"Oh Anak! Saan ka ba nagpunta? Bakit ka biglang nawala? Ayaw mo din buksan yung pinto-" Hindi ko na pinatapos ang walang tigil na bibig ni mama at sinabing, "Ma, pinuntahan ko lang po si Ry, namiss ko lang po." Sabay turo kay Ry na nasa tabi ko.
"Si Ry na ba ito?" Sabi ni ma na may kasama pang paglaking mata at yakap kay Ry.
Well, oo nga naman, matagal ko ng hindi pinapansin si Ry dahil nga sa alam niyo na, feelings ko para sa kanya,
"Opo, Magandang tanghali po sainyo." Sabi ni Ry kay ma, pagkatapos nun, bumitaw na din si ma at nginitian si Ry, sabay tingin saakin at bumalik kay Ry ang tingin, "Ry, alam mo bang umiyak tong si Thea nung nalamang may girlfriend ka na?" Nanlaki ang mata ko nung sinabi ni ma yun, "Ma...."
Na sense kong tumingin sa akin si Ry kaya napatingin din ako sa kanya, alam kong natatawa na siya kaya sinuntok ko siya sa braso ng lokohan, "Kaya pala di mo na ako pinansin ha!" Sabi ni Ry,
Bwisit. "Uh-uh, Kainan na!" Sigaw ko.
Napataw nalang si Ry at Nagunahan na kami sa mga pagkain at pumunta na agad ako sa paborito ko simula pa nung bata pa ako, none other than, HOTDOGS.
Nilagay ko na ang pagkain ko sa plato, na may hotdog, chicken, pesto, cake, tempura, hashbrown, sisig, at syempre PIZZA. Cause, pizza is my bæ. At siguro mamaya kukuha pa ako ng pagkain mamaya. Ang sarap.
Sa mga oras na ngayon, habang kumakain ng marami, ang sarap sabihin sa maraming tao na,
Don't Judge Me.
"Thea, okay ka lang? Halatang halatang hindi ka gutom." Sabi ni kuya, sabing don't judge me eh.
Pagtingin ko sa plato niya, muntikan na ako mapahiga dahil sa kakatawa, "Grabe, hiyang hiya ako sayo." Halos nasa plato niya na lahat ng handa sa table, kuya talaga.
Napailing nalang ako at pumunta sa sala. Kumain na ako, sinumulan sa hotdog, napunta sa chicken, naubos ang chicken, kumain ng pesto, cake, tempura, hashbrown, naubos ang hashbrown napunta sa pizza at last but definitely not the least, ang sisig. Ang sarap. Pero bakit ganun, hindi parin ako busog. Well, bayaan mo na.
Wait, wait, wait. Natapos na akong kumain pero wala si, Mike? Nasaan na yun? Wait.
Tumayo ako at pumunta sa kusina at nilagay ang plato sa lababo. Tumingin ako sa kay Ry at kuya, punong puno ang mga banganga, hay nako, P.G.
Papaakyat na sana ako sa kwarto pero sumigaw si Kimy ng, "You really look good at your dress Thea!" Nginitian ko nalang siya at dumiretsyo sa kwarto.
Sa paglalakad ko papuntang kwarto, may narinig akong natawa. Ang cute. Sumilip ako sa onting nakabuka sa pinto, nakita ko si Mike. Yung ngiti niya, iba talaga. Ewan ko ba kung bakit niya tinatago yang mga ngiting niyan.
Nilinawan ko yung mata ko at tinignan ko yung pinagtatawanan niya, Shet! Yun yung worst picture ko nung bata ako, yung nakangiti ako nung nawalan ako ng dalawang ngipin sa unahan.
Tumakbo agad ako sa harap niya at kinuha sa kanya yung frame nung pic ko. "Shet, bakit ka nangingialam?"
"Hey, don't curse. Ang cute mo kaya." Sabi niya saakin habang nakangiti, shet Mike kung palagi ka lang nangiti,
"Bakit ka ba nandito?" Sabi ko sa kanya na kunyaring pagalit.
"Kelan yang picture mo? Ang cute mo dun." Sabi niya binaliwala niya lang yung tanong ko, at hindi niya pa inaalis ang ngiti sa mukha niya, kaya sa pagkakataong ito, kinuha ko yung phone ko at pasimpleng binubuksan ang camera, at habang di niya pa inaalis yung ngiti niya dun ko na siya pinicturan, CLICK.
BINABASA MO ANG
Another Piece Of My Heart
RandomSa buhay, hindi maiiwasan ang choices. Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagdadalawang isip. Mahirap mamili lalo na kung iba ang sinasabi ni UTAK sa timitibok na PUSO. Sa buhay ni Theanne Cortez, mapapaisip ka din kung sino ang pipiliin mo. Yung bang la...