Day 1 before the wedding

113 3 5
                                    


Chanyeol POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko nag-iisa at gulong gulo sa mga nangyayari, nagsa-sound trip ako mag-isa, karamihan sa mga tugtog panay malungkot pa, paminsan-minsan nanonood ako ng TV, syempre spongebob ang pinapanood ko, tuwing ililipat ko sa dragon ball Z meron akong sakit na nadarama sa puso ko, naalala ko pa noong dati na nag-aaway kami ni Ji Yeon ng dahil lang sa palabas, unti unting nagrerewind sa utak ko ang lahat ng masasayang araw namin.

Hindi na sya si Ji Yeon na kilala ko, mapagmataas at masama na ang ugali ang nakausap ko kagabi, hindi ganon ang tunay na Ji Yeon, sa katunayan nga ito ang unang araw bago ang kanyang kasal kay Tao, noon palang halata kona na may gusto si Tao kay Ji Yeon, sobrang sakit ang naramdaman ko ng malaman ko na ikakasal na sila, akala ko ba mahal nya ako? akala ko ba papatunayan namin ang salitang forever? nasaan na yon?

Ang masakit pa don pinagbintangan nya pa kami sa kasalanang malabo naman naming magawa, tapos maghihiganti sya samin? for what? walang saysay ang mga dahilan nya, totoo ngang nalason na ng exo-m ang kanyang pag-iisip.

Bigla akong natigil sa aking pagmamaktol ng makarinig ako ng isang katok sa pinto, agad ko iyong binuksan at si Baekhyun ang bumungad don.

LIFE IN THE EXO PLANET [exo fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon