Chapter 34

8.2K 216 12
                                    

MONICA

Hindi ko alam kung anong iniisip ni Marco. Nakatitig lang siya kay Lucas. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin na tinago ko ang anak  niya.

"Dada!"

Patakbong lapit  ni Lucas sa kanyang ama. Noon lang parang natauhan si Marco. Agad niyang binuhat si Lucas at niyakap ng mahigpit. Bakas din sa mata  nito ang namumuong luha sa kanyang nga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Masaya ako na magkasama silang mag ama. Pero alam ko na nasaktan ko si Marco. Ipinagkait ko ang ilang taong buhay ng anak ko sa kanya. Yung unang hakbang, unang pagkain, unang pagsasalita. Lahat yun hindi niya nasaksihan. At dahil yun sa takot akong sumugal sa anong meron kami. Kagabi naging marupok ako. Yung isang buwan kong pagpipigil na hindi kami magkaroon ng intimate moments nabalewala lahat. Hindi lang intimate momments yung nangyari. Ilang beses nga ba niya akong nagawang angkinin? At partida pa, nakacast pa ang binti niya.

"Hello Lucas. Nagkita tayo ulit."

Hinalikan ni Marco ng ilang beses si Lucas. At tawa lang nang tawa ang aking anak. Parang close nga sila. Saan sila nagkita?


"Marco.."


Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko siya tatanungin. Parang sa ngayon kasi wala akong karapatan.


"Nakita ko siya sa foundation nina Michael. Ilang beses na kaming nakapaglaro. Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Isang beses nagtanong ako kung pwede ko siyang ampunin. Kasi mukhang ayun na lang paraan ko para mabigyan ng apo si Mommy. Wala naman kasi akong balak palitan ang plano ko na ikaw ang gusto kong mapangasawa. Kaso sabi hindi daw kasali si Lucas para sa adoptation. Pinaalagaan lang daw siya doon. Since alam ko nga na may ganung program ang Foundation para dagdag income na din. Sobrang nalungkot ako noon. Gusto ko talaga siya. Kaya sobrang saya ko lang na malaman na anak ko nga talaga siya. Totoo pala yung lukso ng dugo. At ngayon hindi na ako nagtataka kung bakit gwapo siya. Valero naman pala talaga."


Niyakap pa nito si Lucas ulit. Hindi ko mapigilan na hindi mapaiyak habang pinapakinggan ko siya. Hindi ko kasi kakabakasan yun nang galit o tampo. Yung boses niya puro kasiyahan  lang ang nararamdaman ko.


"Dapat gumaling na agad si Dada. Tapos maglalaro tayo. Tuturuan kitang magbike. Maglalaro tayo ng basketball." Ang lawak lang ng ngiti nito habang nakatingin kay Lucas. Si Lucas naman ay inaabot ang buhok niya. Pinaglalaruan yun. "Ibibili kita ng madaming toys."



"Toys!"

Pumalakpak si Lucas. Sobrang saya din nito.

"Marco, puno na ng toys ang room niya. Yung isang room dito pinuno ni Sir Mark Ethan ng laruan."

Bigla akong kinabahan na seryoso siyang tumingin sa akin. Mukhang delayed ata ang galit niya.


"Nakilala na pala siya nina Mommy?"

Ibinaba nito si Lucas. Nagpumilit itong tumayo. Katabi lang naman kasi nito ang saklay niya.

"Sorry."

Napatungo ako. Kinakabahan ako. Ito na yung galit niya. Natigilan ako ng maramdaman ko ang palad niya sa mukha ko. Hindi ko siya magawang tingnan. Pero yung paraan ng paghaplos niya ay sapat na para imulat ko ang mga mata ko.



"Salamat. Alam ko na sobrang nag aalala sila sa akin. Pero dahil andyan si Lucas alam ko na kahit papaano masaya sila. Lalo na si Mommy." Lumapit lalo siya sa akin. "Alisin mo ang takot mo Monica. Mahal kita. Lalo na ngayon na andyan si Lucas. Alam ko na sobrang hirap sa'yo na palakihin siya na mag isa. Nagtataka din ako kung bakit hindi ko magawang magalit sa'yo dahil sa pagtatago mo sa anak natin. Pero hindi ko talaga makapa yung galit. Mas mahalaga sa akin na andito ka. Na andito kayo. Anong dapat kong ikagalit sa kumpletong pamilya na binigay mo sa akin? Mahal na mahal kita. Panghawakan mo yun. Alisin mo lahat ng pag aalinlangan mo para sa ating dalawa. Kasi kahit hindi ako makalakad ng ayos ngayon, hindi ako papayag na lumayo ka ulit."


Napayakap na lang ako sa kanya.  Sabi niya alisin ko ang takot. Ang tagal ko din naman tinikis ang sarili ko na bumalik sa kanya.

"Dada! Mama!"

Naiiyak akong binuhat si Lucas. Tapos niyakap ulit kami ni Marco. Ang daming nasayang na panahon dahil lang sa takot ako. Pati ang anak ko nadamay. Pati ang lalaking pinakamamahal ko nagsuffer dahil sa takot na yun.

Halos hindi mapaghiwalay silang mag ama maghapon. Nagpaalalay pa si Marco na doon sila tatambay sa play room ni Lucas. Nagdala na lang ako ng upuan para hindi siya mahirapan na tumambay doon.


"Mukhang wala na akong mabibiling laruan para kay Lucas. Mukhang excited si Daddy sa kanyang unang apo. Binili na ata lahat ng laruan." Pinapakain ko si Lucas habang naglalaro ito. "Mukhang kalaro na lang ata ang pwede kong ibigay."

Pakiramdam ko namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Sa nangyari kagabi at kaninang umaga posibleng magbunga nga ng kalaro ang ginawa namin. Halos sa loob lahat pinutok ni Marco. At wala din naman ako sa sarili sa mga naganap kagabi. Ilang taon kong hindi naranasan yun. At tanging si Marco lang naman ang gusto ko na gumawa noon sa akin. Kaya hindi ako nagpipills. Wala naman akong sex life kasi nga aanhin ko naman yun. Saka kahit naman noong dati na kami pa hindi din naman ako umiinom. Kaya nga may Lucas kami ngayon.

"Gusto mong baby sister Lucas? O baby brother?" Kinarga nito si Lucas para nakaupo ito sa kanya habang sinusubuan ko ng pagkain. "Ikaw Ma? Anong gusto mo?"

"Grabe Marco. Kanina pa ako kinikilig. Tama na." Iba lang kasi talaga yung dating ng Ma na galing mismo sa kanya. Parang pakiramdam ko na sunod na level na ang aming relasyon. Hindi na lang tungkol ka Marco o kay Monica. Magulang na kami. Isang pamilya.

"Dada ang itawag mo sa akin. Mamaya gayahin ka ni Lucas at bigla akong tawaging Marco. Baka akalain niya na magkabarkada lang kami. Baka mabigla ako hindi ko siya bigyan nga kalaro."


Nakangiting sabi nito. Ang kulit lang talaga niya. Yung inaasahan ko na pagpapaalis sa akin hindi nangyari. Inisip ko na baka ilayo niya ang anak ko sa akin pero hindi din yun nangyari. Tama nga siguro sila. Nakakaangat lagi ang pagmamahal.




_casper_

Love Drunk (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon