Dedicated to: Chaniebaekieeee
Tao POV
Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto ni Ji Yeon, nakasarado ang pinto, naririnig kong umiiyak si Ji Yeon sa loob ng kwarto nya, nag dadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi.
" Wala silang kwenta! mga sinungaling sila! mga sinungaling!" naririnig ko syang nagbabasag ng kanyang mga gamit sa loob ng kwarto at nag wawala, panay iyak at sigaw ang naririnig ko.
Kailangan nya ngayon ng karamay.
Nakapag desisyon na ako!
" Ji Yeon? " saad ko sabay pasok sa kwarto nya
" Anong ginagawa mo dito?" halos utal utal na saad ni Ji Yeon , siguro'y nagulat sya sa akin, agad naman nyang inayos ang sarili nya, at nag pahid ng mga luha nya at nag ayos ng kanyang buhok.
" Anong nangyayari sayo?" tanong ko sa kanya, kunwari'y hindi ko nasaksihan ang naganap kanina habang kausap nya si Chanyeol.
" Wala to, wag mo na akong alalahanin" hikbi hikbing saad ni Ji Yeon at sya'y naupo sa kama nya
" Andito naman ako e. wag kang mag-alala Ji Yeon, kaya kitang damayan sa lahat" walang emosyon kong saad.
" Yun na nga e. kayo mismo ang problema ko!" nakatungong saad ni Ji Yeon
" Ano ba kasing problema mo? andito naman ako, kaya kong ipaliwanag sayo ang lahat" saad ko sabay upo sa tabi nya
" Sino ba ako Tao? Anong tunay na ako? Anong ganap ni Chanyeol sa buhay ko?! please naman ipaliwanag mo sakin ang lahat!" iyak na sya ng iyak, hindi ko kayang makita sya na nasasaktan, panay sya hikbi .
" Bakit ganon nalang ako kung masaktan kapag iniisip ko si Chanyeol ha? B-Bakit ako nasasaktan kapag nakikita ko syang umiiyak at nasasaktan?! bakit ba palaging may kumokontrol sa mga kilos ko?!!" todo ang iyak at hikbi ni Ji Yeon.
BINABASA MO ANG
LIFE IN THE EXO PLANET [exo fanfiction]
FanfictionIsang babae ang sinasabing itinakda upang mas mapalakas ang pwersa ng mga kapangyarihan kung ano mang palasyo ang kanyang patunguhan, dalawang palasyo na kung saan may tinatagong lihim na pilit pinagkukubli ng maraming taon, super magical na storya...