Pagkatapos namin manood ng Movie, natunaw ang puso ko. Dahil ANG CUCUTE NG MGA PANDA! Sayang hindi na panood ni Anjelo yung movie,
Pagkalabas na pagkalabas namin ni Anjelo ng Sinehan, hinila niya ako papunta ng Tom's World.
Napatigil ako at bumitaw sa hawak niya, "Ayoko dito." Nagtaka siya, "Bakit naman? Ang saya kaya dito."
"Ever since, hindi na ako napunta dito. May Naalala lang ako dito na ayoko pang balikan." Sabi ko sa kanya,
"Okay lang yan, ako bahala sayo." Sabi niya at hinila niya ako sa loob, pero bumitaw ako sa kanya at lumabas,
May pumigil sa akin at hindi nakapagtataka na si Anjelo yun, "Bakit ba? Nandito naman ako para pasiyahin ka. Alam mo, kalimutan mo na yun at burahin. Sa pagkakataon na to isipin mo nalang na ang kasama mo ngayon, hindi ka sasaktan o iiwanan." Sabi niya habang nakatitig saakin. Wow naman! Grabe siya!
Sumangayon nalang ako, kaya pumasok kami loob. Nagpapalit siya ng token doon sa papalitan (syempre)
Hinawakan niya yung kamay ko at hinila niya ako sa tapat ng larong basketball. Bumitaw muna siya at naglagay ng token sa loob,
"Para sayo to." Sabi niya saakin at dahil doon, kinilig ako. Kainis tong lalaking to! Pinapablush ako! Kaya ngumiti nalang ako at sinabing, "Sige nga!" Nagsihulugan na yung mga bola sa harapan niya, anim na bola ang nahulog. Ibig sabihin, anim na try.
Kumuha na siya ng isang bolang ishoshoot. Magshoshoot na sana siya nang magsalita pa siya ulit. "Pagnakatatlo akong shoot, doon ko mapapatunayan na gusto kita." Tumango nalang ako, hay Anjelo.
Nagshoot siya ng isa-WALA
Pangalawang shoot- Aba meron!
Pangatlong shoot- nako meron!
Pangapat na shoot- patay wala!
Panglimang shoot- Shet wala!"Anjelo, ano? Last na yan." Sabi ko sa kanya, at parang kinakabahan siya dahil pawis na pawis na siya. "Kaya ko to."
At ang pinakalast shoot niya,- Yes naman!.... Wala.
Joke lang meron. Kaya nakatatlong shoot na siya. Napangiti ako dahil nakatatlo siya. Napatulala lang ako dahil ang ibig sabihin talaga nun, gusto niya ako. Icocongratulate ko sana siya ng pagtingin ko sa tabi ko, wala si Anjelo.
Napalingon ako sa lakas na hiyawan sa likod ko! Akala ko, may dalang bulaklak si Anjelo, yun pala hindi. Lahat ng lalaki ang nagsihiyawan. Nangmakita ko ang pinagkakaguluhan nila, nakita ko ang isang babaeng sumasayaw ng Just Dance.
At nafind out ko na kung bakit sina naghihiyawan. Yung babae kasi, yung suot niya ay crop-top, sobrang ikling shorts na parang panty na yung suot. Ang napagtataka ko sa babae, kung magsusuot siya ng crop-top, maghigh wise pants ka naman. Hindi yung pinapakita mo na yung buong kaluluwa mo sa lahat ng tao! Edi sana hindi nalang siya nagsuot ng damit, kung ganun din naman!
At hindi ba siya natatakot? Napansin ko kasing lahat na nanonood sa kanya ay mga lalaki. At yung sayaw pa na pinili niya ay sayaw na hindi lang kita yung tiyan niya, kita na din yung bra niya, color pink pa nga ang putek eh.
Napailing ako sa babae, at sakto sa pagiling ko, may nakita akong pamilyar na mukha na sinasayawan nung babae, nakita ko si Anjelo. Tutok na tutok pa siya ah! At ang mas matindi pa, sumayaw yung babae ng malaswa. Ang landi naman nito! Nilalandi niya si Anjelo!
Umalis nalang ako ng Tom's World. Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako sa lagay nayun. Sino ba naman kasi ang hindi masasaktan? Akala ko pa naman iba siya sa mga lalaking kilala ko.
BWISIT YUNG BABAENG YUN KALA MO KUNG SINONG MAGANDA! Sana matuluyan na siya. Pati ba naman si Anjelo? Pati ba naman si Anjelo? Hay! Sabi ko na nga ba, yung lugar na yun ang magbibigay saakin ng sakit sa ulo. Magbibigay nanaman ng sakit sa damdamin.
BINABASA MO ANG
Another Piece Of My Heart
OverigSa buhay, hindi maiiwasan ang choices. Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagdadalawang isip. Mahirap mamili lalo na kung iba ang sinasabi ni UTAK sa timitibok na PUSO. Sa buhay ni Theanne Cortez, mapapaisip ka din kung sino ang pipiliin mo. Yung bang la...