Kinabukasan, nagising ako sa sobrang lamig ng aircon, pero sakto din naman yung paggising saakin ng aircon, umaga na din naman. May sikat na ng araw eh. Good Morning Thea!
Habang nasisilaw sa araw at natutunaw ang mga mata ko dahil dito, nagvibrate ang phone ko, nagtaka naman ako, bakit naman magva-vibrate to? Pagkabukas ko ng phone,
New Event for today!
New event? Anong event ngayon? Kala ko naman may nagtext na eh. Inunlock ko yung phone ko at binuksan ko sa calendar, napaluha ako ng magflashback ang lahat ng makita ko ang event ngayon,
!!Pa's BIRTHDAY!!
Oo nga pala. Kaya pala nagparamdam saakin si pa kagabi,
"Pa, happy birthday. Alam mo naman pong mahal na mahal kita. Ikaw ang da best sa lahat ng mga tatay sa buong mundo. Alam mo namang walang makakatalo sayo diba, pa? Ikaw yan eh. Sana hindi ka magsawang bantayan kami ni kuya. Sana lagi kang nanjan para saakin, para samin nina mama." Kinausap ko nanaman yung pic ni pa,
Magsasalita pa sana ako ng may kumatok sa pinto,
Tok Tok Tok
Tumayo ako galing sa kama at naglakad papuntang pintuan, pinagbuksan ko ng pinto habang nagru-rub ng mata ko na may kasama pang hikab, at ito ang sumalubong saaking tanong,"Namiss mo ba ako?" Isang lalaking pamilyar ang narinig ko sa harapan, napatingin ako sa kanya at napatitig muna, at niyakal ko siya!
"Ay oo nga, namiss niya ako." Sabi niya, at yung tinutukoy ko ay si,
"Mark!" Sinabi ko ang pangalan, habang niyayakap ko siya ng mahigpit,
"Anong Mark lang? Kuya." Oo yan si Kuya Mark. Yan ang masipag kong kuya. Nagaral siya sa ibang bansa para makapagtapos ng maayos, pero kung akala niyong galing yun kina ma, nagkakamali kayo.
Nagipon siya ng nagipon hanggang sa dumami na yung pera niya, ginawa niya yun dahil sabi niya, siya na daw ang tatayong tatay saamin ni mama bago nawala si papa. At dahil doon, naging isa sa mga inspiration ko si kuya. Ang galing niya, noh? Proud sister naman ako, hahaha.
"Ikaw ah, nawala lang ako, nawalan ka na agad ng galang." Sabi niya at napatawa lang ako, "Kakain na daw sabi ni ma." Dagdag niya, so kanina pa siya dito?
"Teka, kailan ka pa dumating dito? Anong oras? Bakit hindi ka nagpasundo saamin sa airport?" Tanong ko sa kanya,
"Chill, gusto ko sana ng Suprise eh. Atsaka nabalitaan kong busy ka daw sa manliligaw mo. Yes naman si Thea." Asar niya,
"Paano mo nalaman yun? Ikaw ah, pumunta ka lang sa ibang bansa naging chismoso ka na ah!" Asar ko din sa kanya, pero ginulo niya lang ang buhok ko at ngumiti,
"Pero ang napagtataka ko lang, bakit kaya siya nagkagusto sayo? Bulag bayun?" Asar niya nanaman kaya binatukan ko siya, "Aray!" Buti nga sa kanya.
Tumawa siya ng malakas, para bang wala ng kinabukasan. Pero bumaba na kami para kumain.
Nagdasal muna kami bago kumain at nagsimula nang tumira ng pagkain na niluto ni ma, "Kuya, kamusta ang ibang bansa?" Sinimulan ko na,
"Mahirap. Pero iniisip ko nalang kayo para sipagin ako." Sabi ni kuya, aw! How sweet! "Kasi pag iniisip kita Thea, natatakot ako, para bang kakainin mo na ako." Dagdag niya, okay na sana eh!
"ANG SAMA MO SAAKIN NGAYON!" Sigaw ko sa kanya, habang natawa, at hindi ko alam kung bakit, loka-loka na yata ako, o sadyang masaya lang ako na nandito na si kuya.
Kaya nagusap-uasap pa kami tungkol sa mga pangyayari sa isa't isa.
At dumagdag pa to, "Sino nga ba ang nangliligaw sayo, Thea?" Tanong ni kuya,
At sumagot naman ang madaldal kong nanay, "Nako! Mark kung makikita mo lang ang nangliligaw jaan, ang gwapong bata." Siryusli, ma?
"Anong pong pangalan ma?" Tanong ni kuya kay ma, "Ma, wag niyo nalang sa-" Hindi ako pinatapos ni ma at sinabing, "Si Anjelo, yung crush niya dati pa. Yung kinukwento niya palagi."
"Wow! Ma, thanks." Sabi ko, sasabihin ko sanang wag sabihin hindi manlang ako pinatapos,
"Your welcome anak." Ma! Kung hindi lang kita mahal, hay buhay, ang saya! Grabe! "Ay! Bilisan niyo ng kumain. May pupuntahan tayo." Sabi ni ma, "Pupuntahan natin ang tatay niyo." Dagdag niya,
"Walang iiyak sa mag-ina ko ha. Kung hindi, manlilibre." Sabi ni kuya, tumawa nalang ako, kuya talaga. Pero sa sinabi niyang yun, naalala ko si pa.
"Nako, hindi ko yan kaya, anak. Sige na, gayak na kayo bago pa tayo mahuli sa misa. Hindi ako puwede sa Sunday eh, may pasok ang nanay niyong masipag." Tumango nalang kaming dalawa ni kuya, para makaligo na.
***
Ngayon, nasa tapat na kami ng puntod ni papa, na may tigitigisang bulaklak na iaalay namin sa kanya,
Anthony Cortez
Born: March 16 1980
Died: May 16 2013Sino bang anak ang hindi maiiyak kung makikita mo ang puntod ng isang mahal mo sa buhay? Pa, namimiss na kita.
"Pa, halos mag 3 years ka ng wala. Sana masaya ka jaan sa kabilang buhay. At tinupad ko pa ang pangakong magtatagumpay ako para sa kinabukasan ko po at kinabukasan ni Thea at ni ma. Pa mahal na mahal po namin kayo." Sinimulan ni kuya, at pagtingin ko sa kanya, naiyak siya!
"Ikaw ang manlilibre, naiyak ka na. Tignan mo to." Sabi ko sa kanya at tumingin siya at pinunasan yung luha niya, "Ikaw din eh." Sabi niya, huh? Ako din? Paghawak ko sa mukha ko, oo nga, basa! Tumawa nalang siya,
"Pa oh, si kuya!" Sabi ko, "Hala!" Sabi ni kuya.
"Tumigil na nga kayo." Sabi ni ma, pagtingin namin kay ma, naiyak na din siya, niyakap namin siya ni kuya, at kumalas din kami bigla,
"Pa, you'll always be our best dad." Sabi ni ma,
"Pa. Mahal na mahal ma namin. Kahit wala ka na ngayon, alam naming nandito ka sa tabi namin at nakiki-iyak din, walang papalit sayo pa, tandaan mo po yan." Sabi ko,
"Pa, happy birthday!" Bati naming lahat kay papa, at isa isa kaming naglagay ng bulaklak at nagsindi ng kandila sa tabi,
Hindi rin kami magtatagal dahil papasok pa si kuya sa trabaho niya, kailangan daw eh, kakasimula niya palang daw kasi magtrabaho kaya yun.
Nang paalis kami, may nakita akong pamilyar ang mukha, si ano bayun, si ano.....?
"Mike?" Bulong ko sa sarili ko, siya bayun? May binibisita din siya dito? Sino kaya binibisita niya? Parehas pala kami eh.
"Anong sabi mo Thea? Anong problema?" Tanong ni kuya, sabay akbay sa balikat ko, siguro narinig niya yung sinabi ko.
"Ah! Wala kuya. Tara na." Sabi ko at tumango siya, naglakad na kami pa sakay ng tricycle papuntang simbahan, pero hindi ko parin inaalis yung mata ko kay Mike na nakatalikod at nakaharap sa isang puntod,
Pero wait, hindi pa ako sure kung si Mike ba yun o hindi eh, siya ba talaga yun? Hmmmm...
BINABASA MO ANG
Another Piece Of My Heart
De TodoSa buhay, hindi maiiwasan ang choices. Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagdadalawang isip. Mahirap mamili lalo na kung iba ang sinasabi ni UTAK sa timitibok na PUSO. Sa buhay ni Theanne Cortez, mapapaisip ka din kung sino ang pipiliin mo. Yung bang la...