Chapter 21

5 3 0
                                    

Anong nangyari? Ngayon nandito na ako sa kama, nakahiga, pero bakit, bakit wala si Anjelo? Wala din yung kwintas na binigay niya? Nasaan siya? Nasaan yung kwintas na may singsing? Paniginip lang ba ang lahat? Ano bayan kala ko naman totoo.

"Ano bayan, Thea. Masyado ka yatang nanaginip ng malalim! Yan tuloy, umasa ka!" Sigaw ko sa kwarto, pero totoo paring Weeksary namin.

Parang totoo eh, ang sakit parin ng ulo ko. At ang galing ko naman, nahimatay ako sa sarili kong panaginip? Way too deel naman yata.

Umupo ako ng matuwid sa kama, at sa paanan ko, nakita kong may nakahanda na lamesa at pagkain, napalunok ako sa takot, sino ba naman ang maghahanda eh alam kong panaginip lang na nandito si Anjelo. Ay wait, panaginip lang din pala na wala si ma at si kuya.

Lumapit ako sa pagkain, sandwich na nasa loob ay ham,  egg, at bacon. Wow! That's too much meat. Pero may gatas naman na kasama, katabi ng pagkain,

"Oh, nagising ka na pala." Si, si Anjelo? So lahat ng to hindi panaginip? Ang gulo naman, can somebody tell me what's going on!

"Anjelo? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya, pero napatawa lang siya at tinanong, "Amnesia?"

Malay ko ba? Ano ba kasi ang nangyari?

Bakit hindi siya ang tanongin mo?

Ano ba tong konsensya ko, basta basta nalang nagsasalita? Maghintay ka kasi!

Lahat ng bagay kailangan ng kasagutan.

Kung makakapatay lang ako ng tao, uunahin ko na to, ay hindi pala, mamamatay din pala ako. At ito lang ang pinagtataka ko sa konsensya ko, hugot ng hugot.

"So totoo pala ang nangyari." Sabi ko sa kanya kasi nilabas niya na yung kwintas sa bulsa niya at sinuot niya saakin, "Kala ko kasi, panaginip lang. At totoo bang nahimatay ako?" Tanong ko sa kanya at bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit, "Oo! Kala ko nga mawawala ka na saakin eh, wag mo na nga yun uulitin! Pinapakaba mo ako." Sabi niya saakin habang gulat ako sa ginawa niya,

"Ano ba kasi nangyari? Bakit ka natumba? May lagnat ka ba? Bakit hindi mo saakin sinabi?" Tanong niya, ang dami namang tanong, ganyan talaga pag maraming fans. Mga paparazzi talaga, hmm. Hahaha

"Ewan ko siguro nahilo lang talaga ako." Sabi ko sa kanya, tapos kumalas na din siya sa yakap niyang napakahigpit halos hindi na ako makahinga, at humiga siya,

"Napagod ka noh?" Tanong ko sa kanya,

"Syempre ang bigat mo eh." Sabi niya, huh?

"Wow. Parang binuhat niya na ako. Ang judgemental mo." Sabi ko sa kanya at kinuha yung tinapay na nasa table at kumagat ako,

"Binuhat kita, nahimatay ka nga diba. Alangan namang hayaan kitang nakahiga sa sahig, Umakyat baba pa kaya ako para sayo. Binuhat kita. Gumawa pa ako ng sandwich para kumain ka ulit. Nagtimpla pa ako ng gatas. Sinong hindi mapapagod non?" Tanong niya, okay, fine. Sorry.

"Thanks. Kaya mahal na mahal kita eh." Sabi ko sa kanya at nilagay ang sandwich na ginawa niya sa plato ulit at niyakap siya, pinatong ko ang ulo ko sa matigas niya dibdib, kaya ngayon, naririnig ko ang tibok ng puso ng isang Anjelo Chaves.

"Ginawa ko na ang lahat, and that's all i get. Isang yakap." Sabi niya at natawa ako,

"Huy hindi kaya, nagthank you pa ako ah." Sabi ko sa kanya, pero nagbuntong hininga lang siya,

Another Piece Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon