Nang matapos yung kanta ni Anjelo para saakin, at syempre tapos na yung program namin, free time muna, kaya puwedeng pumunta kahit saan, kaya nga free time eh, free. At saka sabi din naman nila, Friday nadin naman daw ngayon at malapit na mag-intrams. Hay sarap ng buhay.
Basta ako, kahit anong free time, tutulog lang ako. Sarap kaya matulog! Napahikab ako at hiniga ko nanaman yung ulo ko sa kamay kong magkapatong,
"Matutulog nanaman siya." Sabi niya, alam kong si Anjelo yun,
"Mangungulit na naman siya." Sabi ko sa kanya, kasi alam ko namang kukulitin nanaman ako,
"Wag ka kasing matulog." Sabi niya habang pinipindot nanaman ako sa baywang ko,
"Ano ba!" Sabi ko sa kanya, at nagising ako dun ah!
"Wag ka kasing matulog."
"Bakit ba ayaw mo akong patulugin?"
"Ayaw kong mawala ako sa paningin mo."Ang korni naman nito. Nangliligaw palang yan ah. Nangliligaw palang.
"Wow, makapagsalita ka parang sinagot na kita ah." Sabi ko at napasimangot siya, "Hindi pa ba?" Tanong niya,
"Nangliligaw ka palang. Kaya pabayaan mo na akong matulog, matutulog lang yung tao." Sabi ko sa kanya at ihihiga ko na sana yung ulo ko sa kamay ko nang sinabi niya, "Puwede bang pumunta sa bahay niyo?"
"Anong sinabi mo? Pupunta ka sa bahay? Ayoko nga. Istobro."
"Basta bahala ka sa buhay mo. Ihahatid kita sa bahay niyo mamaya, at doon ko na din sasabihin na mangliligaw ako." Wow! Confident pa talaga siya ah. Pero kahit papaano, napapabelib niya ako sa mga aksyon niya, kasi yung ibang mga lalaki jaan, sa mga tabi-tabi, torpe.
"Seryoso ka ba talaga? Mamaya niloloko mo lang ako." Sabi ko at sumama ang tingin niya saakin at tanong niya, "Bakit ba ayaw mo maniwala?"
"Wala lang. Baka kasi niloloko mo lang ako." Sabi ko, "Pag ito talaga ay isang joke, papatayin kita. At tandaan mo, hawak ko ang pamilya mo." Dagdag ko,
"Patay na ako. Patay na patay sayo." Ang korni niya promise.
"Bahala ka sa buhay mo! Ang landi mo, Anjelo." Sabi ko sa kanya, at naglakad ako papuntang library pero may pumigil saakin, hawak hawak yung kamay ko ng mahigpit. Si Anjelo nanaman.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya,
"Wala ka na doon. Bitawan mo nga ako." Sabi ko sa kanya, pero hindi parin siya nagalaw sa puwesto niya, at mas lalo pa niyang hinigpitan yung paghawak sa kamay ko. "Ano? Hindi mo ako bibitawan?" Dagdag ko,
"Sige tara." Sabi niya sabay akbay saakin papuntang Library pero tumigil ako sa paglalakad. "May sinabi akong sumama ka?"
"Wala. Pupunta din akong library eh. Bakit ikaw lang ba ang puwedeng pumunta sa library? Sayo yun?" Sabi niya at ngumiti siya, napangiti na lang din ako, wala na din naman ako magagawa eh, kaasar!
"Palusot mo, bulok." Sabi ko sa kanya at tumawa ako, hanggang sa tumawa na din siya at naglakad na kami papuntang library.
Kinuha ko yung book na dati ko pang pinagaaralan sa library, hindi ako makaget-over eh. Ito namang si Anjelo, gaya-gaya din, kinuha niya din yung katulad ng kinuha ko at sinamaan ko siya ng tingin, "Gaya-gaya ka ba?"
"Hindi ah. Matagal ko na din tong pinagaaralan. Bakit? Ikaw lang ba ang puwedeng magaral nito? Hindi naman diba? Sayo ulit to?" Sabi niya, ARGH!
"Bahala ka na nga jaan." Iniwanan ko siya at pumunta ako sa isang table para magbasa, sumunod din tong si Anjelo, Pinabayaan ko nalang siya, na umupo sa harap ko, nagbasa nalang ako,
BINABASA MO ANG
Another Piece Of My Heart
RandomSa buhay, hindi maiiwasan ang choices. Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagdadalawang isip. Mahirap mamili lalo na kung iba ang sinasabi ni UTAK sa timitibok na PUSO. Sa buhay ni Theanne Cortez, mapapaisip ka din kung sino ang pipiliin mo. Yung bang la...