Bakit sa tuwing wala siya, alam mong nanghihina ka?
Sa tuwing iniisip mong iiwanan ka niya, feeling mo guguho ang mundo mo. Kasi parang binigay mo na din ang mundo mo sa kanya, at ginawa mo nang siya ang mundo mo.
Kung noong una, nagugulohan ka sa mga nangyayari, nasasaktan, pero yung sakit may kasama ding saya. Nako, magulo yan. Alam niyo kung bakit ko alam? Ganyan kasi ang buhay ko eh.
Ako nga pala si Theanne Cortez. Nangangarap na mahalin din siya ng isang taong minamahal niya, kaya yun tinamaan, nahulog, nadulas, nasaktan.
Magulo ang buhay ko, since birth. Parang itinakda na ng Diyos na maging malas at maging masakit ang pang araw araw kong pamumuhay.
Bakit nga ba nasasaktan?
Kasalanan mo yan. Nasaktan ka dahil nagmahal ka, dahil hindi ka naman masasaktan kung hindi mo mahal ang isang tao. Maaring hindi mo yan sinasabi o inaamin na meron kang nararamdaman, pero sa pinakaloob ng puso mo, mahal mo siya.
Pero hindi ka naman masasaktan kung walang nangiwan sayo sa ere, diba? Ang sakit grabe. Hindi mo malubos maisip na yung taong mahal mo, lolokohin ka. Wala eh, tanga ka. Naniwala ka agad sakanya.
"Mahal parin kita."
Kapag may nagsabi sayo niyan, sabihin mo ng walang kaabog-abog, "Gago ka ba? Kasi ako hindi." Kahit yan lang ang sabihin mo, malalabas mo na agad yung gusto mobg iparating at galit ng puso mo, kahit alam kong marami kang gustong sabihin, yun lang ang kailangan mong gawin para sa sarili mo.
Pero kahit papano, ang buhay nagiiba, naikot kasi yan, kaya may pagasa pang maging masaya. Kahit sinasabi nilang wag kang umasa at masasaktan ka lang, kailangan eh. Hindi mo naman maiiwasan yan eh. May mahahanap ka din na magpapasaya sayo.
Kahit papano, magiging masaya ka at magiging okay ang lahat.
Ito nga pala si Theanne Cortez, at ito ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
Another Piece Of My Heart
RandomSa buhay, hindi maiiwasan ang choices. Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagdadalawang isip. Mahirap mamili lalo na kung iba ang sinasabi ni UTAK sa timitibok na PUSO. Sa buhay ni Theanne Cortez, mapapaisip ka din kung sino ang pipiliin mo. Yung bang la...