"Naku 5 seconds nalang, isang point nalang mananalo na ang mga Grade 10. Na kay Anjelo ang bola ishoshoot na, bilisan mo!" Sabi nung nasa mike,
Kagat-kagat ko ang mga kuko ko, at kinakabahan kung mashoshoot niya nga ba o hindi,
"Go Anjelo!" Sigaw ko at tumingin ako sa timer, 5, 4, 3, 2, 1,...0.2, 0.1-
Nashoot niya! Yes naman! Buzzer beater ang isang Anjelo Chaves! Nagsihiyawan ang lahat at sumigaw ng, "We love you, Anjelo. Whoo!" At ngumiti si Anjelo,
Nang palapit na si Anjelo, lumapit ako sa kanya, at binigyan ko siya ng isang napakahigpit na yakap. Yinakap niya din ako ng mahigpit.
"Thank you." Sabi niya, at nagsmile ako, "Basta para sayo." Sabi ko sa kanya habang hindi pa nakalas sa yakap niya.
"Thank you din." Inulit niyang sinabi, para saan na yun?
"Para saan?" Tanong ko sa kanya, kasi ang alam ko lang dahil nanood ako,
"Sa kiss." Tae! Oo ng pala. Nagnakaw nga pala siya ng halik sa akin. Wait, hindi ko to papalagpasin, kaya kumalas ako sa yakap niya at pinisil ang pisngi niya at sinabi kong, "Kung hindi ka lang cute, nasabunutan na kita."
Tamawa lang siya ng napakacute. Inakbayan niya ako at sinabing, "Samahan mo muna ako sasakyan, magpapalit lang ako ng damit." Sabi niya at hinubad niya yung jersey niyang pangitaas at ngayon, SHIRTLESS na siya! Sabi ko na eh, may abs to.
"At talagang maghuhubad ka sa public?" Sabi ko sa kanya,
"Para hindi ako matuyuan ng pawis." Sabi niya at ngumiti siya,
"Para hindi matuyuan ng pawis, pwsh! Palusot mo. Ang sabihin mo, gusto mo lang ipagmalaki yung abs mo." Sabi ko sa kanya, at tumawa lang siya,
"Amin na nga yan, pupunasan na kita ng pawis sa likod." Dagdag ko at kinuha yung damit niyang hinubad,
Habang naglalakad papuntang parking, at pinupunasan ng pawis sa likod si Anjelo, may nagsitilian na mga babae, alam kong nakita nila si Anjelo.
"Oh my gosh! Shirtless si Papa Anj." Papa Anj? What the! Yaks. Kaya lumapit sila kay Anjelo,
"Anjelo, papicture naman oh!" Sabi nung isang babaeng atat na atat kay Anjelo tapos may kasama pa siyang isang babae, kaya nagkagulo sila.
Kinuha na nila yung phone nila sa bag at nagsimula ng magpicture picture. Umalis na lang ako at nilagay yung shirt ni Anjelo sa ulo niya, nakakahiya naman yata sa dalawang babae, paghindi ako umalis.
Habang naglalakad papuntang kotse, malapit na ako ng may yumakap saakin. Alam kong si Anjelo yun, kasi naramdaman ko ang bare skin niyang dumapi sa likod ko,
Umalis ako sa yakap at yinakap ko siya paharap, "I love you, Thea." Sabi niya at bumulong din ako ng 'i love you too, Anjelo' at KINUROT ko si Anjelo sa likod, "Aray!" Kala mo papalampasin ko yun ah! Nagkakamali ka.
"Sabi ko kasi sayo wag kang magtatanggal ng shirt sa public. Pagkakaguluhan ka lang. Ang harot mo kasi." Sabi ko sakanya bago kumalas sa yakap.
"Baka nga kasi matuyuan ako ng pawis." Sabi niya,
"Sus, palusot mo talaga, hindi na tatabla. Hinding hindi na. Sobrang bulok na, promise." Sabi ko sa kanya, tumawa nalang siya at dumiretsyo sa sasakyan niya.
Kumuha siya ng extra t-shirt sa likod ng sasakyan niya, at sinuot niya na. "Thea, halika." Sabi niya, kaya lumapit ako sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya, pero wala siyang sinabi, at sinaraduhan niya nalang yung pinto sa likod. "Ano?" Tanong ko ulit.
BINABASA MO ANG
Another Piece Of My Heart
RandomSa buhay, hindi maiiwasan ang choices. Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagdadalawang isip. Mahirap mamili lalo na kung iba ang sinasabi ni UTAK sa timitibok na PUSO. Sa buhay ni Theanne Cortez, mapapaisip ka din kung sino ang pipiliin mo. Yung bang la...