Chanyeol POV
Narinig kona ang isang hudyat, hudyat na mag-uumpisa na ang kasal, hindi magkamayaw ang pagtibok ng puso ko, kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari.
" Chanyeol naka handa na ang lahat" matapang na saad sakin ni Suho
" Sila Baekhyun nakahanda naba?" tanong ko
" Oo, sa katunayan nag-eensayo na sila" tugon naman ni Suho
" Sige" matipid kong saad
" Chanyeol?" bigla nyang hinawakan ang balikat ko
" Oh?" walang emosyon kong saad, nandito nga pala ako sa tuktok ng palasyo sa labas, kitang kita ko ang lugar na pagdadaungan ng kasal nila Tao at Ji Yeon, nakatingin lang ako doon habang kausap ko si Suho.
" Okay lang yan bro" sabi nya sakin
Pinipilit kong hindi umiyak, ang sakit sakit.
" Wala e. tingin ko wala na talagang pag-asa" saad ko, hindi ko na mapigilan ang luha ko, kusa na itong bumagsak, kaagad ko namang pinunasan yon.
" Kaya mo yan bro, nandito lang kami sa tabi mo" sabi sakin ni Suho habang hinahagod hagod nya ang likod ko
" Sige na Suho, mag-ensayo kana don, iwanan mo muna ako" walang emosyon kong saad
" Sige " sabi nya sabay alis
Hays ang sakit talaga ng nararamdaman ng puso ko, para bang gusto na nitong sumabog.
Wala na e. di talaga kami para sa isa't isa, tatanggapin ko nalang ang katotohanan.
Ang dapat na intindihin ko ngayon ay ang pagpro-protekta sa mga nasasakupan ko dahil isa akong prinsipe na dapat nilang asahan , in fact dapat ko talagang gampanan kung ano ang posisyon ko sa lugar nato.
Ji Yeon POV
Nandito na ako, this is it!
" Go na ate " sabi sakin ni Chai, at yun na nga ang hudyat para buksan na ang isang malaking pinto, bumungad sakin ang isang napaka-aliwalas na altar, mga bulaklak at mga taong naka tuxedo at mga naka dress, kita sa mga mukha nila ang pagkasabik sa magaganap na kasal, nakita ko rin ang mom and dad ni Tao na nasa harapan at sila'y nakatingin sakin at nakangiti, bigla namang lumipat ang paningin ko kay Tao, bakas sa mukha nya ang pagkasabik na maging asawa nya ako, nararamdaman ko na mahal talaga ako ni Tao, nagsimula na akong maglakad.
Habang naglalakad ako papuntang aisle tinitignan ko ang mga taong magiging saksi sa kasalang magaganap, lahat sila ay nakangiti, kumpleto naman ang exo-m warriors na nasa tabi ni Tao.
Whhoo! kinakabahan na ako!
Napaka suportive ng mga magulang ni Tao, ito daw kasi ang pinaka espesyal na okasyon sa bawat tao.
Teka........
Nasan nga pala ang mga magulang ko?!
Bakit wala sila dito?!
BINABASA MO ANG
LIFE IN THE EXO PLANET [exo fanfiction]
FanfictionIsang babae ang sinasabing itinakda upang mas mapalakas ang pwersa ng mga kapangyarihan kung ano mang palasyo ang kanyang patunguhan, dalawang palasyo na kung saan may tinatagong lihim na pilit pinagkukubli ng maraming taon, super magical na storya...