Chapter 13

21 1 0
                                    

Habang nagiikot sa mga booth ng school, sarap na sarap ako sa kinakain kong Pizza. Habang si Anjelo naman, nainom ng softdrinks. Kakatapos lang niyang kumain ng pizza. Ang bilis niyang kumain, grabe! PG yata eh.

"Gutom pa ako." Sabi niya habang hawak hawak yung tiyan niya. Okay? So?

"Bili ka ulit." Sabi ko sa kanya, para parehas kaming nakain.

"Ayoko gusto ko yung sayo." Sabi niya. Tinago ko yung pizza sa likod ko para hindi niya makuha, "Ayoko! Saakin to eh! Bumili ka ng sayo."

"Pakagat lang ng isa." Sabi niya pero umiling ako, pero pilit niyang kinukuha yung akin!

"Bumili ka nalang dun! Akin toh!" Sabi ko sa kanya, pero nagsad face lang siya at sinabing, "Wala na akong pera."

"Weh?" Tanong ko sa kanya, kasi alam kong marami tong pera, siya pa nga nanglibre sakin eh.

"Thea, sa lahat ba naman ba ng libre ko sayo hindi mauubus yung pera ko." Sabi niya ng seryoso. Sabagay, may point naman siya.

Kaya pinagbigyan ko nalang siya at sinabing, "Isang kagat lang ah." Oo, ang damot ko noh.

Kumagat nga siya ng isang kagat, at pagkatapos nun, natawa ako! May amos siya sa tabi ng labi niya. Mukhang tanga!

"Bakit ka natawa?" Tanong niya saakin, ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa,

"Wala lang." Sabi ko sa kanya habang tawang tawa parin sa amos sa mukha niya. Ang cute ni Anjelo,

"Bakit ba?" Tanong niya ulit, sige na sasabihin ko na, baka magalit pa to eh,

"May amos ka kasi." Sabi ko sa kanya at yung mukha niya naging confuse, "Huh?"

Tumawa ulit ako, hindi ba niya nararamdaman yung amos sa tabi ng labi niya? "Malapit sa labi mo."

"Kanan o kaliwa? Tanggalin mo nga." Sabi niya saakin, pero umiling ako at sinabing, "Ayoko nga, dumi mo yan eh. Tanggalin mo nalang nasa kaliwang parte." Sabi ko sa kanya,

Sinamaan niya ako ng tingin pero ngumiti agad siya, lumapit siya saakin at hinawakan yung baba ko gamit ng daliri niya, anong gagawin nito?

Palapit ng palapit yung mukha niya sa mukha ko. At biglang, "Ayaw mo pala ah." Hinalikan niya ako sa pisngi at dumapi na saakin yung amos niya, YAK!

Tumawa siya ng malakas, mukhang meron na din akong amos! "Kadiri ka! Yak! Ew!" Sabi ko sa kanya at pinunasan ko yung pisngi ko para matanggal yung dumi. Kadiri naman oh!

"I love you, Thea." Sabi niya at Tumakbo siya palayo saakin, kaya hinabol ko siya kaagad, ang bilis naman niyang tumakbo. Pero keri naman, medyo malapit na siya saakin, kaya mas lalo kong binilisan at yan na, malapit na ako sa kanya!

BUGGG!

May nakabangga akong naka jersey na pang Soccer, na paupo ako sa lakas nang pagbangga saakin. Ang sakit sa puwet! Alam mo yung feeling na yung bigat ng katawan mo napunta sa puwet mo nung pagbagsak. Tapos para bang pasa ang abot nito. Pero habang tumatagal naman, umokay na.

Pagtingin ko sa taas, hindi ko makita yung mukha,dahil gawa ng sikat ng araw, nakita ko yung kamay niyang nakatapat saakin para tulungang tumayo, at sa pagtayo ko, Shet.

Luminaw na ang lahat, nawala na ang sikat ng araw, at sa wakas nakita ko na ang mukha. Nakakagulat lang, si Mike, nagsosoccer?

Oo, si Mike ang nakabangga ko. Hindi ko alam kung magthathank you ako o hindi, kasi siya ang dahilan ng pagbagsak ko.

At hindi ko alam kung tatawa ako dahil wala parin siya reaction. Gusto kong tumawa dahil mukha siya ewan,

Another Piece Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon