Chapter 9

35 3 0
                                    

*Sunday Morning*

Hay! Anong pedeng gawin, wala si ma, para magingay. Parang wala si kuya dito sa bahay, kasi busy sa pagaasikaso ng trabaho niya at ayokong mang-istobro.

Nakatunganga lang ako sa patay na TV sa harapan ko habang nakahiga ng tahimik. Wala naman yung teacher namin para bilangin ko yung mga pimples niya. Ang dami kaya! Para bang yung mukha niya ay isang work of art (ng pimples).

Wala din naman si Anjelo para mangulit saakin, pero okay nayun para sa katahimikan ng mundo ko.

ANONG PWEDENG GAWIN SA BUHAY?

*Ayoko naman manood ng tv, masyadong boring ang palabas ngayon pag umaga.

*Ayoko munang gumamit ng mga gadgets kasi nakakatamad

*Gutom ako pero ayokong kumain, ang gulo ko noh.

Ano pa bang choices? Sumayaw? Hahaha, tanga ka ba Thea? Sige, sumayaw ka at maging baliw, ang galing ko din magbigay ng suggestion eh noh.

Ah alam ko na! Maliligo muna ako, ang baho ko na pala.

***

Ahh! Refreshing! Ang lamig, feeling ko alive na alive na akong gumawa ng kahit anong bagay dahil tapos na akong maligo at ang bango bango ko na.

Nagbihis ako ng dress na may kulay na black, white, at blue, hindi ko alam kung bakit ko sinuot to, pero parang gusto ko lang yatang magmodel,

Sinuot ko na din yung high heels ko para magmukha talaga, alam kong mukha akong tanga sa ginagawa ko pero, wala na akong magawa eh, boring kasi.

"Ladies and Gentlemen, may i present myself to all of you, i'm Theanne Cortez. Proudly present the Philippines!" Gumawa ako ng intro ko,

Wait, wait, wait. Kala ko ba model hindi contest? Hay, bahala na nga lang. Rumampa ako, mula likod hanggang papuntang salamin,

Kumembot kembot ang puwet ko, para bang Ms. Universe lang ang peg,

Naaalala ko pa dati, ginagawa ko to pero hindi totoong dress ang suot ko, kumot lang na nakapatong na may kasamang tsinelas na Dora. May paclip-clip pa akong nalalaman.

May intro din ako nun, pero sari-sari lang ang sinasabi ko, malay ko ba. At one of the embarassing moment ko ay nakita ako ni kuya nagmomodel, inasar niya ako ang pangit pangit ko naman daw, bakit naman daw ako magmomodel? Aba! Atleast may pangarap.

Pero seryoso ako, lokohan lang to, hindi ako magmomodel, ang corny kaya ng buhay ng mga model. Kahit alam kong marami silang nagiging boyfriend na pogi, so what? Mabuting maging single. Hindi nasasaktan. Pero ang sakit din pag wala kang kasama habang buhay? Ang gulo.

Tok tok tok.

Ano ba! Bakit ba ang daming nakatok? Nakakainis na ah! Edi sana hindi nalang ako naglagay ng pinto kung gusto din naman pala nilang pumasok at mangistobro. Ay oo nga pala, si kuya nga pala nandito na. Kaya naglakad ako papuntang pintuan at pinagbuksan ng pinto, sabi ko na si kuya eh.

Napatingin lang siya saakin, "Bakit? Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya, pero ngumiti lang siyang parang natatawa.

Bakit ba to natatawa, may prob- Shet. Nakadress nga pala ako. Bakit hindi ko naalala? Hay! Nakakainis.

Another Piece Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon