Chapter 15

16 1 0
                                    

Pagkatapos namin manood ng Insidious 3, laking pasasalamat ko na ginawa nilang Big Hero 6. Ewan ko ba, basta sinaggest lang ng mga ibang babae saamin, ang gwapo daw kasi ni Tadashi at Hiro. Well, totoo naman eh.

Tumingin ako kay Anjelo at antok na antok nanaman siya, parang nangyari lang kahapon, March 19.

Umalis ako sa yakap ko at tinitigan ko muna siya, para malaman kung tulog na ba siya o hindi. Okay, good. Good. Tulog na siya.

So pumunta ako sa harapan niya at nilagay ang upuan ko para makaupo ako.

Ang cute niyang matulog, nakahiga yung ulo niya sa dalawa niyang kamay na magkapatong. Para siyang bata.

"Anjelo......" Bulong ko sa kanya, pero alam kong hindi niya maririnig, pero mas okay na yun. Walang mangaabala.

"Sana hindi ka magbago....." Sinabi ko yun habang yung mga daliri ko tinataas yung buhok niya.

"Wag na wag mong iisipin na iiwanan kita. At wag na wag mong sasabihin na iiwanan mo ako, mapapatay talaga kita. Sino mang umabala saatin, yung mga sira ulong mga tao, katulad ni Chelsea. Ay, si Chelsea hindi lang sira ulo yun, t*ng*ng g*g* yun eh. Opps, sorry. O kaya yung mga taong mukhang pokpok, yung sinayawan ka, sana wag na wag mo akong pagpapalit doon ha.

Sana, wag kang magsawang mahalin ako. Okay, alam kong masyadong madrama yung mahalin na word, pero yun eh. Sana walang sinungalingan pagdating sa mga bagay bagay. Sana walang secrets between saatin. Pagikaw talaga nagsinungaling, piputulin ko yung dila mo na may kasama pang sabunot na malakas. Joke lang, alam mo namang hindi kita kayang saktan diba. Oo alam kong nasaktan na kita, sa pagpalo, kurot, pero sabi mo naman diba, past is past. Kaya alam mo na, kalimutan mo na yun.

At tanda mo pa ba yung sinabi ni ma? Yung sinabi niyang nagkagusto ako sayo nun? Oo, totoo yun. Nagkagusto ako sayo. Alam mo kung bakit? Bukod pa sa cute ka, at hmm, bukod pa sa gwapo ka, niligtas mo kasi ako nun. Prinotectahan mo ako sa pangaapi ng ibang kaklase natin. Ewan ko ba, basta nakuha mo ako. Nakuha mo yung loob ko. Nakuha mo yung puso kong natunaw nung niligtas mo ako.

Sana wag kang aalis sa tabi ko. Wag na wag mo akong iiwan. Mahal na mahal kita, Anjelo. Mahal na Mahal."

Pagkatapos kong magsalita, hinalikan ko siya sa noo at sa ilong, at napaluha ako sa ginawa ko. Tinaas ko ulit yung buhok niya, at hinalikan ko siya sa pisngi. Hindi ko alam kung bakit ako naiyak,

"Sabi na eh, may gagawin ka nanaman pagnagtulog tulugan ako." Shet. Gising siya? Kala ko pa naman tulog? Hay, Thea. Ang tanga tanga mo. Kaya pinunasan ko kaagad yung luha ko,

"Oh! Bakit ka umiiyak? Alam mo namang ayaw kong nakikita ang Thea kong umuiyak diba?" Sabi niya at hinawakan niya yung pisngi ko habang pinupunasan niya ang mga luha ko,

"Ikaw kasi....." Sabi ko sa kanya at yung mukha niya, takang taka sa sinabi ko, "Oh, bakit ako?"

"Ikaw kasi, nakuha mo ako." Sabi ko sa kanya, at napangiti siya, at mas lalo niyang nilapit ang mukha ko sa kanya,

"Mahal na mahal kita, Thea." Bulong niya saakin at hinalikan niya yung noo ko,

"Oo, alam ko naman eh." Sabi ko sa kanya at hinalikan ko ang ilong niya,

"At alam ko na din lahat dahil sinabi mo na ang lahat kanina. Sige, promise. Hinding hindi kita iiwan. At nainlove ka na din pala dati saakin ah," Sabi niya, napalayo ako sa kanya at nagtanong, "Narinig mo ba ang lahat?"

Ngumiti muna siya at tumango. Shet. "Ang ibig sabibin mo, gising ka, buong magdamag?" Tanong ko ulit sa kanya,

"Yup." Sabi niya at tumawa na lang siya, "Tae ka! Ang galing mong aktor." Sabi ko sa kanya, at tawa siya ng tawa.

"Wag kang mahiya. Alam ko namang mahal na mahal mo ako noon pa eh." Sabi niya, wow, kapal!

"Ewan ko sayo!" Sabi ko sa kanya at pinisil ko ang ilong niya, bago bumalik sa puwesto ko kaninang nasa gilid niya,

Hinawakan niya yung kamay ko, "At mahal na mahal din kita." Sabi niya at hinalikan niya ako sa pisngi. Feeling ko ang dami ng germs sa mukha ko! Halik siya ng halik eh! Yung laway niya! (Joke lang)

Magsasalita sana ako at magrereact, pero umalis agad siya at pumunta kayna Shon. Hay! Anjelo talaga.

Lumapit saakin si Dane ng onti at bumulong, "Ano, nainlove ka na ba talaga?" Tanong niya saakin,

"Hmmm..." Wala akong masabi,

"Well, silence means yes. So ano na nga ba?" Sabi niya, "Anong ano na nga ba?" Binalik ko yung tanong sa kanya,

"Ano bayan, Thea! Kaibigan mo ako! There's nothing to fear! Kilala kita!" Sabi niya, OA naman nito,

"Okay. Sige aamin na ako. Oo eh, nahulog na ako sa kanya." Sabi ko sa kanya at ngumiti siya saakin,

"Sabi ko na eh. Dati sabi mo, alam mong hindi siya mafafall inlove sayo. Pero tignan mo, matagal na palang nagpapansin sayo, hindi mo lang napapansin." Sabi niya at napangiti lang ako,

"Kaya pagikakasal ka na ha... alam mo na...." Dagdag niya, kaya binigyan ko siya ng batok, Ang OA niya nga.

"Dane! Kasal agad!" Sabi ko sa kanya, tumawa lang siya.

"Tapos sabi mo diba, ayaw mong dumaan sa ganito kasi ayaw mong masaktan." Tumango nalang ako para sumangayon kasi totoo naman eh,

"Well, you've step up. Nandito ka na. Kaya mo na. At wag na wag mong iisipin na lahat ng lalaki, ay katulad ni Tom. Yang Tom na yan, walang kwenta yan! Pinakawalan ang babaeng alam kong papasiyahin siya. Gago siya. Walang Hiya siya. Tanga siya. Bobo siya. Okay, alam kong masama lahat yun pero totoo lahat yun. Alam kong ibang iba si Anjelo kay Tom. Halata naman eh. Si Tom ay isang taong nasira ang ulo. Oo gwapo siya. Pero hindi siya kasing gwapo at kaugali ni Anjelo. Alam mo yan. Niligtas ka pa nga niya diba? Pero kung magkakamali akong magkaiba sila, well doon ka na magwala. Doon mo na siya balikan ng sakit. Wag mong gagawin yung katulad ng ginawa mo kay Tom, nagtago ka lang at hindi lumaban, umiyak ng umiyak hanggang sa naubos ang tubig sa mata mo. Dapat tumayo ka. Dapat lumaban ka. Dapat h-" Hindi ko na siya pinatapos, kasi parang ang weird,

"Ano yun, Dane? Wag mo ng ibalik pa!" Sabi ko sa kanya,

"Oo nga noh. Anong pinagsasabi ko? Pero basta, wag kang magalala, nandito lang ang bespren mo para tulungan ka, kung may mananakit nanaman sayo, resbakan lang natin. Ako bahala doon." Sabi niya saakin at natawa naman ako sa sinabi niyang resbak.

Napatingin ako kay Anjelong nakikipagusap sa mga kaibigan niya,

"Sige na. Alam ko namang nanjan ka lang para saakin eh. At sana, Sana ha, Hindi ako iiwan ni Anjelo katulad ni Tom na pinagpalit ako sa isang babae. Sana hindi niya ako iwan katulad ni Tom na iniwan ako sa Ere. At sa ngayon, alam ko namang hindi niya ako iiwan, pababayaan, at laging siyang nanjan para saakin." Napatingin saakin si Anjelo, at napangiti saakin,

Sana hindi mo ako iwan, Anjelo.....












Another Piece Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon