may nagamit siya. Sabi niya meron daw talaga siya sa sasakyan niya halimbawa na kailangan niyang mag extend sa company.









"O halimbawa may babaeng biglang hihila sayo.. ganun ba Marco?"










"Hahaha hindi naman ako kaladkaring lalaki. Sayo lang naman ako magpapakaladkad eh."









"Hindi ko mapapangako kung anong magagawa ng mga tropa ko ahh. Pero sigurado malalasing ka"









"Marunong ka naman sigurong magdrive? iuwi mo na lang ako pag nalasing. Tapos kahit anong gusto mong gawin sa akin ok lang"







Nahampas ko nga. Grabe ano akala niya nanghahalay ako ng lasing? Ang baliw lang ng lalaking to. Pero nakakatuwa lang na wala na kahit papaano yung pagkailang ko sa kanya. Yung puso ko na nga lang talaga yung takot sumugal. Kasi parang hindi ko kakayanin na masaktan.. parang naibigay ko na lahat sa kanya kaya kahit yung pag amin sa nararamdaman ko kahit yun man lang gusto ko ipagdamot yun.








Sa isang private resort kami dumiretso. Every month naman namin itong ginagawa. Yung tamang inuman lang, kantahan at kwentuhan, yung walang pag uusapan na tungkol sa trabaho. Saka sa ilang beses kong nakasama ang mga to kahit nga malasing ako ng bongga hindi naman kasi sila tipong nagsasamantala ng lasing. Kaya nga mas napalapit ako sa mga tropa ko na lalaki.







"Monica bakit kasama mo yan?"







Tanong sa akin ni russel nung makababa ako ng sasakyan ni Marco. Agad siyang sumalubong at buti hindi pa nakakalabas si Marco ng sasakyan.








"Sasama daw siya eh"







Bahala na mamaya kong masasabi ko na meron ng something sa amin ni Marco. Baka kasi hindi sila maniwala pag sa akin galing.








"Ilang araw siyang leave tas present sa inuman?"








Hindi na ako nakapagsalita kasi naramdaman ko ang paglapit ni Marco kasi yung kamay niya automatic na nakahawak sa bewang ko. At automatic din yung mata ni Russel na napatingin dun. At automatic din na namula ang mukha ko.








"Pare pasensya na kung sumama ako. Pinilit ko lang talaga si Monica na isama niya ako."









"Ok lang pare."









Hinila ako ni Russel palayo kay Marco. Sinenyasan ko lang si Marco na saglit lang. Bukod kasi sa mag iinum mga tropa ko kakaiba din topak ng mga to.








"Pati paghawak sa bewang mo pinilit ka din? Kayo na ba?"








"Hindi pre"








Hindi naman talaga kasi hindi pa ako pumapayag.








"Nanliligaw?"







"Bakit ba hindi siya ang tanungin mo? Saka bakit ganyan ka magtanong? Bawal ba?"









"Bawal kasi masasaktan ka lang"






Ganun naman talaga nila ako protektahan. Hindi naman ako naiinis na ganun sila. Alam ko naman na binabawalan nila ako para sa kapakanan ko hindi dahil bantay salakay sila.







"Hindi yan pre. Ayaw ko din naman na masaktan kaya nagiging maingat ako sa desisyon ko."









Bumalik na ako kay Marco kausap niya yung iba kong tropa. Paglapit ko automatic na naman yung kamay niya na umakbay sa akin. Parang gusto niya ipakita sa mga kasama namin na pagmamay ari niya ako. Alam ko na mahaba habang paliwanag sa mga tropa ko. Kahit ako hindi ko naman kayang ipaliwanag ang sa amin ni Marco. Pangarap ko lang to dati. Na mapansin niya. Ngayon gusto niya akong pakasalan so paano ko sila makukumbinsi? Bahala na mamaya sa harap ng bote.







_casper_

j

Love Drunk (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon