NEW FRIEND

203 9 0
                                    


Ji Yeon POV

nagising ako sa isang malaking kwarto, napaka sakit ng ulo ko , natatandaan kopa ang nangyari sakin sa labas ng lagusan, kamusta na kaya si chanyeol?

" gising kana pala " napabalikwas ako nang pagkakahiga ng may nag salita sa harap ng pinto.

" s-sino ka? " kunot noo kong tanong, napahawak ako sa ulo kasi sobrang sakit talaga.

" wag ka munang mag isip hyuna! " hinawakan nya ako sa ulo ko at inalalayan akong humiga.

" kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong nya sakin.

" ayos lang ako, sino ka nga pala?" mahinahon kong tanong, muka naman syang mabait kaya dapat behave muna ako, tsaka masakit din ang ulo ko kaya dapat mag pahinga.

" I'm Tao , buti nakita kita paniguradong kukunin ka ni lay " seryoso sya.

" lay? sounds familiar " nag isip ako , kasi parang kilala ko sya, lalong sumakit ang ulo ko, napahawak ako sa ulo ko

" sabi ko naman sayong mag pahinga ka muna! wag mo munang isipin kung anong mang nangyari sayo kanina!" sabi nya habang hinahawakan ang ulo ko, caring sya , mabait, at pogi pa. hahaha!

" dapat nag iingat ka Hyuna! " sabi nya

" Tao hindi Hyuna ang pangalan ko" nagulat sya sa sinabi ko

" HA? E ANO?" usisang usisa sya.

" ako si Ji Yeon "

" Ji Yeon?  bakit iba ang pangalan mo?" gulat na gulat sya, nag tataka ako e ano naman sa kanya?

" bakit ba ganan ka? kilala mo ba ako? tsaka teka lang pano mo nalaman na Hyuna ang pangalan ko dati?" pag tataka ko.

" ha? hehehe  wala yon hula ko lang! ^_^ wag kanang mag isip baka lalong sumakit yang ulo mo! kulit mo! " Sabay pisil sa pisngi ko.

" aray ha? " inirapan ko sya

" sorry naman ! cute mo kasi! " sabi sakin ni Tao, at nagtawanan nalang kami.

Chanyeol POV

" nasan ang tinakda chanyeol? " bulong sakin ni D.O

" di ko sya nasagip, nawawala sya D.O"  sabi ko sa kanya, may naramdaman akong basa sa pisngi ko, di ko namalayan lumuluha na pala ako, okay nako! may malaking band aid sa bandang mata ko, matapos nila akong ihatid sa palasyo , nagpahatid nako dito sa condo ko, alalang alala sila mommy and dad kanina , ngayon nasa kwarto ako kasama si D.O at Baekhyun.

" kaya pala diko nagagamit yung powers ko kanina, dapat pala di ko na hinayaang umalis ang itinakda kanina" nagutla naman ako sa sinabi ni baekhyun pati si D.O ay nabigla rin.

" KILALA MO SYA? " sabay naming tanong ni D.O

" EASY LANG MGA BRO! OO KILALA KO SYA! nakita ko sya sa labas ng hotel kanina, gabing gabi nasa labas sya" sabi ni baekhyun

" di sya sanay sa panahon natin dito, baliktad kasi tayo " napakunot noo naman si D.O at Baekhyun sa sinabi ko.

" panong di sanay? " sabi ni D.O

" Sa mundo kasi nila ang araw ay umaga at ang buwan naman ay gabi, sa umaga sila gising at sa gabi ay tulog kabaliktaran ng ating panahon dito, mas gusto kasi natin ang gabi dahil mas nadadagdagan ang ating lakas, at pag umaga saka tayo mag papahinga. "  tango lang ng tango sila baekhyun habang pinapaliwanag ko sa kanila kung bakit parang Ewan si Ji Yeon kapag kasama ko sya, namimiss ko na sya kaagad.

ERASE! ERASE! ERASE! DIKO SYA GUSTO! OO TAMA! KAIBIGAN LANG KAMI!

" ano nga pala nangyari sa inyo ni Ji Yeon kanina? " tanong ko naman Kay baekhyun, at ayon nag kuwento na sya , tawa ako ng tawa habang nag kukuwento si baekhyun may actions and sounds pa! hahaha! namimiss ko na si Ji Yeon.

LIFE IN THE EXO PLANET [exo fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon