Matagal ko na tong narealize, matagal ko na tong napansin, matagal ko na tong gustong isigaw sa maraming tao, matagal ko na din tong sabihin kay Dane, na tuwing nagtritricycle kami, may matindi akong nararamdaman. At yun ay,
ANG BAHO DITO AMOY TAE!
Matagal ko ng gustong sabihin, pero nahihiya lang ako at baka sabihin nilang ang arte arte ko naman. Pramis, sa tuwing dumadaan kami dito na nakatricycle, yun palagi ang naaamoy ko. Hindi siya amoy poop ng mga hayop, kundi amoy poop ng tao. Alam niyo bayung amoy na yun? Abno naman niyo kung hindi niyo alam yung amoy na yun.
Buti nalang itong dinadaan naming mabaho, ay malayo sa school. Malinis ang school namin, pormal. (Yes naman)
"Huy! Okay ka lang?" Tanong ni Dane na nasa tabi ko, amoy tae dito paano ko sasabihin na hindi? Pero medyo nawawala wala na.
"Oo naman." Kaya yun nalang ang sinagot ko, pauwi na din naman, kaya unting tiis nalang, makakabangon na sa mabahong daanan. (Yes naman, rhyming words)
"Thea, may tanong ako sayo." Sabi niya, kaya sinignalan ko siya ng 'go, continue'. "Kahit papano naman diba, nag-give up ka kay Anjelo?" Anong klaseng tanong yan?
"Anong sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya na gulat na gulat, tinawanan niya ako at sinabing, "Ang ibig sabihin ko, kung umayaw ka din dati kay Anjelo, nung crush mo siya."
Kahit papano, oo. Gawa nga ni Chelsea na mukhang bruha diba? Kaya tumango ako.
"At may iba kang nagustuhan? Alam ko yun, wag ka ng tumanggi pa." Gusto ko sanang sabihin na, 'Edi sana hindi ka nalang nagtanong!'. Oo nagkacrush ako dati kay, ooops! Private.
"At hindi naman kita pinakialaman doon diba?" Sabi niya, ano bang nangyayari dito? Kung ano ano ang pinagsasabi. Pinagbigyan ko nalang siya at tumango, at biglang,
"Hindi ko dhhuwhskksiwjrh.." Ano daw? Hindi ko siya maintindihan? Yung tricycle kasi eh, dumaan sa hamps at nauntog ako, kaya hindi ko siya masyadong narinig, masyadong maingay tong tricylce.
"Anong sabi mo? Ulitin mo, sorry." Sabi ko sa kanya,
"Hindi ko na crush si Nathan." WHAT! Kala ko ba always be Nathan siya? Hindi ako nakakibo dahil sa sinabi niya. Dati desperada siya kay Nathan at stalker, no offense, pero bakit ganun? Nag-give up na siya?
"Bakit? Kala ko ba siya lang at wala ng iba? Sino ng bago?" Tanong ko sa kanya, at umiling lang siya, "Wala eh. Sinasaktan ko lang ang puso ko. Hindi pa ako sure sa bago,"
"Sinasaktan? Ang puso mo? Bakit? Ano bang nangyari? Diba nga nung tinawag ko siya tinanong ka niya kung okay ka lang, anong nangyari?" Tanong ko, hindi ko muna pinansin ang sinabi niyang may bago siya,
"Thea, tinanong niya lang. Lahat naman yata ng tao, tinatanong niya kung okay lang. May nakita din ako sa mga mata kong grabe talaga." Sabi niya at niyakap ko siya dahil nagsimula na siyang umiyak,
"Magkasama sila ni Chelsea. Papunta sana ako sa canteen para kumain, edi pumasok na ako. Pagkakita ko, nakita ko silang kumakain ng magkasama, okay lang yun, baka nagdadate, wala naman ako sa puwestong umangal kasi hindi naman kami, so bumili na ako ng coke, syempre paborito. At nung paalis na ako, nakita kong nakatingin saakin si Chelsea, yung walang hiya. At yung pinakamasakit nun, hinalikan niya si Nathan. Umalis akong nakatingin sakanila, ako namang si tanga, tumingin pa. Kaya napatingin din saakin si Nathan." Sabi ni Dane, habang iyak na iyak,
BINABASA MO ANG
Another Piece Of My Heart
AcakSa buhay, hindi maiiwasan ang choices. Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagdadalawang isip. Mahirap mamili lalo na kung iba ang sinasabi ni UTAK sa timitibok na PUSO. Sa buhay ni Theanne Cortez, mapapaisip ka din kung sino ang pipiliin mo. Yung bang la...