Chapter 10

24 2 0
                                    

Ano ba naman yan, nasa SM na naman kami. Buti nalang nagmodel ako kanina na parang loka-loka, atleast nakabihis na din ako.

"Ayos yung suot mo ah." Sabi niya, syempre, Si Thea yata to.

"Ako pa," Sabi ko na may full confidence, napangiti lang siya, makangiti parang hindi naniniwala. Loko-loko to.

"Bakit ka nakabihis ng ganung kaaga?" Tanong niya, Boom! Paano ko sasabihin to? Baka ma-weirdohan siya saakin.

"A-ano kasi.... kasi ano....ano kasi.... kasi ano..." I'M SO SPEECHLESS. Paano ko sisimulan? Mukha tukoy akong ewan sa kakaulit ng 'kasi' at 'ano'.

"Ano? Hay Thea, bahala ka na. Wag mo na problemahin yun, kain muna tayo, alam kong hindi ka pa nakain ng umagahan mo. Tara KFC, gusto mo?" Tumango na lang ako para sumagot ng oo, pero ngayon ko lang narealize na hindi panga pala ako kumakain ng umagahan. Pero hindi pa ako gutom. Pero okay nayun, wag na maging choosy.

Umupo kami sa bakanteng upuan ng KFC, at umorder na si Anjelo ng pagkain, tig-isang 1pc. Chicken-Spicy with rice, at fries.

Nang-iserve nung waiter ang pagkain, Sumubo na agad si Anjelo at tumingin ako sa kanya ng masama. Hindi manlang siya nagpre-pray bago kumain? Naku Anjelo, naku.

"Bakit?" Tanong niya, "Uso kasi magpray muna bago kumain." Sabi ko sa kanya, at tumigil siya sa pag-nguya at nagsimula na akong magdasal, hanggang sa matapos na ako magrecite ng prayer, sumubo na agad siya, gutom? Sumubo na din ako, ang sarap! Chicken! Whoo!

Pero walang makakatalo kay Anjelo, yung bunganga niya ngayon, punong-puno. Ang cute niyang tignan! Para bang si Po sa Kung Fu Panda. Ang cute! Tapos kasama pa ang black t-shirt niya na may kapartner na jeans at vans na sapatos. All black siya ngayon at sumama pa ang sobrang puti niyang balat. Ang pinagkaiba nga lang, mataba si Po, payat si Anjelo. May abs yata tong lalaking to eh.

Wait let me explain. Nakita ko lang siyang shirtless pagkatapos nilang magbasketball. Excuse me, kung iniisip niyo akong maninilip, hindi ako ganun.

"Ang cute mo." Sabi ko sa kanya at napatawa ako sa cuteness niya, ang sarap pisilin ng pisngi niya!

"Bokot?" Yun ang naintidihan ko dahil punong-puno na ang bibig niya,

"Don't talk when your mouth is full." Sabi ko sa kanya at napatawa nanaman ako,

Lumunok siya, halos nilunok niya na ang lahat ng pagkain sa bibig niya, ang cute! Tapos na pa ubo pa siya, dahil nabulunan yata. Yan kasi! Kay Kinuha niya agad yung coke na nasa table at ininum kaagad ito, ubos kaagad. Grabe naman to mabulunan.

"Huy okay ka lang?" Sabi ko habang natawa, at sinubo ang last bite ko ng chicken, so sad.

"Nabulunan na nga yung tao, tatawanan mo pa." Sabi niya at medyo naubo pa siya pagkatapos niyang magsalita.

"Hinay-hinay lang kasi. Tignan mo, mas tapos pa ako sayong kumain. Pero hindi sabay-sabay ang pagsubo." Sabi ko sa kanya pero napangiti lang siya,

"Atleast cute." Sabi niya at natawa na lang ako na para bang yung tawa ko, hindi sumasang-ayon. "Diba nga sabi mo." Dagdag niya,

"Kanina yun." Sabi ko pero umiling siya, "Nangyari parin." Sabat niya,

"Ewan ko sayo. Masyado mong pinapalawak ang meaning ng isang bagay." Sabi ko sa kanya at napatawa siya at sinabing, "Cute kasi ako." Sabi niya, kapal?

Oo sinabi kong cute siya kanina, pero kanina yun, parang hindi na ngayon. Ang kapal ng mukha eh! Buti pa si po, ang kapal ng mukha pero cute parin.

Pagkatapos ng ilang oras, hay salamat! Tapos na din siyang kumain. Naunahan ko pa siya kanina.

Ngayon, naglalakad kami papuntang Astroplus, sinuggest ko lang kasi gusto kong bumili ng How did we end up here ng 5 Seconds Of Summer.

Another Piece Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon