Nangyari na lahat na nangyari sa panagusapang lintek na contest na yan. Napakaboring at ito ako, umaasang magiging close kami ni Mike. Ang damot nito sa friendship. Hindi ko alam kung nanadya o hindi eh, o nangaasar lang. Pero wala din naman yan magagawa, dahil ako ang taong hindi tatahimik. Ang daldal ko kaya, kung alam niyo lang.
"Inaantok ako Mike, paano kaya pag natulog ako dito sa motor mo? Mahuhulog kaya ako? Pwede bang sumandal sayo? Antok na antok na ko eh? Pwe-" Hindi na ako pinatapos ni Mike sa pagsasalita,
"Pwede bang tumahimik ka na? Tandaan mo yung kundisyon. Kaya please. Ang ingay mo Thea!" Sigaw niya habang nagmamaneho ng motor. Oo, nasa motor kami, inangkas niya ako, buti nga inangkas niya ako eh. Wala si Dane, ewan ko ba dun kung bakit pero sabi niya ang saya saya niya daw, buti pa siya masaya, pero ako. 😑
Dalawang araw na yatang hindi nagpaparamdam si Anjelo. Birthday ko na bukas pero hindi parin siya nagpaparamdam. Kasama ba to sa supresa niya? Kasi promise, hindi na nakakatawa.
Bakit ba ganun? Ano na nangyari dun? Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganitong parang may umiiwas. Sana hindi mangyari yung naiisip kong mangyayari. Sana hindi. Sana hindi niya sabihin ang tatlong salitang napakasakit marinig sa tainga ko at makakasira ng puso ko. Ang salitang 'break na tayo'.
Pero imposible naman yun, diba? Imposibleng mangyari na tapusin niya lang ang lahat nayun dahil magdadalawang linggo palang kami. Ang kapal naman ng mukha nun kung sabihin niya yun. Pero Anjelo, Wag. Please.
Ano bang nangyayari saatin? Nakakaapekto ba ang long distance relationship dahil nasa Manila ka? Nakakaapekto ba ang EDSA dahil sa walang katapusang trapik? Ano bayan Thea, nakuha mo pang magbiro, kita mo namang nasasaktan ka na tapos ganyan ka pa, ang tanga ko talaga.
Pero Anjelo bakit ganto? Ayoko nito. Gustong gusto ko na siya tawagan pero inaalala ko parin ang sinabi ni ma.
Tae ka Anjelo. Bakit mo pinaparamdam to. Tuluyan mong sinisira ang puso ko. Tae ka. Sa halip na nararamdaman ko ay saya dahil birthday ko na bukas, pero kaba at lungkot ang nararamdaman ko.
Hay! Ang sakit na naiisip mo yung nagpromise niyang, 'ikaw lang at wala ng iba' at yung isa, 'palagi kitang itetext'. Pero sa una lang bayun? Sa una lang ba, Anjelo? Gustong gusto kong tanungin yan sa kanya pero ang OA ko naman. Gustong gusto ko yan tanongin dahil gusto ko ng kasagutan. Pero kung sinabi niyang sa una lang yan, gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako isang option.
Ang hirap naman nito. Thea, dapat maging masaya ka. Speacial day mo bukas, magiging masaya ka din. Kaya mo yan. Kaya mo yan.
Nakaalis na ako sa kawalan at nagising sa katotohan ng hawakan ni Mike yung kamay ko at nilagay ang panyo sa kamay ko.
"Oh, bakit mo ako binigyan ng panyo? May dumi ba?" Sabi ko sa kanya, bakit nga ba?
"Alam mo sa tingin ko hindi ako yung manhid, ikaw yata eh. Naiyak ka na Thea. Pahiran mo yan." Pagkasabi niya saakin hinawakan ko yung mukha ko at naramdaman ko nga ang luhang tumulo. Ganto na ba kasakit ang nararamdaman ko kaya ganto na ako? Manhid? Basta basta nalang tumutulo ang luhang punong puno ng kalungkutan.
Pinagbuksan na kami ni kuya ng gate, napansin kong nakasakay parin ako sa motor kaya umalis na ako at naglakad papasok ng bahay.
Sa paglalakad ko dumiretsyo na agad ako sa kwarto ko kahit tinatawag nila ako para makipagusap sa kanila sa sala kasama si ma.
Wala kasi akong trip makipagusap muna, gusto muna makapagisa.
Nagpalit na agad ako pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto. Nagpalit ng shorts at plain white shirt.
Humiga ako agad sa kama at naglabas ng pinakamalaking paghinga na parang tinanggal na ang ilan sa mga problema ko.
Napahawak ulit ako sa kwintas kong meron sing-sing. Naalala ko ang simbahan. Tagal ko na ding hindi nagsisimba. Kailangan ko si Father. Kailangan ko ang tatay-tatayan ko. Namimiss ko na siya. Kamusta na kaya si Father?
BINABASA MO ANG
Another Piece Of My Heart
RandomSa buhay, hindi maiiwasan ang choices. Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagdadalawang isip. Mahirap mamili lalo na kung iba ang sinasabi ni UTAK sa timitibok na PUSO. Sa buhay ni Theanne Cortez, mapapaisip ka din kung sino ang pipiliin mo. Yung bang la...