Chapter 24

6 2 0
                                    

_Monday Morning_

Okay. First day na wala si Anjelo. Feeling ko back to normal ang life ko pag wala siya. Pero yung normal na walang nangunglit na tao.

Kamusta kaya si Anjelo dun? Wait anong oras na ba?

Kinuha ko ang phone kong nakapatong sa lamesa at tinignan ang oras, 5:06 pa lang pala. Pero kailangan kong makarating doon before 6.

Kaya dumiretsyo na ako sa towel kong nakasabit sa sabitan at dumiretso na ako sa banyo.

*ligo times*
*toothbrush times*

Pagkatapos ko sa CR, nagbihis na ako ng jeans at P.E t-shirt ang pantaas ko. Sinuot ko na din ang converse kong black pagkatapos kong magsuot ng medyas.

Pumunta ako sa harap ng salamin at nagsuklay, nagwahi na ako ng buhok para maging mas presentable ang itsura ko.

Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako ng hagdan at dumiretsyo sa kusina. Medyo nagugutom ako eh, kaya binuksan ko ang rep, ang una kong nakita ay yung gatas. Yun nalang pala, busog na ako dito.

Kumuha ako ng baso at sinalin ang gatas na nasa karton.

Hmmm! Refreshing!

Pagkatapos kong uminom, iniwan ko nalanh muna doon sa kusina at nakita ko si ma, bihis na din,

"Ma! Alis na din ba po kayo?" Tanong ko kay ma, "Oo anak. Una na ako. Malalate na ako eh. Ingat anak ha!" Sagot niya at lumabas na siya ng bahay.

Hay, back to normal na nga, commute ulit ang habol ko. Tricycle at lakad ang gagawin ko. Maamoy ko nanaman ang kaibigan kong poopy.

Lumabas na ako at iniwang safe amd secured ang bahay. Naglakad na ako at sumakay ng tricycle.

***

Sa pag baba ko ng tricycle, at pagapak ko sa cemento ng aming school, nagbuntong hininga ako kasi alam kong may mangyayaring masama.

Mukha palang ni Chelsea na sumalubong sa tingin niyo, hindi sasama yung araw mo? Ipapaalala ko sa sarili ko na, kapatid siya ni Lucifer.

Hindi ko nalang pinansin si Chelsea at ang dalawang butiki. Naglakad nalang akong nakatungo at dumiretsyo sa classroom,

Sa pagbukas ko ng pinto, ingay ang sumalubong, napatingin muna ako sa buong classroom, at nakitang nakaupo silang lahat, napatingin ako sa teacher's table at yun na nga, nandun na ang adviser namin.

Late na ako? Well, wala namang klase ngayon dahil kakatapos lang ng exam at intrams, pero required parin kaming pumasok.

"Am i late po?" Tanong ko ka ma'am, pero ngumiti lang silang lahat saakin at sinabi ni ma'am, "No, Ms. Cortez, you're in right time."

Okay, this is weird. Pero kahit weird tong lahat, umupo nalang ako sa upuan ko at tumabi kay Charls, "Charls, anong nangyayari?" Bulong ko sa kanya,

"Feeling ko ikaw yung napili." Sabi niya,

"Napili saan?" Tanong ko sa kanya pero nasagot na ni ma'am ang tinatanong ko, dahil ang sinabi niya, "Back to our discussion."

Another Piece Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon