_Kinabukasan_
Nagising ako ng maaga sa hindi ko alam na rason. Siguro sa madaming mga nangyayari saakin at ginugulo ang isip ko. Isa na dito ang kasama si Mike halos isang linggo. Ang hindi pagtext ni Anjelo simula kahapon. Pagsakit ng tiyan ko dahil sa sobrang dami ko kinain na chocolate at ice cream, well hindi ko naman masisisi ang sarili ko sa pagcrave sa mga pagkain na to. At ang sobrang lamig ng aircon sa kuwarto.
Pero yung gising nayun, nakatulong naman eh. Ginising na ako ng maaga para sa school. So, Get ready Theanne Cortez.
*ligo times*
*toothbrush times*Nagbihis na ako ng P.E t-shirt at as usual, jeans para sa pambaba. Mas comfortable kasi akong magsuot ng jeans,
Napansing kong medyo tuyo na ang aking buhok kaya pumasok agad sa isip kong gawin ulit ang ginagawa ko dati, ang messy bun. Yup, that's my favorite style.
Nilagay ko na ang tubig, ballpen, pencil hindi ko alam kung bakit, papel at syempre cellphone sa bag kong batman. Astig kaya ni batman!
Bumaba na ako bago sarhan ang pinto ng kwarto ko.
"Ma! Alis na po ako! Ingatan niyo po yung bahay ah! Alam ko pong wala kayong pasok! Love you ma!" Sigaw ko at lumabas ako na ako ng bahay.
Habang sa paglalakad, naisip ko si Mike. Hindi ko alam kung bakit. Siguro gawa lang sa emotionless niyang mukhang nagbobother saakin. Bakit kaya siya emotionless? May past ba siya? Anong nangyari sa kanya? Pero yung ngiti niya talaga dun sa library, hindi ko parin makalimutam. Ang pogi niya pag nakangiti, pramis. Ops, walang malisya.
Pero bago ang lahat, nung tinitigan ko siya sa mata at nagkatitigan kami, napansin ko kaagad na may kaparehas siya na mata, at yun nga ay kay Kimy, dahil nga sa magkapatid sila . Ang ganda ng mga mata nila. Kanino kaya sila nagmana? Makuha nga yung mata nun, ang ganda eh. Joke lang.
Pero yung sa mga matang yun, kahit maganda ang mga panlabas, para bang may nakatagong hindi magandang nakaraan. Na para bang sa mga likod ng mga mata niya, yun ang dahilan ng hindi niya pag ngiti. Na siyang nagpipilit kay Mike na wag ngumiti at hindi maging masaya, bakit ba ang lalim niya? Bakit ba ang lalim ng mga sinasabi ko? Masyadong malalim! At sa masyadong malalim na pagiisip ko, muntikan na ako mabangga!
"Huy babae! Alam mo kung magpapabangga ka, Wag mo na ako isali sa mga kalokohan mo! Bilisan mo ngang tumawid! Bilis! Ang bagal eh!" Sigaw nung tricycle driver, naglakad nalang ako ng mabilis, si Mike kasi eh!
"Sa susunod, magisip ha!" Sigaw nung tricycle driver, wow makapagsalita!
"SA SUSUNOD DIN PO MAGHINTAY HA! Kita mong natawid yung ibang tao, pilit mong pinililit." Napasabi ko tuloy. Bwisit kasi.
Pero okay na din yun, malapit na din naman ako eh. Halos mga 1000 steps nalang. Hay, kaya ko to, bakit kasi hindi ako nagtricycle. Hay!
Kapagot ha! Hirap palang malutang, kung ano ano nalang nagagawa mo, si Mike kasi eh!
"Tara na. Sumakay ka na. Alam kong pagod ka na." Narinig kong sinabi ng nasa likod ko. Kaso baka hindi ako ang sinasabihan non, baka yung boyfriend nung babae ang nagyaya, kaya dumiretsyo nalang ako baka ako pa ang umasa. Masakit umasa. Mas masakit pa sa sugat na nasalinan ng pasa.
BINABASA MO ANG
Another Piece Of My Heart
AcakSa buhay, hindi maiiwasan ang choices. Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagdadalawang isip. Mahirap mamili lalo na kung iba ang sinasabi ni UTAK sa timitibok na PUSO. Sa buhay ni Theanne Cortez, mapapaisip ka din kung sino ang pipiliin mo. Yung bang la...