Bakit ba ang bilis ng oras? Bakit ba bumibilis ang oras kung kailan mo gustong maging matagal to, tapos bumabagal kung kailan mo gustong bumilis ang oras. Lokohan ba to? Sabihin niyo lang!
Tumingin ako kay Anjelo habang pinapatay yung makina nung sasakyan, ngayon ko lang narealize na ang tangos pala ng ilong niya. Nakakahiya naman sa ilong ko.
Siguro napansin niyang nakatingin ako sa kanya, kaya napatingin din siya saakin nang nakangiti, "Bakit parang excited ka pa?" Tanong ko sa kanya, bakit nga ba?
"Ito na yung pagkakataon ko." Sabi niya at napangiti ako dahil doon. Ang confident niya talaga! Yan ang gusto ko sa kanya. (Walang hiya... joke)
"Sigurado ka na ba sa ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya, para manigurado lang!
"Thea, ano ba! Oo nga diba." Sabi niya, okay! Sige! Maniniwala na ako! Kaya bumaba na ako sa sasakyan at saktong lumabas si ma. Shet.
"Oh Thea, kailan ka pa nagkaroon ng ko-" Napatigil si ma sa pagsasalita, siguro nakita niya si Anjelo,
"Sino po sila?" Tanong ni ma habang nakatingin kay Anjelo ng seryoso at nakataas ang kilay, napatingin ako kay Anjelo, at napalunok siya sa kaba, hay! Si ma talaga!
"Magandang Hapon po sainyo, Anjelo nga po pala." Sabi ni Anjelo, at siguro, sinasabi ng utak niya na, ' sa wakas!', dahil ngumiti na si ma at sinabing, "Pasok kayo."
Pinagbuksan kami ni ma ng gate. At pinapasok kami sa loob, "Anjelo, bihis lang ako." Bulong ko sa kanya, palakad na sana ako nang pigilan niya ako, hawak-hawak yung braso ko, "Ano? Iiwan mo ako dito? Wag." Natawa ako sa sinabi niya, "Ginusto mo yan eh." Binulong ko sa kanya at tumakbo na ako sa taas papuntang kuwarto.
"Hmmm, ano kaya puwedeng suotin? Kailangan mong maging mukhang tao Thea, may manliligaw ko sa baba, kaya kailangan mo." Sinabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa cabinet kong sobrang daming damit. Adik ako eh, manang mana ako kay ma.
Pero sa sobrang daming damit, gulo gulo na, para bang ukay-ukay for sale lang cabinet ko, minsan hindi na nakakatuwa eh.
Magdress kaya ako? Nah! Masyadong pormal ang dating ko, ano bayan Thea, ang sabi ng sarili mo, mag mukha kang tao hindi prinsesa!
Bahala na nga lang. Magshoshorts nalang ako at maglu-loose t-shirt. Hay mas comfortable pa ako dito.
Pumunta ako sa harap ng salamin, at tinignan ko ang itsura ko, at magiging honest ako, ngayon ko lang narealize na, ngayon lang ah, maganda pala ako. Tao din pala yung itsura ko, kala ko kasi may kapwa alien ako eh.
Habang nakatitig ako sa sarili ko sa salamin, napatingin ako sa gilid ko, at napansing nakasmile sa akin ang picture ni papa. Hindi ko alam kung matatakot ako o hindi eh.
Lumapit ako sa picture namin ni papa, at humiga muna ako saglit, tumitig ako sa picture ni papa, at tinakluban ko ang mukha kong nakakadistruct.
"Pa, may manliligaw na po ako." Sabi ko, okay lang kahit magmukhang ewan ako,
"Gwapo naman po siya, may itsura, mabait, makulit, masaya naman po siya kasama kahit ganun, mukhang eligante."
"At kahit papano, ang galing niya po kumanta. Nakakainspired. Parang po kayo, May banda nga po sila eh, sikat. The Currents po ang pangalan ng banda nila."
"Atsaka wag po kayong magalala, pagkasama ko siya, alam ko pong safe ako."
Tumigil ako saglit at pinagobserbahan muna ang katahimikan,
"Pa, sana nandito ka. Sana nakikita mo akong kinikilig ngayon, kahit sinabi niyo pong wag munang lumandi, wala po eh, natamaan na po ako eh. Pero pa, Sana hindi ka nawala ka-agad. Hina mo kasi pa eh! Hindi ka lumaban. Kahit palagi mong sinasabing, kailangan maging matapang. Bakit kasi nagkaroon ka pa ng cancer na yan eh. Dapat ako nalang." Habang sinasabi ko yun sa picture ni pa, nakita kong, andami na palang luha na bumabagsak saaking mga mata,
BINABASA MO ANG
Another Piece Of My Heart
DiversosSa buhay, hindi maiiwasan ang choices. Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagdadalawang isip. Mahirap mamili lalo na kung iba ang sinasabi ni UTAK sa timitibok na PUSO. Sa buhay ni Theanne Cortez, mapapaisip ka din kung sino ang pipiliin mo. Yung bang la...