Chapter 3

36 2 0
                                    

*SM*

"Gutom na ako..." Bulong ko sa sarili ko, paano ba naman kasi, nakakainggit na yung mga kumakain dito, buti pa sila nakakakain na, pero ako, nakatungangang naghihintay sa tagal dito sa table.

"Ang cute mo." Bigla niyang sinabi, nagising ako dun ah!

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kanya ng nakangiti, kasi natatawa ako sa pinagsasabi niya, akalain mo, magsasalita siya ng wala sa oras, tanga lang?

"Wala lang, ang cute mo nalang." Sabi niya at ngumiti habang nakatitig sa akin, ganun na ba ako ka ganda? Char.

"Gutom lang yan." Sabi ko nalang at ngumiti, "Bakit mo nga ba ako inimbita dito?" Tanong ko sakanya, kasi pinagtataka ko lang, hindi naman kami close.

"Hindi ba halata? Ganun ka nalang ba ka manhid para hindi mapansin lahat ng ginagawa ko sayo, Thea?" Sabi niya, aba nag emote pa si koya. At excuse me, hindi ako katulad ni Mike, Numb.

"Kaya nga nagtatanong diba? Ano to, bawi mo lang sa pangiinis mo saakin?" Tanong ko sa kanya,

"Ano bayan, Thea! Ang manhid mo talaga! Sa tingin mo, bakit iniimbita ng mga lalaki ang mga babae sa labas?" Sabi ni Anjelo, manhid din ba siya? Kaya nga nagtatanong yung tao eh, dahil hindi alam,

Pero biglang Hinawakan ni Anjelo yung kamay kong nasa table, at pinisil ito, "Gusto kita, Thea." Sabi niya at sumiryoso yung mukha niya, at tumitig saakin. Seryoso ba siya?

"Anjelo naman, hindi ako nakikipagbiruan. Wag ka nga mag biro." Sabi ko at tumawa nalang ako para mabawasan yung awkwardness, pero walang epek, hinawakan niya ng mas mahigpit yung kamay ko, "Hindi ako nagbibiro, Thea. Totoo yung sinasabi ko. Sana hayaan mo akong ligawan ka."

Ligawan? Seryoso ba siya? Ano ba to? Hay juice colored!

"Anjelo......" Naspeechless ako dun ah, bakit ganun? Totoo ba to? Shet!

"Wag kang magalala, hihintayin ko yung sagot mo. Maghihintay ako at hindi ako susuko. Promise. Please, Thea." Sabi niya with his pleasing eyes,

"Seryoso ka ba? Pero kung oo, sige. Payag ako." Sinabi ko nalang, at ngumiti siya.

Hanggang sa tumawa siya ng malakas, anong problema nito? Tao ba talaga to?

"Joke lang, ito naman! Hindi ka maloko! Ang gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo eh." Pusang kinalbo naman oh! Bwisit! Grabe isang kakahiyan ang ginawa ko, Ayoko na, aalis nalang ako, kahit gutom pa ako, kakain nalang ako sa bahay.

"Alis na ako." Sabi ko at inalis ko yung kamay niya at tumayo sa table at naglakad palabas ng kainan,

Bwisit! Kala ko naman seryoso siya, kaya simula ngayon, hindi na ako magtitiwala sa lalaking yun, at binabawi ko na pala yung sinabi kong 'napapangiti niya ako'. Pinapakunot niya yung noo ko at hinahayaan niyang magdikit ang kilay ko sa kainisan ngayon.

May pumigil sa akin sa braso at alam kong si Anjelo yun. "Ano ba?"

"Ito naman nagjojoke lang yung tao eh, tapos ganyan ka naagad." Sabi niya at yung ngiti niya parang nagsasabi ng, 'sorry na'. Gago ka ba? Hindi mo ako makukuha sa mga ganyan mo.

Another Piece Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon