"Ano, masarap noh?" Tanong niya, at infairness, ang sarap talaga ng pancakes na ginawa niya. Kaya tumango nalang ako para sumangayon,
"Boyfriend mo nga yata to." Sabi niya at napatawa ako, masyado naman niya pinapamukha.
"Oh bakit ka natawa?" Sabi niya saakin at tinaasan niya ako ng kilay, aba, kaya niya!
"Wala lang, masaya lang ako." Sabi ko sa kanya pero feeling ko, ang sama talaga ng pakiramdam ko, ang sakit ng ulo ko eh,
"Masaya bakit parang ang lungkot mo?" Sabi niya,
"Masaya nga eh, paano magiging malungkot?" Sabi ko sa kanya at ngumiti ako, ang labo ng paninhin ko,
"Huy, okay ka lang?" Tanong niya at tumabi siya saakin, "Oo wag mo akong pansinin, papansin lang tong pakiramdam ko sayo." Sabi ko sa kanya,
"Buti pa yang pakiramdam mo nag papapansin, pero ikaw, kahit isang galaw manlang, hindi mo magawa." Sabi niya, hay si Anjelo, nagdrama nanaman.
"Yun ang hindi mo alam." Sabi ko sa kanya at binigyan niya ako ng nagtatakang mukha,
"Sige aminan na to. Alam mo bang kaya ako lapit sayo ng lapit dati kasi nagpapansin ako?" Sabi ko sa kanya pero binigyan niya lang ako ng, "Weh?"
"Yan kasi, may Chelsea ka pa dati." Sabi ko sa kanya at binigyan ko siya ng onting tawa,
"Anong Chelsea? Hindi ko naman naging crush yun eh. Hindi ko rin siya type." Sabi niya, "Sus, maniwala. Kalat kaya yun." Sabi ko sa kanya,
"Ngayon ko lang nalaman na ang girlfriemd ko, ay isang chismosa." Sabi niya, wow! Kapal, narinig ko lang yun kay Dane noh! Okay, narinig, chismosa din yun pero, iba naman ako noh!
"Bakit hindi ba totoo?" Sabi ko sa kanya, at umiling siya at sinabing, "Hinding hindi."
"Bakit sabi nila?" Tanong ko sa kanya,
"So maniniwala ka sa iba?" Tanong niya, kaya niloko ko siya at sinabing, "Pwede na rin."
Sinamaan niya ako ng tingin, "Alam mo bang crush kita noon pa. At walang wala akong sinasabi na crush ko yun. Kahit tanongin mo pa sa tropa ko." Sabi niya, wow tropa. Astigin si kuya.
"Sige, tatawagan ko sila." Sabi ko at timango lang siya at parang walang kaba ah. Sige pag ito talaga.
Kinuha ko na ang phone sa pocket ko syempre, hinding hindi ko iiwan ang phone ko kahit saan, pero bakit ganun? Buti pa ang phone pinagiingatan, wala kang planong iwala o iiwan lang sa ere. Buti pa ang phone, pagnawala talagang magaalala, pero pag ako, parang baliwala lang. Char.
Phone dialing.....
Matthew😎😎😎"Yo! Ang aga aga, tatawag ka."
"May gusto lang sana akong
tanongin sayo,""Go, continue, nakikinig ako."
"Si Anjelo kasi...."
"Anong problema kay Anjelo?"
"May tatanong sana ako tungkol
Kay Anjelo....""Secrets? Sure go.. wag ka nalang
Maingay na sinabi ko ha, haha."
BINABASA MO ANG
Another Piece Of My Heart
AcakSa buhay, hindi maiiwasan ang choices. Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagdadalawang isip. Mahirap mamili lalo na kung iba ang sinasabi ni UTAK sa timitibok na PUSO. Sa buhay ni Theanne Cortez, mapapaisip ka din kung sino ang pipiliin mo. Yung bang la...