Chapter 30
Monica
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nagising ako o mananatili na lang na walang malay. Walang sakit na nararamdaman. Hindi yung ganito na bubungaran ako ni Neon na kailangan na niyang umalis kasi nasa hospital daw si Marco. Naaksidente daw kanina.
"Sasama ako."
Hindi ko nabakasan ang pagkagulat yung mukha niya. Siguro nga nakita niya kanina yung paghaharap namin ni Marco.
"Pero Monica.."
"Sasama ako Neon! Kasalanan ko ito." Napaiyak na lang ulit ako. "Iniwan ko siya. Tapos makikita niya na kasama kita. Kahit wala naman talagang namamagitan sa atin. Pero yung galit at sakit sa mukha niya kitang kita ko. Kasalanan ko ito. Wala naman siyang ginawa kundi ang mahalin ako pero iniwan ko siya. Ni hindi nga niya alam na may anak kami."
Halatang gulat na gulat si Neon. Kung siguro nga may relasyon kami baka isa din ito sa nasasaktan ngayon sa nangyayari.
"Si Lucas? Anak ni Marco?"
Alam naman ni Neon na may anak ako. Tanggap naman niya kung sakali. Siya din nagsuggest na sa Foundation nila ipaalaga si baby habang nasa work ako. Natatakot kasi talaga ako na iwan siya sa bahay kung yaya na bagong hire lang ang makakasama. May naka assign din na isang taga alaga sa kanya para hindi makaabala sa ibang nagwowork sa foundation.
"Puntahan na natin si Marco."
Kahit nanghihina pa ako kailangan kong magpakatatag para harapin ang pamilya ni Marco. Sana ayos lang si Marco. Sana hindi ganoon ka critical condition niya.
Lord, huwag niyo po muna siyang kunin. Pakiusap
"Isasama ba natin si Lucas?"
Gusto kong isama. Gusto kong harapin ito ngayong gabi. Para isang buhusan na lahat ng sakit.
"Papasukin ba siya? Bata pa si Lucas."
Parang noon lang nag normal ang expression ng mukha ni Neon. Parang mas ok sa kanya ang desisyon ko. Siguro ayaw din niya yung ginawa ko. Sabagay sino ba matutuwa sa ginawa ko?
"Ako na bahala."
Mabilis ang naging pagkilos namin. Matapos maayos si Lucas at mga gamit niya ay umalis na kami. Magtatatlong taon na si Lucas. Hindi ko alam na buntis ako nung iwan ko si Marco. Noong natanggap ako sa trabaho halos ilang araw lang nagsusuka na ako. Nagpapasalamat na lang ako na normal siyang lumabas. Nagpapasalamat din ako na urgent hiring yung company kaya hindi agad muna ako nakapag medical. Sinabi ko din a halos kakatapos lang ng Annual Physical Exam sa inalisan kong company kaya hindi ako nagpa xray. Nagpapasalamat din ako na hindi ako nahirapan sa pagbubuntis sa kanya. Nakakapasok ako sa trabaho ng hindi nahihirapan sa pagising sa umaga. Oo nagsusuka ako pero hindi yung hindi naman yung tipong manghihina ako. Habang nag iisa ako na hinaharap ang pagbubuntis ko, ramdam ko kahit papaano na nagpapakatatag din siya sa sinapupunan ko. Parehas naming naging lakas ang isa't isa. Na hindi ko na nga nagawa pang ipaalam yung totoo kay Marco. Naunahan ako ng takot, hindi ko alam kung kakayanin ko yung galit niya. At tama nga ako. Hindi ko talaga kaya.
Pagkarating namin sa hospital ay halos kakalabas lang ng Doctor na umasikaso kay Marco. Andoon din ang buong pamilya niya. Si Sir Mark Ethan ang unang nakakita sa akin. Hindi ko mabasa yung reaction ng mukha niya. Agad itong lumapit sa amin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ikilos. Kung paano tatanggapin ang galit ng mga Valero. Ok lang din naman na sampalin niya ako ngayon. Parang kulang pa nga ang sampal na kabayaran sa lahat ng ginawa ko. Napapikit na lang ako noong malapit na siya. Pero ilang sandali wala namang kamay ang lumapit sa akin. Pagmulat ng mata ko nakaluhod siya sa tapat ni Lucas. Yung mata niya namumula na. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko na pagmasdan ang tagpong yun. Hinawakan pa ni Lucas ang mukha ni Sir Mark Ethan. Sweet naman kasi ang anak ko. Manang mana sa kanyang ama.
"Lolo.."
Sabi ni Sir Mark Ethan habang tinuturo ang sarili niya. Hindi naman kasi mapapagkaila na apo niya ang kaharap niya. Kamukhang kamukha ni Marco si Lucas.
"Ucas."
Sabi ng anak ko na itinuro din sarili niya. Hindi na napigilan ni Sir Mark Ethan na yakapin ang anak ko. Tumayo ito na karga karga si Lucas.
"Anong buong pangalan niya?"
Hindi kakabakasan ng galit yung paraan ng pagtatanong niya. Medyo nabawasan yung kabang nararamdaman ko.
"Lucas Marco Sir."
Ngumiti lang ito sa akin at lumapit na sa asawa niya. Tuwang tuwa din ito. Parang yung lungkot at pag aalala nila habang naghihintay sa kundisyon ni Marco ay naibsan ng galak at ligaya dahil ni Lucas. Lucas Marco Valero. Naiparehistro ko siya na si Marco ang ama at dala dala ang apelyido nila. Yun lang ang magagawa ko. Oo tumakas ako dati pero hindi ko aalisin yung karapatan na yun kay Marco.
Lumapit sa akin ang nanay ni Marco. Wala yung inaasahan ko na galit din. Kung tutuusin ang laki ng nagawa ko sa anak nila. Pero heto sila, tanggap ang anak ko at hindi ako pinapaalis sa lugar na yun.
"Ok na naman daw si Marco. Kaso mukhang kakailanganin namin ang tulong mo para mag alaga sa kanya. Yung mga kamay niya ay sobrang nabugbog kaya ang pang araw araw na pagalawa ay mahihirapan siya. Naka cast din ang kanang binti niya kaya ilang buwan na kailangan niyang nakasaklay. Wala na akong pakialam kung anong nangyari sa inyo ni Marco dati. Ang mahalaga andito ka ngayong kailangang kailangan ka niya. At salamat sa pagdala sa aking apo."
"Pero Ma'am, kasalanan ko po kung bakit siya naaksidente. Sobrang nagalit po siya na makita kami ni Neon."
"Hindi naman ikaw yung bumangga sa kanya kaya hindi mo kasalanan. Meron bang namamagitan sa inyo ni Neon?"
Medyo sumeryoso na ang tono nito. Tapos yung iba nakatingin na din s amin.
"Wala po Tita." Si Neon na ang sumagot. "Unang attempt ko pa lang nang panliligaw sa kanya tinapat na niya ako na wala akong pagasa. Na sobrang pinagtatakahan ko pa kasi ang gwapo ko naman pero bakit ayaw niya? Ngayon alam ko na. Si Marco naman pala yung may ari sa kanya. Magkaibigan lang po kami Tita."
"Kasalanan naman pala ni Marco kasi hindi ka niya tinanong nang maayos. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Ang tagal ka niyang hinanap tapos sa huli pagdududahan ka lang? Sira ulo din ang anak kong iyon."
Napatawa na lang ako. Kahit nakakakaba na makasama si Marco ulit.
_casper_.
BINABASA MO ANG
Love Drunk (Completed)
General Fiction"Nakakatawa lang na ikaw ang nalasing pero ako ang may hangover" Cover: officialwhosthatgirl