Chapter 25

18 3 1
                                    

Nagpalipas ako ng ilang minutes sa canteen kahit labag yun sa hinihiling ni ma'am. Nakakainis naman kasing pagalitan ka na wala ka namang kasalanan, ikaw pa yung sisisihin kahit hindi naman ikaw yung may gawa.

Oo, alam kong may ginawa akong kasalanan pero hindi naman ako ang nagpasimuno nun eh, si Mike ang hindi pumapansin saakin, pinaalis pa nga ako. Bakit ba palagi akong rejected? Rejected, huh?

Hanggang sa naisipan kong bumalik nalang sa library ng patago,

You know, Good girls are Bad girls that haven't been caught.

Tumakbo ako papasok ng library, pero sa pagtakbo ko nakita kong papunta nadin si ma'am. Lord, tulungan niyo po ako!

Paano na to? Ay yan na! Tumigil at kinausap yung adviser namin. Thank you po Lord. Kaya tumakbo na ako ng mabilis papuntang library, at tumabi kay Mike. Para lang ipakitang walang nangyari.

"Kita mo, ganyan talaga kayong mga babae, magwawalk-out pero babalik din. Gulo niyo." Sabi niya, still walang emotion.

"Hindi kasi ako nagwalk-out." Sagot ko at umirap sa kanya.

"Ano yun?" Tanong niya with his killer eyes.

"Nagutom lang ako. Buti nga bukas yung canteen eh. Ang sarap kaya, tara gusto mo? Pwede naman eh, samahan kita kung nagugutom ka. Libre ki-" Napatigil ako dahil sa pagsulyap ko sa kanya, hindi ako makapaniwala,

Ngumiti siya.

Pero yung ngiting yun, nawala din nung nalaman niya nakatingin ako, "Totoo ba yung nakita ko?" Tanong ko ng pagulat,

Isang Mike Dela Cruz ang FINALLY ngumiti sa harap ko!

"Bakit?" Tanong niya, at pagalit pa siya ha!

"Ngumiti ka eh! Yes naman! Ngumiti ka na!" Sigaw ko sa library kaya napagalitan pa ako mg librarian, tumungo nalang ako sa kahihiyan.

"Isa ba akong hindi normal na tao para hindi ngumiti?" Tanong niya,

"Oo, diba ikaw si Numb guy?" Sabi ko sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin at para bang hindi niya alam yung nangyayari sa mundo, hindi niya ba alam na yun ang tawag sa kanya?

"Numb guy? What the hell are you talking about?" Sabi niya, paenglish english pa siya at pagalit, pero pasalamat na ako dun atleast may emotion na siya ngayon.

"Wala ka daw kasing pakiramdam. Manhid ka daw kasi." Sabi ko sa kanya at napatawa nalang ako, at feeling ko hindi niya parin gets ang sinasabi ko.

"Alam mo wag nalang natin yun pagusapan. Pagusapan nalang natin lahat ng kailangan nating pagusapan." Sabi niya, tumango nalang ako at ngumiti sa kanya, akala ko panaman ngingiti din siya saakim pero bumalik nanaman siya sa pagkanumb.

"So, ako na bahala sa sasabihin natin. Ay hindi! Dapat tayong dalawa." Sabi ko,

"Ikaw nalang." Sabi niya, tamad?

"Sige, pa ano pag nilagyan ko ng, ladies and gentlemen, i'm Theanne Cortez and this is Mike Dela Cruz, proud to present the Philippines," Niloko ko siya,

"He-he-he, nakakatawa. Umayos ka nga." Sabi niya, okay, fine! Magseseryoso na po!

"So, anong talent mo?" Tanong ko sa kanya, pero binigyan niya lang ako ng weird na mukha para bang sinasabi ng mukha niya na 'bakit kailangan mong malaman?',

"Wag na muna natin yun pagusapan, iba nalang muna." Sabi niya,

"Okay. Fine. Sorry po. Ano pa ba? Wala na din naman eh." Sabi ko sa kanya, ano pa ba?

Another Piece Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon