Chapter 12

20 2 0
                                    

*Monday Morning*

Nagising ako ng maaga, at hindi ko alam kung bakit. Siguro masaya lang ako dahil kami na ni Anjelo Chaves na dati ko pang gusto. O siguro, intrams na. O baka parehas.

Tumayo na ako galing sa kama, at kinuha ang towel ko. Pagpasok ko sa loob ng CR, pumasok na ka agad sa isip ko na, this is a start of including Anjelo Chaves in my life.

***

Tapos na ako maligo, kaya kinuha na ang uniform kong P.E, nagsuot na din ako ng sapatos at nag ayos.

Pumunta ako sa tapat ng salamin, at tinignan ang itsura ko. Mukha namang okay, pero kailangan ko munang magsuklay.

Hanggang sa narealize kong tapos na akong magbihis, bumaba na ako ng stairs, at ingay ang sumalibong saakin,

"Totoo na ba yan?" Boses ni kuya ang narinig ko nung una,

"Seryoso ka ba sa anak ko, Anjelo?" Boses naman ni ma ang sumalubong, at anong sabi nila? Anjelo? Nandito si Anjelo ng gantong kaaga? The hell!

"Opo, seryoso po ako sa anak niyo." Boses naman ni Anjelo. Hala! Totoo ba to? At alam na ba nila na kami na? Hindi ko kasi nasabi kagabi kasi natulog ako ulit at late na din si ma dumating.

Dumiretsyo ako pababa, at totoo nga si Anjelo. "Anjelo?" Sinabi ko ng patanong ang pangalan niya. Tumingin siya sa aking mga mata pati narin si ma at kuya.

"Anak, halika dito. May sasabihin ako sayong importante." Sabi ni ma saakin. Galit ba siya? Seryoso kasi mukha niya eh. Thea, you're dead.

Lumapit ako kay ma at sinabing, "Sorry ma." Inunahan ko na siya, halata naman sa itsura niya na galit siya eh,

"Anong sorry? Congrats ang sasabihin ko sayo!" Sigaw ni ma saakin bago niya ako yakapin. Habang si kuya kinakausap si Anjelo at naririnig ko silang dalawa,

"Anjelo, wag na wag mong sasaktan si Thea. Alam kong mahal ka ng kapatid ko. Sana wag mo siyang paiyakin, sana lagi kang nanjan para sa kapatid ko. Hindi ko yata kayang makita yang umiiyak, nakakatakot eh." Asar ni kuya,

Kumalas ako kay ma at sinabi kay kuya na, "Ay sige kuya, umagang umaga nangaasar na naman. Galing mo din eh." Sabi ko sa kanya,

Tumawa lang si kuya at sinabi kay Anjelo na, "Sige Anjelo, goodluck."

"Kuya!" Sigaw ko sa kanya at niyakap niya ako, "Okay lang yan, truth hurts." Pinalo ko siya sa likod at tumawa lang si ma, buti naman. Kala ko papagalitan ako eh.

"Oo na, sorry na po ma'am." Sabi ni kuya, "Buti naman." Sabi ko sa kanya.

"Kain ka muna anak." Sabi ni ma habang nakaturo sa table, umiling nalang ako kasi busog pa ako, malay ko ba, tuwing umaga, lagi akong busog.

"Sige, diretsyo na kayo sa school. Baka malate pa kayo." Sabi ni ma, tumango nalang kaming dalawa ni Anjelo at nagbabye na din siya kay ma. Dumiretsyo na kaming dalawa sa kotse niya, pinagbuksan niya ako ng pinto at ngumiti ako sa kanya,

"Ano? Pasok." Sabi niya, pumasok nalang ako at hanggang sa pumasok na siya.

Tumitig muna siya saakin at sinabing, "Ang ganda mo ngayon."

Another Piece Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon