Preparation For Engagement Party

97 4 2
                                    


Tao POV

Mahal ko na talaga si Ji Yeon, ayoko ko nang mawalay sa kanya, patawarin sana ako ni Bathala sa gagawin ko, oo alam kong dapat ipaalam ko na talaga kay Ji Yeon ang katotohanan pero ayokong mawalay sa kanya, gusto kong maikasal sa kanya, mahal ko talaga si Ji Yeon, lalo ko syang minahal noong magkasama na kami maghapon sa bahay, lalo akong nainlove sa kanya. Sa tingin ko mas makakabuti kung hindi ko na talaga sabihin kay Ji Yeon ang katotohanan, hahayaan ko nalang na mapasa-akin si Ji Yeon, lalo na't nararamdaman kong mahal na nya ako, ayoko nang sayangin ang pagkakataon na ito, ikakasal na ako sa kanya , ikakasal na ako sa babaeng pinakamamahal ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nasa baba sila Lay naghahanda sila para sa mangyayaring engagement party mamayang gabi, si Ji Yeon naman ay nasa kwarto din nya.

Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang pinakamamahal kong kapatid sigurado naman akong mabubuhay sya dahil kay Lay.

Tinignan ko ang aking susuotin mamaya, isang tuxedo at pantalon ang naka hanger sa cabinet ko.

" Excited na ako!" saad ko sa sarili ko

Mayamaya may biglang kumatok sa pintuan.

" Pasok, bukas yan" walang emosyon kong saad

Si mom ang bumungad doon at parang may kasama sya.

" Hi anak! kamusta kana? excited ka siguro para mamaya sa party no?" nakangiti nyang saad.

" Well nakakaramdam din ako ng excitement but not totally excite kasi alam ko namang ikakasal kami dahil sa kasinungalingan na idinikta natin sa kanya" pabalang kong saad

" But sure akong matutuwa ka sa makikita mo ngayon" palaisipan na saad ni mom

" What?" tipid kong saad

" Just watch kung sino ang papasok sa pinto na yan" nakangiting saad ni mom, ako naman ay naka abang sa kung sinong tao na papasok sa pinto

Mayamaya nakita ko ang isang magandang sapatos na kulay white na pumasok sa kwarto, itinaas ko ang aking tingin at isang plane white dress ang nakita ko, familiar sakin ang katawan na ito, bigla kong tinignan ang kanyang mukha ---- 0_0

" Kuya!!!!" bigla akong napatayo at niyakap ko si Chai

" Kamusta kana?" saad ko sabay hawak sa magkabilang braso nya

" Ikaw ang kamusta na?" saad sakin ni Chai, bigla naman kumunot ang noo ko

" Okay lang ako! " saad ko

" Okay ka lang? diba binugbog ka nila kuya D.O?" malungkot at puno ng pag-aalala na saad ni Chai, agad kumunot ang noo ko

" Binugbog?" pagtataka ko

" Oo diba binugbog ka nila kuya D.O?" saad ni Chai, tumingin ako kay mom na nasa likuran namin, nag smirk lang sya sakin, tsk pati ba naman si Chai? lolokohin nila?

" Ah oo! pero wag mo nang isipin yon" saad ko

" Kuya anong nangyari sa inyo ni Ate Ji Yeon? congrats ikakasal na kayo bukas!!" galak na galak na saad ni Chai

" Hahaha! ang pogi kasi nang kuya mo kaya ayun nainlove sakin ang ate Ji Yeon mo kiki emoticon" saad ko

" Sus! akala ko ba kay Kuya Chanyeol si Ate Ji Yeon?" saad ni Chai, bigla tuloy naging komplikado ang sitwasyon

" Ahm. mga anak lalabas muna ako ah? mag-usap muna kayo" saad ni mom

" Okay po" saad ni Chai, ngumiti muna si mom sakin bago sya lumabas ng pinto nginitian ko rin naman sya.

LIFE IN THE EXO PLANET [exo fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon