Chapter 22

9.9K 268 42
                                    


Monica

Nagising ako sa pamilyar na silid at sa pamilyar na sakit sa sikmura dahil sa pagsuntok ni Joseph kanina. Bigla akong napabangon dahil sa pagbabalik sa aking isipan ng  nangyari. Maayos naman ang aking suot, bukod sa sikmura na masakit wala na naman na masakit sa akin. Pinakiramdaman ko ang pagkababae ko kung may penetration ba na nangyari. Parang wala naman kasi sa ilang beses na ginagawa namin yun ni Marco, pagkakatapos namin para lagi akong hindi makalakad. Ayaw kong isipin na maliit yung kay Joseph kaya hindi ko yun ramdam kasi parang hindi ko matatangap na may ibang gumalaw sa akin bukod kay Marco. Hindi ko din alam kung paano ko haharapin si Marco. Kasi natuloy man o hindi yung kanina yung muntik pa din akong mapahamak o yung idea na may ibang nakakita ng katawan ko  ay nakakahiya dahil nangyari yun dahil sa pag iinom ko.





"Gising ka na pala"




Nagulat ako sa pagpasok ni Marco. Kahit alam ko na andito siya kasi kwarto niya ito nakakagulat pa din na andito siya. Nakakagulat pa din yung napakaseryosong boses niya. Yung pag iyak na hindi ko maramdaman kanina parang ngayon gusto lumabas. Yung seryosong boses niya parang may kung anong kinurot sa aking puso na hindi ko mapigilan ang pamumuo ng aking luha. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung natatakot ba ako o nasasaktan ako. Yung boses at presensya niya ang daming binuhay na pakiramdam sa akin. Kanina parang kakayanin ko naman kung anong naranasan ko kay Joseph pero ngayon na kaharap ko si Marco parang bigla akong nanghina. Parang ang kailangan ko lang sa oras na ito ay ang yakap niya. Ang pagmamahal niya.






"Sorry"






Hindi ko maapuhap ang salitang gusto kong sabihin sa kanya. Yung pamumuo ng kung anong emosyon sa aking lalamunan ay lalong nakaragdag sa hindi ko pag iisip ng tama. Idagdag pa ang nag uunahang pagpatak ng aking mga luha. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Nakaupo na ako at tumabi lang siya sa akin. Yung kamao niya nakabenda parehas. Hindi ko alam kung bakit siya may sugat doon. Binugbog ba niya si Joseph? Sana nga.





"Iniisip ko kanina paano kung nahuli ako ng dating. Mukhang makakapatay ako ng wala sa oras. Nakakagalit din yang mga tropa mo. Magalit ka na sa akin pero huwag ka munang sasama sa kanila. Bakit sila nagsama ng ibang tao na para lang sa lakad niyong magkakaibigan? Tapos nadatnan ko sila puro tulog sa kalasingan? Anong klase yun? Noong ako ang unang beses sumama sa inyo halos hindi sila tumigil para lasingin ako tapos  ngayon hahayaan ka nila na mapahamak dahil masyado silang nagtiwala sa lalaking yun?!"




"Si Jo.."





"Huwag na huwag mong mababanggit ang pangalan niya. Hindi pa ako tapos sa lalaking yun. Sisiguraduhin ko na mabubulok siya sa kulungan. Anong karapatan niyang hawakan ka? Anong karapatan niyang pakialaman ka?!"





Lalo akong naiyak dahil sa pinapakita niyang galit. Pero ano ba ang aasahan ko? Ang matuwa siya? Malamang magagalit talaga siya sa nangyari. Damay na din ang mga kaibigan niya na tama din naman siya na nagkulang ngayon sa pagprotekta sa akin.




"Sinadya niya talagang lasingin sina Russel. Huwag mo ng idamay sila s galit mo. Uuwi na dapat ako kanina ng halos nga lasing na lahat kaso sinuntok niya ako sa sikmura kaya hindi ko nagawang manlaban. Sorry Marco. Naiintindihan ko kung tatapusin mo na kung anong merong tayo. Hindi ako nararapat sa'yo. Pasensya na."






"Bakit?"




Medyo huminahon na ang boses niya ngayon. Hindi katulad kanina na ramdam na ramdam ko ang galit niya.




"Sabi mo nga di ba? Nahawakan na niya ako. Muntik ng pakialaman. Hindi na ako  nababagay sa'yo"





Hindi ko alam kung saan ko ba nakukuha ang mga sinasabi ko. Pero ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Yung galit siya.







"Bakit ko tatapusin kung anong meron tayo? Hindi ako nasisiraan ng ulo para gawin yun. Oo galit ako. Galit ako sa nangyari. Galit ako sa lalaking yun. Galit ako sa tropa mo. Pero hindi ako galit sa'yo Monica. Kahit kailan hindi ko magagawang magalit sa'yo. Nakaprogram lang ang puso ko para sa isang pakiramdam para sa'yo. Ayun ay ang mahalin ka ng sobra sobra"





"Marco.."





Hindi ko alam ang sasabihin ko. Tuluyan naging blanko ang utak ko. Ang tanging malinaw lang sa akin ngayon ay ang mabilis  na tibok ng puso ko para sa lalaking kaharap ko.






"Kaya pwede bang makiusap? Pwede bang huwag ka munang mag inom kasama  ng tropa mo? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko para malasing ka?"





Tuluyan na akong yumakap sa kanya. Bakit ba ang swerte ko sa lalaking ito? Akala ko sa wattpad lang ako makakahanap ng ganitong lalaki. Pero ito siya yakap yakap ko at mahal na mahal ako. Saka ko na lang siya kukumbinsihin tungkol sa mga tropa ko. Pag medyo hupa na yung galit niya. Kasi ayaw ko naman na darating ako sa punto na mamimili ako sa mahahalagang lalaki sa buhay ko.









_casper_



Baka po may gustong magpareserve sa inyo ng bundle ng Board Exam Deal at All Rights Reserved .Till July 31,2017 po ang payment. PM lang kayo dito o sa facebook (Casper Villaluz).

Love Drunk (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon