"Bakit mo ako ginaganito! Bakit? Tae ka! Walang hiya ka! Hayop ka!" Sigaw ako ng sigaw para matanggal yung galit ko sa kanya pero kahit anong gawin ko hindi parin mawala!
Ilang luhang maiinit na punong puno ng kalungkutan at kainisan ang tulyang tumutulo sa pisngi ko. Ang sakit. Ang sakit na malaman mo na yung taong mahal mo tatapusin lang ang isang relasyon sa isang walang kwentang tawag lang.
Bakit? Bakit mo ako iniwan? Bakit? May kulang ba saakin? Pinagpalit mo ba ako sa ibang babae? Ano? Shet! Ang dami kong gustong masagot na tanong!
Dumiretsyo ako sa isang pader at sumandal hanggang sa nagslide sa pader. Niyakap ko yung tuhod ko at umiyak ng umiyak.
Tae Anjelo, paano mo na gawa saakin to? Akala ko ba ako lang at wala ng iba? O sinabi mo lang yun dahil isang lokohan lang to para sayo.
Isang oras na akong hindi nababa doon. Isang oras na din akong naiyak dahil sa walang hiyang Anjelo na yun. Isang oras na akong gutom pero para saakin wala lang dahil ginagawa na akong manhid ni Anjelo. At sampung minuto ng kumakotok sila Kuya at sumisigaw ng 'Thea! Lumabas ka jan! Anong nangyayari.' Pero hindi ko sila pinapansin. Hindi ko sila kailangan.
Papa. Kailangan ko po kayo dito. Kailangan ko ng kaibigan. Kailangan ko ng taong makakaintindi saakin. Hindi ko maasahan si Dane para pumunta dito dahil alam kong nandun pa siya sa school.
Kailangan ko ng space. Kailangan ko ng place na kung saan kaya ako i-chill. Sabi nga ni Dane wag ko na daw gagawin yung ginawa ko kay Tom, yung nagtago at umiyak nalang sa sulok. Ayaw ko na din yun. Kailangan kong maging matapang. Kailangan kong maging malakas.
Bayaan mo na siya, Thea. Tandaan mo, isang gagong lalaki lang yun ulit. At sabi nga nila, bawat sakit na natatanggap mo, galing lang yun sa mga taong gago.
Nawala na din ang ingay sa labas, yung katok at sigaw nawala na. Buti naman naisip nila na gusto kong magisa. Kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita kong walang tao. Kaya nagmadali akong bumaba at tumakbo palabas. Kinuha ko bike ko at sumakay. Pinunasan ang luha saka nagpaandar.
Duniretsyo na ako sa place na kung saan alam kong magtatanggal ng stress sa buhay ko, ang playground.
Bumaba na ako sa bike ko at pinark muna. Pumunta na agad ako sa swing at umupo.
Pagkaupo na pagkaupo ko, nagbuntong hininga ako at dun ko naramdaman ang relief ng stress ko. Dumapi sa balat ko ang malalamig na hangin.
Hanggang sa may sumundot ng baywang ko........
"Huy! Bakit ka nagiisa?" Tanong ng lalaking nasa likod ko. Tumingin ako sa likod ko at nakita kong si Riley pala. Akala ko si Anjelo, shet ka Ry.
Tinignan ko ng masama si Ry at nagdikit ang mga kilay niya at sinabing, "Oh? Anong problema mo?"
"Shet ka. Pwede ba wag mong gagawin yung pagsundot sa baywang ko. Please." Sabi ko sa kanya ng seryoso.
Tinaas niya yung mga kamay niya sa taas para maging defense niya. Tumawa siya bigla at umupo sa tabi ko. Tumahimik nalang ako ulit.
"Anong problema ni baby Thea ko?" Sabi niya, nung tumingin ako sa kanya, nagact na siya ng parang tanga, nagkunwari na din siyang umiiyak.
Bwisit to ah. Napangiti ako sa ginagawa niya pero sinipa ko siya sa tuhod. "Ang sakit ah! Pero atleast napangiti kita." Sabi niya at ngumiti din,
"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko sa kanya ng pagalit.
"Kasi alam kong kailangan mo ng kaibigan." Sabi niya at dahil doon napangiti ako at napaluha. Tumawa nalang siya at sinabing, "Kahit kailan talaga ang iyakin mo!"
Hindi ako nagsalita at ngumiti lang. "Ano bang problema?" Tanong niya,
"Wala, wala nama-" Hindi niya ako pinatapos at sinabing, "Masamang magsinungaling, Thea."
"Okay! Fine! May nanloko kasi sa-" Hindi nanaman ako pinatapos ni Ry at sinabing, "Nanaman!"
"Alam mo Ry..........PATAPUSIN MO MUNA AKO!"
"Sorry."
"Niloko niya ako Ry. Iniwan niya ako. Tinapos niya lahat sa isang tawag. Ewan ko kung anong rason niya pero sana yung rason niya kadahil-dahilan naman. Hindi yung malaman laman mo na isang lokohan lang pala to sa kanya." Sabi ko at tumango lang si Ry at nagsign ng tuloy lang.
"Sabi niya, ako lang at wala ng iba. Pero anong ginawa niya ngayon? Oo nga, ako lang at wala ng iba pang masasaktan dito sa sitwasyon kung hindi ako lang at habang siya, chill at nagpapakasaya sa sitwasyon niya ngayon dahil free na siya. Ang sakit. Magdadalawang linggo palang kami, Ry. Magdadalawang linggo palang. Ang sakit. Shet siya. Tapos may pabigay-bigay pa siya ng kwintas na may sing-sing, pero hindi rin pala kami tatagal. Isipin mo Ry, diba ang sakit na sabihin sayo sa BIRTHDAY mo ha, BIRTHDAY mo saka niya sasabihin yung tatlong lintek na mga salita, ang break na tayo." Hindi ko na napigilan nang mapatigil ako sa pagsasalita ko at napaiyak na nga ng todo.
Naramdaman kong may yumakap sa akin at niyakap ko nalang din siya dahil alam kong si Ry yun. Hinawakan niya yung likod ko at narub at sinabing, "Okay lang yan, wag kang maging mahina dahil sa lalaking yun. Isang gago lang yun. At isang Theanne Cortez ka. Kaya mo yan." Sabi niya saakin at umalis sa yakap. Pinunasan niya ang mga luha ko at sinabing, "Dapat huling araw mo na tong iiyak ha. Pagikaw umiyak ulit susuntukin ko yung lalaking yun! Alam kong ayaw mo ng away. Kaya kung ayaw mong makakita ng away, wag ka ng umiyak." Sabi niya,
Napatawa ako sa sinabi niya, pero kahit alam kong nagpapatawa yung tono niya, alam kong tototohanin niya yun, kaya tumango ako at tumigil sa pagiyak.
"Buti naman napatawa na kita." Sabi niya at ngumiti siya saakin.
"Ry, pede bang magpromise ka saakin." Sabi ko sa kanya at tumango siya at ngumiti.
"Pede bang ipromise mo saakin na wag na wag na wag mong sasaktan yung girlfriend mo! Please? Kasi kung gagawin mo yun, mapapatay talaga kita." Sabi ko sa kanya at napatawa siya,
"Ehem, ehem, Tandaan mo, ang tagal na namin. Hindi po ako katulad ng ibang mga lalaki lalo na yung boyfriend mo!" Sabi niya,
"Excuse me sir, EX po, EX." Sabi ko sa kanya at ngumiti siya, "Buti naman tinatanggap mo na. Medyo malapit ka na din mag move on ah!" Sabi niya,
Nabago agad ang mood ko hindi ko alam kung bakit pero parang naging seryoso, "Um, pedeng pagusapan nalang natin to sa susunod, kasi birthday ko naman ngayon eh, wag na muna natin siya pagusapan. Ayoko na." Sabi ko kay Ry,
Tumayo siya at sinabing, "Okay, tara na. Hinihintay ka na sa bahay mo. Nagaalala na silang lahat."
Inirapan ko siya at magsasalita na sana ako ng magsalita siya, "Opopop! Walang aayaw. Tara na at naghihintay na silang lahat!"
"Okay! Fine!"
BINABASA MO ANG
Another Piece Of My Heart
RandomSa buhay, hindi maiiwasan ang choices. Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagdadalawang isip. Mahirap mamili lalo na kung iba ang sinasabi ni UTAK sa timitibok na PUSO. Sa buhay ni Theanne Cortez, mapapaisip ka din kung sino ang pipiliin mo. Yung bang la...