_Kinabukasan_
Wait. Bago ang lahat. Bago maligo at magpalit ng damit. Kailangan ko bang maging masaya? Kailangan ko bang tagalin ang mga problema nanggugulo saakin? Siguro yan ang gusto ng sarili ko kaya, kailangan kong maging masaya dahil birthday ko na ngayon. Hay!Bumangon na ako sa kama at kinuha ang tuwalya. Siguro ito na ang pagkakataong bumango. Ang baho ko na.
*ligo times*
*toothbrush times*Kinuha ko na ang damit kong nakahanger. Ang magkapares na jeans at P.E uniform ang pantaas. Yes, ang dami kong jeans noh? Halos kasi lahat ng damit ko ay jeans, malimit lang sa shorts at dress kaya.....
Pagkatapos kong suotin yung damit ko, kinuha ko na ang red kong converse, alam niyo na, sabi nila dapat magsuot ka ng red para sa birhday mo, kaya....
Bumaba na ako hawak hawak lang ang cellphone, wala na din naman kaming gagawin eh, kaya ang pinakapackage ko lang ay ang cellphone.
Bumaba ako at nakita ko na walang tao. Well, alam ko namang suprise yan. Kaya pumunta na ako sa kusina at nakitang wala parin sila. Wait, ibig sabihin hindi nila nalaman na birthday ko? Okay. Fine.
Pumunta ako sa rep para kumuha ng gatas at inumin, napaluha ako at may nakasulat na letter.
Thea!
Work lang kami ni mama! Lock mo nalang yung pinyo bago ka umalis. Love you😝.
Magsasabi na nga lang ng i love you, hindi magawa ng isang kuya. Wala, wala naman akong magagawa. Kaya kumuha nalang ako ng gatas at ininum.
Bago ako lumakad sa pinto nagsalamin muna ako bago lumabas, pinahiran ang luha at nagbuntong hinga.
Sa pagbukas ko ng pinto, "Happy Birthday!" Sigaw nilang apat. Oo, APAT! Napangiti ako ng hindi ko alam kung bakit basta nung makita ko lang si Mike. Ewan ko lang. Siguro natuwa lang ako.
Pero kahit nandun siya, hindi siya nagsalita. Ang sungit parin. Hindi parin bumati. Hay, hindi rin ngumiti. Emotionless parin. Nakasandal lang sa pader habang nakacross arms sa dibdib, bad guy thing.
"Kala ko hindi niyo na naalala. Kuya may pasabog pa sa harap ng rep! Napaiyak tuloy ako." Sabi ko kay kuya, pero tumawa lang siya at niyakap ako, "Syempre, hindi ko makakalimutan ang birthday ng kapatid ko. Pero okay na yun, umiyak ka naman eh."
Pinalo ko siya ng malakas as in parang nilabas ko na ang galit ko sa kanya. "ARAY!"
Napatawa nalang ako sa itsura niyang mukhang tae. "Sige na sige, male-late pa kayo sa school. Mamaya nalang natin icelebrate. Kung pwede, makikisabay nalang si Thea sayo Mike?" Tumingin si Ma kay Mike,
"Ay ma, magcocommute nalang po ako. Nakakahiya na po kay Mike, halos araw araw na din naman po akong nasabay sa-" Hindi ako pinatapos at sinabi ni Mike, "Okay lang po. Palagi na din naman po kaming sabay eh." Sagot niya pagalang pero yung mukha niya nakakatakot. Kelan ba to ngingiti?
"Sige na! Alis na kayo. Maingat ha!" Sabi ni ma habang sinusundan ko si Mike papuntang motor niya.
"Huy Mike, Tha-" Hindi nanaman ako pinatapos ni Mike at sinabing, "Tandaan mo wala parin akong pake sayo. Ginawa ko nalang yun dahil sa harap ng nanay mo. Okay." Sabi niya at sumakay na sa motor. Bwisit to ah. Mapalo nga!
BINABASA MO ANG
Another Piece Of My Heart
RandomSa buhay, hindi maiiwasan ang choices. Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagdadalawang isip. Mahirap mamili lalo na kung iba ang sinasabi ni UTAK sa timitibok na PUSO. Sa buhay ni Theanne Cortez, mapapaisip ka din kung sino ang pipiliin mo. Yung bang la...