"Okay class. Class dismiss."
Hay salamat, tapos nadin ang klaseng nagbibigay saakin ng stress.
"Ano, tara na?" Tanong ni Dane habang bitbit niya ang bag niya sa balikat. Tumango ako at sinabit ang bag ko sa balikat, at naglakad paalis ng classroom.
Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko ulit ang numb guy, okay aaminin kong ang gwapo niya, magulo ang buhok at maputi ang problema nga lang, kasingputi niya si Anjelo, pareho silang mukhang aswang! Pero yung buhok naman niya, yung parang kay Hiro sa Big Hero 6.
SHET ANG INIT! (niya)
Pero may epal, Si Anjelo. Oo nga ang lakas ng dating niya, at gwapo parang si Tadashi sa Big Hero 6, pero hindi ibig sabihin na may feelings ako para sakanya at sanay na akong magwapuhan sa isang lalaki.
"Hello." Sabi niya nang magover take siya sa harapan ko, ano bang problema nito? Kaya tinaasan ko ng kilay, tapos tumawa siya bigla, baliw?
"Tara labas tayo?" Sabi niya, at hindi parin natatanggal yung taas ng kilay ko, ano to lokohan?
"Okay, silence means yes, kaya tara." Hinila niya ako palabas ng school habang hawak hawak yung kamay ko pero tumigil ako sa paglalakad, at tinanggal yung kamay ko sakanya at naglakad pabalik at tumakbo palayo sakanya,
"Huy saglit lang!" Sigaw niya, pero hindi siya nakahabol at nakatakbo papunta saakin dahil ang daming babaeng nagtitilian, nagsilapitan at pasimpleng tumatabi sakanya, heart-throb? Hindi halata.
Ay tanga si Thea Cortez. Tumakbo ka nga palayo sakanya, saan ka pupunta? Gaga. Ay punta nalang kaya ako sa classroom? Ay sige, good decision, hindi ka pala tanga at gaga Thea.
***
Ay grabe! Ang dumi ng classroom parang binagyo, parang dinaan ni Yolanda! Dyos ko po, yung mga upuan nasa kabi-kabilang side ng classroom, yung mga papel na pinagkalatan kanina, nakakalat, halos parang gusto ko na yatang magswimming-sa papel-.
Pinulot ko lahat ng papel, naglinis at nagwalis. Ang hindi ko nalang ginagawa ay ayusin ang mga upuan, nakakahiya naman sakanila, ano!
Halos mag isang oras na ako maglinis dito, ganon kadami ang mga dumi! Hay nako, sabi nga nila diba, itapon na yung mga bagay na pakalat kalat lang, malay mo madapa ka pa at masaktan -char!
"Masipag ka pala." Nakakagulat naman yun! Walang kosinderasyon sa karamdaman ng tao dito oh! Pagtingin ko, shet. Si Numb Guy. Grabe, walang karea-reaction yung sinabi niya, ano ba to? Galit o hindi? Ang gulo naman nito!
"Oo ako pa? Pero Bakit parang galit ka?" Sabi ko, kasi gulong-gulo ako.
"Paano mo naman nasabi?" Sabi niya, at umupo siya sa isang upuan, hindi kami magkaklase eh, pero magkabatch kami, pero sayang parin. Ano ba tong pinagsasabi ko?
"Hindi ka nagsmile eh....." Sabi ko pero napatingin lang siya saakin, kaya napatingin din ako sakanya, staring contest lang ba ang type nito?
"Bakit mo hinahanap-hanap?" Tanong niya at juice colored, yung mga mata niya, nakakabilis ng tibok ng puso, tao ba to?
"W-wala. Hindi ko pa kasi nakikita yung smile mo, patingin nga!" Sabi ko at lumapit ako sakanya para malinaw yung view, pero bigla siyang tumayo at umalis, parang tanga yun, iba na talaga mga tao ngayon, masyado ng nasasanay mang-iwan. Totoo nga, numb guy nga yun, masyadong manhid kaya hindi nararamdaman yung sakit ng iniwan -char! Hahaha, kayo naman hindi kayo mabiro,
BINABASA MO ANG
Another Piece Of My Heart
RandomSa buhay, hindi maiiwasan ang choices. Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagdadalawang isip. Mahirap mamili lalo na kung iba ang sinasabi ni UTAK sa timitibok na PUSO. Sa buhay ni Theanne Cortez, mapapaisip ka din kung sino ang pipiliin mo. Yung bang la...