Grabe, nasa record na nga yata tong araw na to eh, napakaboring. Oo masaya kasi free time, ang kaso wala ako sa gana magingay pa.
Habang nakatulala sa kawalan, nakita kong papalapit si Dane, ang bespren kong madaldal. Siguradong may kukuwento nanaman siya tungkol sa crush nya.
"Huy Thea, alam mo bang kinausap niya ako?" Ang sabi niya, sabi ko na nga ba, tungkol nanaman to kay Nathan. Nakupo, kung makikita niyo lang ang kinikilig na Dane, matatawa kayo kasi kasama ang pwet sa kilig.
"Ano nanaman ba yan? O sige, pasalamat ka bespren kita, kundi hindi kita papansinin sa sobrang kaoa-yan mo. Go tuloy." Sabi ko sakanya, sumimangot lang siya pero tumawa ulit, hay nako. Loka-loka.
"Nagsmile muna siya bago niya simulan, 'Dane, kailan yung project natin?' Edi sumagot akong bukas, tapos nagthank you siya, Thea! Nagthank you siya!" Sabi niya habang kilig na kilig, Dane, Thank you lang yun. Thank you lang. Libreng libre yun.
"Congrats nalang." Sabi ko, HAY! Inaantok na ako! Gusto ko nang matulog Puwede naman ata, kasi free time.
"Yan lang ba ang sasabihin mo sa accomplishment ko? Thea, be supportive naman o, kahit saglit lang," Sabi niya pero sinabi ko nalang sa sarili kong, "Hay nako." At napahikab ako, so tumungo ako at inilagay ang ulo sa magkapatong kong kamay,
Hanggang sa mapapikit na ako, pero may pa-epal,
"Hoy, bawal matulog." May nagsabi, habang sinusundot ako sa baywang, kaya nakikiliti ako, ANO BA TO, AYAW TUMIGIL!
"Ano ba!" Sigaw ko sakanya, biglang tumahimik ang classroom, napatingin ako sa gumagawa nun, si Anjelo pala. Ang laki ng problema niya saakin, pramis, ang laki. Baka siguro, nagagandahan lang saakin, hahaha.
"Anong ano ba? Kailangan mong magising! Gising, gising, gising...." Sabi niya habang sinusundot ako sa baywang, NAKIKILITI AKO! Kaya napatayo ako sa sobrang kiliti.
"Ano? Tutulog ka pa?" Sabi niya, pero inirapan ko siya, at let me tell you this, Hindi. Kami. Close. Sadyang FCS. (Feeling Close Siya)
"Awww...." Sabi ng mga kaibigan niya, habang si Dane, nasa likod ko, pero hindi na ako nanatili sa puwesto ko, umupo ako sa flatform at sinandal ang ulo ko sa pader, at tinakpan ng panyo para alam niyo na, hindi makita yung ikinahihiya ko, ang makita ng maraming na nakanganga ang isang Theanne Cortez. Habang nagtatagal, napapikit na din ako, hay salamat!
"Ano bang problema mo saakin?" Sabi ng nasa tabi ko, ano ba to! Bakit ayaw niyo ako patulugin?! Sino yun? Pero wala akong pake, kaya hindi ko nalang siya pinansin,
"Pansinin mo naman ako, huy..." Sabi niya at nilapit niya ang sarili niya saakin, at kinabahan ako, kaya inalis ko agad ang panyo ko sa mukha, At nakita ko ang isang mokong hindi ako tinatantanan. Si Anjelo parin.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko sakanya, pagkatayo ko. Aba, namimihasa na siya eh!
"Ang problema ko, ikaw. Dahil hindi mo ako pinapansin, please pansinin mo naman ako. Dati naman.." Sabi niya, Ano to?
"Dati yun. Pero Close ba tayo, koya?" Sabi ko at naglakad pabalik sa upuan ko pero hinila niya ang braso ko at nilapit sa kanya, AS IN.
"Yan close na tayo, hindi ba?" Sabi niya, hanggang sa umabot yung kamay niya sa baywang ko, at yung ilong at noo niya at yung akin, magkadikit na,
Hindi ako makagalaw dahil sa pagkahigpit ng hawak niya sa baywang ko, at dahil sa napakalapit ng mukha niya saakin,
"U-um...." Hindi rin ako makasalita ng dahil nga doon. Halos nararamdaman ko din yung napakabigat niyang paghinga, at yung tibok ng puso niya.
GRABE YUNG TIBOK NG PUSO KO! PARANG HINDI NA PUWEDENG TUMIBOK PA BUKAS, DAHIL SA SOBRANG LAKAS AT BILIS!
Tumawa na lang siya bigla at lumayo saakin, siguro sa reaksyon ko kanina, at sabi, "Joke lang, ito naman. Edi magpapakilala ako sayo nang maging close tayo, Anjelo." At nakita kong nakikipag-hand shake siya, pero Thea, gising! Ano kaba! Bakit ka nagkakaganyan? Bakit ka speechless?
"E-Ewan ko sayo." Sinabi ko nalang yun para hindi ko masyadong pinahahalata na kinabahan ako at medyo, alam niyo na, kinilig. Dumiretsyo na agad ako sa upuan ko, nang mapansin kong lahat sila nakatingin sa akin ng tahimik, at yung mga kaibigan ni Anjelo, ngiting ngiti naman, lalo na si Dane,
"Ano?" Taas-kilay kong sinabi kaya lahat sila ay bumalik sa ginagawa nila, pero yung tatlong itlog-(Kyle, Shon at Matt) at si Dane, nakatingin parin, "Ano ba? Pati ba naman ikaw, Dane?" Sabi ko,
"Ano ka ba? Bagay naman kayo eh." Sabi ni Dane, at nakipag-apir ang tatlong itlog kay Dane, wow, close?
"Seriously, Dane? I can't believe that you're doing this." Sabi ko sabay tayo at nagpaalam kay Lizzie, ang class president namin para pumunta sa CR, alam niyo na, baka pagalitan pa ako ng mga teachers nayan.
Habang papunta sa CR, at kumakanta ng San Franscisco by 5 Seconds Of Summer, nakita ko ang ayaw kong makasalubong na lalaki, ang tinatawag nilang Numb Guy, si Mike. Alam niyo kung bakit? Siguro naman sumasagot na sa tanong niyo ang pangalan niya, Numb as in manhid.
"Shet, bakit ikaw pa?" Napasabi ko ng malakas, at yun ang dahilan kung bakit siya napatingin saakin at nagkatitigan kami, grabe yung mata niya, KILLER EYES. Hay dyos ko po. Tinawagan ko na din lahat ng mga santo, habang papalakad ako malapit sa CR, dahil dun siya nakatayo at yung paa niya nakapatong sa pader at nagmumukha siyang gwapo, ay mali! Ano bang sinasabi mo Thea? Ito na! Limang hakbang nalang sobrang lapit ko na sakanya, at in fairness ah! Ang bango niya pramis.
Apat nalang, tatlo nalang, dalawa nalang, isa nalang, grabe ang tapang ng pabango, ayan na! Ang lapit ko na sakanya, grabe ang tibok ng puso ko! Ang lakas! Hanggang sa humakbang ako ng isa pa, huew! Wala namang nangyaring masam-
"Sandali lang." Shet! Hinawakan niya ang braso ko para pigilan, grabe ramdam ko yung init ng kamay niya! Pero bakit ako kinakabahan? Hay! Ang gulo mo!
"B-bakit?" Ang sagot ko, pero hindi parin ako tumitingin sa kanya.
"Bakit parang kanina ka pa kinakabahan? Takot ka ba saakin?" Ang tanong niya, anong klaseng tanong yan?
"B-bakit m-mo naman na tanong?" Sabi ko, pero hindi parin ako tumitingin sa kanya.
"Wala lang, sige nga tumingin ka nga sa mga mata ko, kung hindi." Sabi niya, ano ba to? Isa pa to eh, feeling niya close kami, pero ginawa ko nalang para matapos na to.
"O ayan, anong problema?" Sabi ko, nang mapatingin ako sa mga mata nya, ang gwapo niya, talaga! Ay ano ba yan Thea! Umayos ka nga! Pero ang napagtataka ko lang talaga, hindi siya nangiti, bakit kaya? Ay tangi lang ako, oo nga pala, kaya pala tinawag siyang Numb Guy.
"Edi okay." Sabi niya at pagkatapos, nilagay niya yung earphones niya sa tainga, at naglakad paalis, ano bayan! Ano bang nangyayari saakin ngayon? Yung isa kay Anjelo, tapos ngayon kay Numb guy naman-este-Mike. Pero ang pabebe ko pa, kinilig din naman ako.
BINABASA MO ANG
Another Piece Of My Heart
RandomSa buhay, hindi maiiwasan ang choices. Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagdadalawang isip. Mahirap mamili lalo na kung iba ang sinasabi ni UTAK sa timitibok na PUSO. Sa buhay ni Theanne Cortez, mapapaisip ka din kung sino ang pipiliin mo. Yung bang la...