Chapter 15

9.6K 256 20
                                    


Sabi ni Marco may pupuntahan daw kami. Since restday naman namin ng dalawang araw pumayag na din ako. Overnight daw kami. Kaya naman kanina ay tinulungan pa niya akong mag impake.





"Huwag ka na kayang magdala nito" Abala ako sa pagtitiklop ng ilang blouse ko. Tas pag angat ko ng tingin sa kanya yung bra at panty ko hawak hawak nito. "Hindi naman kailangan. Tapos napupunit ko pa ang iba minsan"







Kahit ilang beses na nga na may nangyari sa amin. Na minsan gabi gabi din siyang andito tas aalis ng sobrang aga para umuwi sa kanila para magbihis pangtrabaho. Hindi ko pa din makakasanayan ang usapan tungkol sa sex. Kahit siguro ilang position pa ang nagawa namin ni Marco mahihiya at mahihiya pa din ako pag tungkol dun ang pinag uusapan.






"Ang totoo Ethan Marco? Sex lang ba dadayuhin natin doon? Huwag na tayong umalis!"





"Binibiro lang kita mahal" Tas yung ngiti niya nakakaloko. Nakakaloko pero nakakapanghina ng tuhod at the same time. Si Marco lang may kakayahang gawin yun. "Saka malamang hindi naman tayo magkasamang matulog doon"





"Bakit naman?"




"Gusto din"




"Adik." Baliw lang talaga. At gusto ko daw na makasama siyang matulog. Tutulog lang naman di ba? Matutulog nga lang ba? "Bakit nga?"






"Malalaman mo mamaya"




Tapos binuhat na nito ang bag ko. Matapos masiguro na ayos ang pagkakasara ko ng bahay at walang naiwang nakasakasak na gamit maliban sa ref ay umalis na din kami ni Marco.






Pumasok kami sa isang farm. Malawak  yun. Madami ding magsasaka na abala sa kanilang ginagawa. Maganda ang kabuuan nito. Sa sobrang na enjoy ko hindi ko na namalayan na naitigil na ni Marco ang sasakyan sa tapat ng isang mansion. Parang hindi bagay yun sa gitna ng palayan. Pero siguro bahay ito ng pinaka may ari.






"Marco Anak!"





Nagulat ako ng may yumakap kay Marco. Anak? Shet. Makakaharap ko ang pamilya niya? Bakit hindi man lang ito nagsabi?








"Mom! I Miss you. Kamusta ang pagbabakasyon mo dito?" Yumakap na din ito dito. Close siguro ito sa Mommy niya. Yung saya sa mukha niya ngayon ay hindi mababayaran ng kahit ano. "Pasensya at hindi nakakadalaw sa inyo ni Dad sa bahay sa Manila"






"Meron ka kasing pinagkakaabalahan" Tiningnan niya ako. At medyo nakakakaba. Hindi yung paraan ng pagtingin niya sa akin kundi nakakakaba lang talaga na makaharap ang ina ng lalaking mahal mo sa unang pagkakataon. "Kamusta ka Ineng? Matagal na ba kayo ng anak ko?" Nagulat ako kasi niyakap din siya nito. Yung hindi ko pa alam kung ano ang isasagot dito ayun at nakalapit na ito sa kanya.






"Mabuti naman po ako .." So anong itatawag ko? Ngayon lang ako nakaharap sa ina ng boyfriend ko. Mamaya talaga babatukan ko si Marco. Sana kung sinabi niya sa akin kahit papaano mapaghahandaan ko.







"Mommy na lang. Kasi maiilang ka ngayon sa pagtawag ng Tita. Tas pag kinasal kayo  ng anak ko panibago na namang adjustment para sa pagtawag mo sa akin ng Mommy. Kaya idiretso na natin sa Mommy"





Alam ko na namumula ako ngayon. At hindi nakatulong na nakangisi lang si Marco sa amin. Mamaya ka talagang lalaki ka.






"Malabo pa naman po yung kasal Maam"





Gusto kong ngumiti sa biglang pagseryoso ni Marco. Kahit papaano makaganti man lang sa kanya dahil sa sitwasyon na pinaglagyan niya sa akin.






"Anong malabo? Ayaw mo ba sa anak ko?" Medyo nakakapagtaka lang na parang sigurado siya na sigurado si Marco na papakasalan niya ako? "Kasi hindi naman ibibigay yan ni Marco sayo kung hindi ka niya papakasalan. Sa Lola Janine pa niya yang singsing na yan"







At hinawakan nito ang kamay niya. Kung nasaan yung singsing na sinuot ni Marco sa kanya kagabi. Kaya ba niya ipinilit na isuot sa akin para ngayon?









"Wala naman po akong dahilan para ayawan ang anak niyo" Hinawakan ni Marco ang kamay ko. Sapat na yun para mabigyan ako ng lakas ng loob. "Ilang beses ko pong tinanong si Marco kung bakit niya ako mahal. Kasi sa gwapo ng anak niyo bakit ako? Ang totoo po maswerte po ako sa anak niyo. Hinihintay niya ako na tanggapin ang lahat ng kung anong meron sa amin. Sabi niya kagabi itong singsing na ito ay paalala lang sa akin na handa siyang magpakasal sa akin. Hindi ko po alam na Lola pa niya ang maya ari nito.  At mas lalo pa niyang pinatunayan na mahal na mahal niya ako."







"Magkasama kayo kagabi? Magkaka apo na ba ako?"







"Hahaha Mommy!"





At sa dami kong sinabi yung magkasama kagabi lang ang narinig niya? Ang kulit.






"Sabi ko pa naman dati bawal ang babae sa kwarto mo dito." Nakangiting sabi ng Mommy niya. "Baka magdala din si Love Scarlet mamaya ng lalaki sa kwarto niya at mainggit sa kuya niya"







"Mommy Baby pa si Love!"





"Ayan napakadami mong babae
mong pinaiyak hindi mo naisip na babae din kapatid mo. Tapos ngayon kung mapagbawalan mo siya."






Nakakatakot na biglang seryoso ni Marco. Siguro nga sobrang mahal nito ang kapatid niya.






"Mommy magiging abogado pa ang kapatid ko" At hindi pa din talaga natinag ang pagkaseryoso nito. "At wala po akong pinaiyak na babae. Sila ang may gusto na ganun ang set up. Ngayon lang ako nagka girlfriend talaga."







"Payagan mo ng magboyfriend kapatid mo. 21 years old na siya. Kumukuha n nga siya ng Law. Ay yung batas na ginawa mo naman na bawal siyang magboyfriend doon ata siya mahihirapan"







"Hindi pwede Mommy!"





"Marco.." Tawag ko sa kanya. Medyo lumalakas na kasi ang boses nito.







"Sige na. Dalhin niyo na yung gamit niyo sa kwarto mo anak."







"Pumapayag ka na kasama ko siya?"





"Magiging ina siya ng apo ko. May karapatan siya dun"





Saka pa lang ngumiti si Marco. Yumakap muna ito sa Mommy niya. May binulong pa ito. Baka nag sorry sa inasal niya. Tapos hinila na siya nito sa kwarto niya. Parang mas nakakakaba lalo siguro kung pati Daddy nito ang makakaharap niya.  Ang may ari ng company kung saan siya nagtatrabaho. Kung makakatakas lang sana. Kaso malabo.



_casper_

Love Drunk (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon