Tao POVNagpupumiglas ako , hawak hawak kasi ni Chen yung magkabilang braso ko.
" Ano ba Tao? tumigil kana nga!" sigaw sakin ni Chen
" Bitawan mo ako Chen , pls." pagmamakaawa ko
" Lay simulan mo na!" -reyna
" Wag! Please Lay wag mong ituloy!" sigaw ako ng sigaw
Nakita ko si Lay na nakaposisyon na sa tabi ni Ji Yeon.
Nakatingin kaming lahat sa kinaroroonan ni Ji Yeon
" Wag!" sigaw ako ng sigaw
Nakita ko na ang kamay ni Lay na nakatapat sa tiyan ni Ji Yeon.
" Bwahahaha!! ituloy muna!" -reyna
Napaka sama talaga nya! hindi ko akalain na ganan sya magiging kasama! hindi sya ang ina ko, ginamit lang ang katawan ng aking ina para gawing masama. matagal ng patay ang aking pinakamamahal na ina.
Nakita ko na may lumalabas na liwanag sa mga palad ni Lay at dahan dahan itong pumupunta sa tiyan ni Ji Yeon.
"Wag!" sigaw ako ng sigaw
Ngunit patuloy parin si Lay sa kanyang ginagawa para buhayin si Ji Yeon.
Pinilit kong mag concentrate at tumingin sa liwanag na lumalabas sa palad ni Lay, sinusubukan kong pigilan ang ginagawa ni Lay; kokontrolin ko ang oras.
Gumagana naman ang pagkontrol ko sa oras pero sadyang malakas ang kapangyarihan ni Lay kaya sa tingin ko hindi ko na matatagalan ang pakokontrol ko.
Nararamdaman ko ang paghapdi ng ilong ko, yun pala dumudugo na ito, nanghihina narin ako.
Pero sisikapin ko na pigilan si Lay.
Napansin kong unti unti nilang nililingon ang ulo nilang lahat sa direksyon ko, siguro'y nakakahalata na sila sa pagbagal ng oras. Kahit pigilin ko ang oras ay mahahalata parin nila ito, hindi ko naman tinigil ang oras pinabagal ko lang ito.
Nakita ko ang mga mukha nilang tila galit na galit, slow motion ang bawat paggalaw ng buong lugar.
Nahihilo na ako, hanggang sa tuluyan na akong nanghina at naitigil ko ang pagkontrol ko sa oras.
" Tss. akala mo mapipigilan mo ako? Bwahahaha" -Lay
" Lay pls. wag mong gawin yan!" hinang hina kong saad.
"Sorry Tao" binigyan ako ni Lay ng isang nakalolokong ngiti, biglang lumiwanag at kumidlat ng napakalakas.
Nakakasilaw ang liwanag na mula sa kinaroroonan ni Ji Yeon.
Mayamaya nawala na ang liwanag , agad akong tumingin sa kinaroroonan ni Ji Yeon.
Pero nanlaki ang mga mata namin sa nakita .
"Nasaan sya?" -Kris
" Nandito ako!" Napatingin kaming lahat sa pintuan.
" Ji Yeon?!" gulat at utal kong saad. pinilit kong makawala sa pagkakahawak sakin ni Chen sabay takbo sa kinaroroonan ni Ji Yeon at niyakap sya ng mahigpit.
" Tao " saad ni Ji Yeon, nanlambot ang puso ko ng marinig muli ang tinig nya.
" Ji Yeon, na miss kita " saad ko sabay halik sa noo nya.
" Tao na miss din kita " ngiting saad ni Ji Yeon.
" See? sabi ko naman sayo maganda ang maidudulot nya sa atin lalo na sayo" -reyna
Hindi ko lang sya pinansin, mas mahalaga sakin ang muling pagbabalik ni Ji Yeon.
" Anong pakiramdam mo?" tanong ko kay Ji Yeon
BINABASA MO ANG
LIFE IN THE EXO PLANET [exo fanfiction]
FanfictionIsang babae ang sinasabing itinakda upang mas mapalakas ang pwersa ng mga kapangyarihan kung ano mang palasyo ang kanyang patunguhan, dalawang palasyo na kung saan may tinatagong lihim na pilit pinagkukubli ng maraming taon, super magical na storya...