Chapter 23

4 1 0
                                    

Lalaki siya.

Napatingin ako sa mga mata niya, shet. Ang gwapo. Pero wait wait wait, tandaan mo Thea, may Anjelo ka. At ano ba to? Hindi ko siya type.

Hindi parin niya inaalis yung kamay niya sa ibabaw ng kamay ko,

"Kukuhanin mo ba?" Tanong ko sa kanya, tapos bigla siyang ngumiti, at sinabing, "Oo sana eh."

"Ah, bakit?" Nacurious lang ako, kasi isang lalaking pogi, bibili ng isang dress, at ito na nga,

"Ano ka ba girl! Kukuhanin ko sana dahil akala ko babagay saakin! Sige na nga, bibigay ko na sayo ang type kong dress. Sige na, ha! Bye girl!" Ba-bakla siya? Oh My Gosh. Anong nangyayari sa mundong ibabaw?!

Napailing at napatawa nalang ako sa nangyari. Kinuha ko nalang ang dress. Lumapit ako kay Kimy, ngumiti siya saakin,

"Who's that guy?" Bulong niya saakin at binuggo ako ng baywang niya ang baywang ko, inasar pa ako sa bakla.

"Um, or do you mean that girl?" Sabi ko sa kanya at nagulat siya sa sinabi ko, "What the!" Sigaw niya,

"I know right." Tumango-tango pa ako para mapaniwala siya, tumawa nalang siya ng malakas.

"Okay, i'll leave you here laughing. I'm just going to fit this dress." Sabi ko kay Kimy pero umiling siya at sinabing, "No, no, no. I'll come with you. Don't leave me hanging. Let's go." Sabi niya at naglakad na kami papuntang fitting room. Iniwanan ko muna siya sa tapat ng fitting room ko. Syempre alangan namang sumama siya saakin.

Tinanggal ko na ang kailangan kong tanggalin. At sinuot ko na ang dress na off shoulder.

Tumingin ako sa salamin, okay. Good. Mukha akong tao. Bagay din pala ang dress saakin. Ganda ko talaga. 😝😝.

Kaya binalik ko na yung damit ko pagkatapos kong hubarin yung dress. Kaya lumabas na ako at nakita ko si Kimy nakasimangot, "Why didn't you let me see the dress?"

"Kimy, no need. Don't worry. I'll buy it by the way." Sabi ko sa kanya, kaya nagsmile ulit siya,

Pumunta na kami sa cashier at nagbayad. "Wait, what did you buy?" Tanong ko sa kanya, kasi parang wala siyang dala.

"Nothing." Sabi niya at tumawa, so ang ibig sabihin, ang purpose lang nito ay bumili ako ng dress? Well, her plan work.

"Um, Thea. Can you show me here where is the shop of the guitars?" Sabi niya ng wala sa timing ng paguusapan, gusto ko din naman pumunta kaya pumayag nalang ako at tumango.

Pagkatapos namin sa Department Store, nilead ko na siya sa guitar shop ng SM. Na kung saan, nakilala ko, oh i mean, nakausap ko ang isa sa mga guard dito. Si kuya guard.

Sa pagpasok namin, nakita ko na si kuya guard. Ngumiti ako sa kanya, ngumiti din siya saakin, mukhang pumapayat si kuya guard.

Pumasok na agad si Kimy at nagpaiwan ako sa labas muna.  "Kuya, long time no see po!" Bati ko sa kanya, sa pagtingin ko sa kanya sa mata, medyo lumalaki ang eyebugs niya,

"Oh! Ikaw ba yung nililigawan nung Anjelo?" Tanong ni kuya guard, at tumango ako, "Actually po, kami na." Sabi ko sa kanya,

"Oh! Kayo na pala! Wag magpadalos dalos ineng ha! Baka madapa ka." Sabi niya, napatingin ako sa ID niya sa damit at nalaman ko ang pangalan niya, siya si Tonio.

"Kuya Tonio, paano mo naman po yan nasabi?" Tanong ko sa kanya,

"Ayaw ko kasing makitang nasasaktan ang isa sa tinuturing ko ng anak." Sabi niya, napangiti naman ako sa sinabi niya,

"Sige po. Simula ngayon, tatawagin ko na po kayong, Tay." Napanhiti siya sa sinabi ko,

"Tay, parang pumapayat po kayo ah." Sabi ko sa kanya pero hindi siya nangiti,

"Yun nga ang nakakasama saakin." Sabi niya, mabilisan kong tinanong kung bakit, pero umiling lang siya, at bigla naman akong tinawag ni Kimy. Kaya lumapit ako sa kanya at nagpaalam na kay Tay Tonio.

"Um Thea, what will you choose? The black one or the brown one?" Tanong ni Kimy saakin,

"Um, maybe i'll go with the brown one." Sabi ko ng may ngiti, "Why did you ask for?"

"Well, i'd like to buy my brother a guitar." Wow, may kapatid pala siya!

"How does he play?" Tanong ko sa kanya,

"Well, as far as i can tell, he's really amazing in playing guitars. I'm not telling this because he is my brother, 'cause i'm saying the truth, he's really good at this one." Sabi niya,

"Well, good for him he has a good sister who will buy him a guitar. Well look at my brother, he's selfish." Sabi ko kay Kimy at napatawa siya.

"Oh! Do you play guitar?" Tanong niya,

"Well not that much. When i was a kid, i'm really good at it, um, i think when i'm in 3rd grade, and now, i don't know." Sabi ko kay Kimy, pero pramis, marunong talaga ako mag gitara nung bata, hindi ko alam kung anong nangyari saakin at nawala yung skills.

"Okay then, as your big sister, i'll buy you one too." Sabi niya! Shet. Totoo ba to? Hindi ba ako nanaginip? Bibilhan niya ako ng gitara? Pero walang hiya naman ako pag nagpabili pa ako sa kanya.

"No, Kimy. No need to buy stuff like this." Sabi ko sa kanya pero ayaw niya parin magpapigil at yun na nga, nakabili na siya ng gitara para sa kapatid niya at para saakin.

Hanggang sa makalakad na ako sa labas na walang nagagawa kung hindi magthank you ng magthank you.

"Thea, it's okay. I'm your big sister already. I'll treat you as a family already." Sabi niya, ang bait talaga nito.

"You know, Kimy. I don't know how can i thank you for this one and for the dress. But let me tell you this, even though you didn't give me this such things that before i wish to buy and now i have it, i'll always be supportive for you two, my brother and you. You are such a kind person. I like you for my brother, and i promise, i'll always tell to kuya that never ever ever break your feelings. I'll kill him if he will." Sabi ko sa kanya at niyakap ako ni Kimy, Ow! Para siyang ate ko na!

Nakita kong papalapit na si kuya na nakangiti saamin, "Buti naman friends kayo." Sabi niya,

"Hindi naman kasi ako katulad mo, masyadong masama ang ugali." Sabat ko sa kanya at napatawa nalang si Kimy,

"How did you get the guitar? Hiningi mo kay Kimy? Masyado mo ng inaabuso ang friendship ni-" Sabi ni kuya pero sinambatan agad ni Kimy at sinabing, "I bought it for her. She didn't ask for it."

"Okay let's go now babe. I have to take you home darling." Sabi ni kuya kay Kimy at hinalikan sa pisngi. Hindi ako sanay na makita ang isang kuya kong sabog na maging sweet sa isang magandang babae. Ang pangit tignan promise.

Kaya naglakad na kami papuntang sasakyan, hay buhay may pasok nanaman, i have to sleep already before it's too late.

Wait lang, bakit ba ako nage-english? Weird.


Another Piece Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon